Andrea Torres on closeness with Christian Bautista: "Hindi naman kailangang lagyan ng kulay."

Ito ang mga katangiang hinahanap sa isang lalaki na gusto niyang maging kasintahan: “Siyempre, dapat gentleman. Gusto ko rin yung consistent. Hindi yung kapag nanliligaw lang nagbibigay ng mga kung anu-anong sweet things. Tapos kapag kayo na, wala na. Gusto ko siyempre yung ipapakita niya sa akin kung ano talaga siya. And siyempre, yung malapit sa pamilya. Kasi, sobrang close ko sa family ko. I think magri-reflect din do’n kung anong klaseng tao yung guy.”


May mga bagong characters na papasok sa morning series ng GMA-7 na With A Smile.

Sina Max Collins at Sam Pinto ang mga madadagdag sa cast nito kung saan pangunahing tampok sina Andrea Torres, Christian Bautista, at Mikael Daez.

Sabi ni Andrea, “Si Max, nakapag-taping na. Pero si Sam, hindi pa. But I think, soon, magte-taping na rin siya.”

May patalbugan bang mangyayari sa ganda at kaseksihan sa kanilang tatlo nina Max at Sam?

“Naku, hindi pa ako ready sa paseksihan!” natatawang sabi ni Andrea.

“Siguro ano lang muna… konti lang. Pero medyo wholesome pa rin.

“Kasi yung character ko, si Isay, nakakatuwa. Kasi makikita mo na nag-iiba na rin yung damit niya.

“Pati yung ayos ng buhok niya, nag-iiba na rin.

“So, parang yung sa totoong buhay na kapag napupunta ka sa ibang lugar, naa-adapt mo yung kung anong fashion ng mga tao doon.”

Hindi pa raw handa si Andrea na kumawala sa kanyang wholesome image.

So, malabo rin na makumbinsi siya sa ngayon na maging cover girl sa isang men’s magazine, gaya ng FHM?

“Ay, opo!” bulalas niya.

“Kasi siyempre, gusto kong namnamin bawat step ng career ko. Ayoko namang madaliin.

“Pero… I will never say never din.

“Oo. Kasi bilang artista, dapat open ka sa lahat ng bagay.”



CHRISTIAN BAUTISTA. Dahil sa pagsasama nila sa With A Smile, hindi naman itinatanggi ni Andrea na naging malapit sila ni Christian Bautista sa isa’t isa.

“Yung mga personalities namin, swak,” aniya.

Dahil close sila, nag-o-open up ba si Christian sa kanya tungkol sa nangyaring breakup nito kay Carla Dunareanu?

Sabi ni Andrea, “Wala akong puwedeng sabihin tungkol do’n sa kung anuman yung issue ni Christian.

“Kasi siya mismo, hindi siya nagsasalita about it.

“So, parang hindi maganda kung ako yung magsasalita. Parang nire-respect ko rin yung privacy niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa na lang daw si Andrea sa intrigang siya ang dahilan ng nasabing hiwalayan.

“Hindi ako yung dahilan,” diin niya.

“And siguro, dahil first soap ni Christian yung With A Smile sa GMA na kasama nga ako, tapos nagiging malapit kaming lahat na part ng show.

“Pero it doesn’t mean naman na may koneksiyon iyon.

“Basta, maganda ang working relationship namin.

“At si Christian, magaan siyang katrabaho, kasi bigayan.

“Tapos very open siyang tao. So, wala akong ilang na nararamdaman sa kanya.

“Mas nakakapaglaro kami sa eksena.

“Minsan, may mga kulitan na idinadagdag na lang namin bilang, yun nga, palagay na ang loob namin sa isa’t isa.”



THE POSSIBILITY. Ngayong pareho na silang single ni Christian, hindi maiwasang isipin ng iba na puwede naman at walang masama kung magkagustuhan man sila.

“Oo nga po, e. Mas lalong tinuutkso kami ngayon!” natatawang sabi ni Andrea.

“Pero, wala namang ganun na nangyayari. More on friendship po yung meron ngayon.”

Hindi siya open kung sakaling biglang isang araw ay magparamdam o manligaw sa kanya si Christian?

“Ay, hindi naman sa hindi open—hindi lang siya nangyayari ngayon.

“Kaya… hindi naman kailangang lagyan ng kulay,” nakangiting sabi ni Andrea.

Sa nakikita ba niya kay Christian ngayon, iniinda nito yung nangyaring breakup nila ni Carla?

“Uhm… very professional kasi si Christian, e. Kapag trabaho, makikita mo talagang work mode siya.

“Hindi niya hinahayaang mag-get in the way kung anuman yung personal issues niya.”

Wala ba siyang interes ngayon to entertain suitors?

Sabi ni Andrea, “It’s not naman sa wala akong interes, hindi ko lang siya ginagawang priority.

“Kumbaga, pag dumating… tingnan natin. Pero hindi ako yung kailangan, meron.

“So kung ano lang yung meron sa akin ngayon, iyon lang ang pinagtutuunan ko ng pansin.”



QUALIFICATIONS OF MEN. Ano ba yung qualities na hanap niya sa isang lalaki para maging boyfriend niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Andrea, “Siyempre, dapat gentleman.

“Gusto ko rin yung consistent. Hindi yung kapag nanliligaw lang nagbibigay ng mga kung anu-anong sweet things. Tapos kapag kayo na, wala na.

“Gusto ko siyempre yung ipapakita niya sa akin kung ano talaga siya.

“And siyempre, yung malapit sa pamilya. Kasi, sobrang close ko sa family ko.

“I think magri-reflect din do’n kung anong klaseng tao yung guy.”

Gusto rin ba niya sa isang lalake yung magaling kumanta?

“Why not, di ba? Para maharana niya ako!” tawa niya.

“Plus factor sa akin siyempre kung may talent siya.”



WHAT IF… Paano kung wala siyang kaalam-alam, mala-Vincent o Eric pala sa seryeng My Husband’s Lover ang tunay na karakter nung guy?

Sabi ni Andrea, “Depende… malalaman ko siguro kapag nandun na ako sa sitwasyon na ‘yon.

“Parang ang hirap sagutin kasi may feelings na involved do’n, e. Di ba?

“Hindi mo agad sasabihing ayaw mo na o gusto mo, kaya mong tanggapin. Depende.

“Pero, di ba, nakakadala si Lally?” pagtukoy niya sa character ni Carla Abellana sa My Husband’s Lover.

“In fariness, nanonood ako talaga, ha!” tawa ulit niya. “Kasi ang ganda ng acting ng mga artista doon.”

Tumatak din sa viewers at maganda ang naging review sa ipinamalas na acting ni Andrea nang gumanap siyang tomboy na nagpa-sex transplant sa episode ng Magpakailanman na “Transman,” na ipinalabas a couple of months ago.

Hindi lang convincing ang kanyang performance kundi guwapong tomboy talaga ang naging hitsura niya.

“Sabi ko nga nang ginawa ko ‘yon, baka tawagin akong leading man!” tawa ni Andrea.

“Pero masaya siya kasi ano… ibang mundo.

“Ang dami mong natututunan na, ‘Ay, ganito pala sila, ganito yung ginagawa at thinking nila.’

“So it was a learning experience.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN