Toni Gonzaga clueless about reason for withdrawal of My Super Kap from MMFF

Nilinaw ni Toni Gonzaga na wala pang pormal na pag-uusap tungkol sa partisipasyon niya dapat sa pelikulang My Super Kap, isa sa mga napiling entries sa 2013 Metro Manila Film Festival. Wala rin daw siya kinalaman sa pagwi-withdraw ng pelikula mula sa taunang film festival.


Naituturo ang hectic at gulo ng schedule ni Toni Gonzaga na dahilan daw kung bakit nag-withdraw ang My Super Kap sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Ang My Super Kap ay pelikulang pagbibidahan sana nina Toni, Senator Bong Revilla, at Ai-Ai delas Alas.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Toni sa ABS-CBN compound noong Linggo, July 28, ay nilinaw niya ang isyung ito.

Sabi ng TV host-actress, “Hindi ko nga alam, kasi wala pa ring final lahat, hindi pa talaga final yung mga pangyayari.

“Wala pang sit-down, wala pang pormal na sinabi ni Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director], wala halos talaga.

“Nagulat na lang ako na sabi na na-announce sa TV, pero wala pa talagang formal na sit-down about the movie.

“Ang nagsabi lang sa akin, si Vhong Navarro, noong nag-guest ako sa Toda Max.

“Sabi niya, ‘Kasama ka pala.’ Sabi ko, ‘Saan?’

"Na-announce na raw sa TV, ang sabi ko, hindi pa ako nasabihan.

“Nagsabi pa lang siguro sa Mommy [Pinty Gonzaga], narining ko na ‘yan talaga, pero wala pa talagang formal na pag-uusap, wala pa talagang final.

“So, ayun, hindi ko talaga alam, kasi wala pa talagang sinasabi sa akin.”



HECTIC SCHEDULE. Tungkol naman sa balitang dahil daw sa hectic schedule ni Toni kaya hindi na matutuloy sa MMFF ang pelikula, ito ang sabi niya:

“Hindi ko talaga alam kaya di ko masagot, hindi ko talaga masagot ‘yan.

“Kasi before, yung mga schedules na mayroon ako, matagal ko na sigurong schedule naman na yun.

“Like The Voice, the movie... so hindi ko talaga alam kung ano talagang dahilan.

"Pero kung yun man, e, hindi ko siguro kasalanan yun.

“I have my prior and previous commitments and trabaho.

“Personally, hindi pa talaga ako kinakausap ng Star Cinema tungkol doon.

“Kasi, ang ginagawa namin ngayon, yung kay Piolo, so doon muna kami naka-focus ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa pelikulang pagtatambalan nila ni Piolo Pascual sa Star Cinema, sinabi ni Toni na mas nagiging kumportable na sila ngayon sa isa’t isa at sa karakter na kanilang ginagampanan.

Aniya, “Okay naman, masaya, naka-four shooting days na kami.

“We’re getting more and more comfortable with each other, mas lumalapat na si Jeannie sa akin at si Marco sa kanya.

“Mas nagkakaroon na kami ng connection sa pelikula.”

BANKABILITY. Balita ring isinama si Ai-Ai delas Alas sa cast ng My Super Kap dahil hindi pa raw kasi bilib ang iba sa bankability ni Toni bilang isang box-office star.

Sabi naman ni Toni, “Si Ate Ai-Ai is always like a second mom to me.

“So, masaya naman sana kung sakaling okay ang lahat ng schedule, masaya sana yung pangyayaring yun.

“Actually, wala talaga akong maibigay na reaksiyon, pero kung yun ang opinyon nila, opinyon ng lahat ng tao, ay wala na akong kailangang depensahan sa sarili ko.

“Opinyon nila yun, wala tayong problema doon.”



GETTING MARRIED. Samantala, consistent ang boyfriend ni Toni na si Paul Soriano sa pagsasabing sa kasalan na mauuwi ang kanilang magpi-pitong taong relasyon.

Sinang-ayunan naman ito ni Toni.

Aniya, “Wala, ganoon naman talaga, ganoon naman talaga ang mga pangyayari sa buhay.

“You have to move on to the next level.

"If your relationship is getting much stronger, you move on and we will get there.

“Hindi naman ako nagmamadali.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN