Raymart Santiago strongly denies wife Claudine Barretto’s accusations

Naglabas na ng statement ang aktor na si Raymart Santiago kaugnay ng mga paratang laban sa kanya ng asawang si Claudine Barretto. Maliban sa mariiing pagtanggi sa mga akusasyon ni Claudine, sinabi rin ni Raymart na may kakayahan daw ang asawa na gumawa ng mga kuwento.


Nagsalita na si Raymart Santiago laban sa mga akusasyon ng asawang si Claudine Barretto.

Kahapon, July 29, ay naghain si Claudine ng petisyon para sa Temporary Protection Order (TPO) sa Office of the Clerok of Court ng Marikina Regional Trial Court. Ito ay para hindi raw makalapit si Raymart sa kanya at sa kanilang mga anak.

(Read: Claudine Barretto files Temporary Protection Order against husband Raymart Santiago)

Sa statement na ipinadala ni Raymart sa Balitanghali ng GMA News TV ngayong araw, July 30, sinabi ng aktor na matagal na siyang nanahimik pero napilitan na siyang sumagot ngayon para na rin daw sa kapakanan ng kanilang mga anak.

May dalawang anak si Raymart kay Claudine—ang adopted daughter nilang si Sabina at ang biological son nilang si Santino.

Mariing itinanggi ng aktor na ang paratang na inabuso niya si Claudine, na ina ng kanyang mga anak.

Bilang ama, hindi raw gagawa si Raymart ng mga hakbang na ikapapahamak ng mga bata.

Hindi rin daw niya pinagbuhatan ng mga kamay si Claudine at marami raw ang makapagpapatunay nito.

Sabi pa ni Raymart tungkol kay Claudine, “Marami rin ang makakapagpatunay na may kakayahan siyang gumawa ng kuwento.”

Dagdag niya, “I strongly deny her accusations. Lalabas din ang katotohanan. Sasagutin namin ang lahat sa korte sa tamang panahon.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN