Kyla "super happy" about Jolina Magdangal’s pregnancy

Malaki na raw ang nabago sa pagsasama ng mag-asawang Kyla at Rich Alvarez mula nang dumating sa buhay nila ang kanilang anak na si Toby Elsiah. Sabi ni Kyla, “Parang parents na talaga yung pakiramdam. We don’t feel old, pero iba yung feeling na nandiyan na yung baby… as parent na careful kami."


Dalawang buwan na ang first baby ni Kyla na si Toby Elsiah.

Kuwento ng R&B Princess sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ngayon, nagsisimula na siyang magsalita.

“Bungisngis na siya. Tawa siya nang tawa.

“Nae-enjoy ko na yung nagta-try na siyang makipag-communicate with us.”’

Nakausap namin si Kyla pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, July 28.

Nasa mga ngiti ni Kyla ang kaligayahan sa bagong role na ginagampanan niya ngayon bilang isang ina.

Saad niya, “Yung motherhood, very fulfilling kahit nakakapagod, walang tulog. Ang sarap ng pakiramdam.

“Yung yakap ng bata, iba ang feeling.

“Iba rin yung feeling na pag buhat mo siya, yakap mo siya, hinahawakan ka niya, hinahawakan mo siya.

“Pag ibinababa mo siya, iiyak siya. Kasi, gusto niya karga mo lang siya.

“Iba yung pakiramdam, etong batang ito, mahal talaga ako ng anak kong ito.

“Alam mo yung feeling na, eto, may magmamahal talaga sa akin habambuhay, ganyan… bukod pa sa asawa ko.

“Iba rin naman yung sa anak.”

Ang mister ni Kyla at ama ng kanyang baby ay ang PBA cager na si Rich Alvarez.



HELPFUL HUSBAND. Wala raw namang masasabing hindi maganda si Kyla sa kanyang asawa dahil sa tulong nito sa pag-aalaga sa kanilang baby.

“Alam mo si Rich, talagang kinu-commend ko siya kasi sobrang okey siya as a father, as a husband... very supportive.

“Kasi kaka-start ko lang mag-work ngayon… very supportive siya.

“’Sige, don’t worry, I’ll take care of Toby tonight. So you can rest and you’ll be okay for tomorrow’s performance on SAS.’

“Okey siya, pinatulog niya ako kagabi.

“Tapos, pagdating naman kay Toby, sa baby namin, he’s very hands-on, kasi wala kaming yaya.

“We prepared din na huwag magyaya kaya kaming dalawa, salitan.

“At pag wala naman kaming dalawa, siyempre our parents, nandun din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But pagdating kay Rich, he’s very responsible.”



PARTNERS. Paano nabago yung pagsasama nila ni Rich mula nang dumating sa kanila si Toby?

“Naku, iba na!” sambit ni Kyla. “Parang parents na talaga yung pakiramdam.

“We don’t feel old, pero iba yung feeling na nandiyan na yung baby… as parent na careful kami.

“Sa aming dalawa, medyo ang focus namin, nasa baby na at hindi yung kaming dalawa.

“Kasi yung atensiyon para sa baby, dini-demand yun ng baby… grabe talaga.

“Siyempre, two months pa lang siya. Hindi mo naman puwedeng hayaang umiyak lang siya diyan.

“Siyempre, pag umiyak na siya, kukunin namin siya.

“Partner kami. Yun ang tawagan namin—‘you’re my partner.’

“Kasi hindi talaga kaya na ako lang. Kasi talagang kailangang may ka-partner to help you.”



SLOW DOWN ON WORK. Wala munang balak tumanggap ng sunud-sunod na trabaho si Kyla dahil maliit pa raw ang kanyang baby.

Sabi niya, “Slowly, bumabalik ako.

“Meron din naman akong mga shows here and there. Tapos, eto ngang SAS.

“Two weeks pa lang naman kaya medyo hinay-hinay lang muna.

“Mahirap din kasing umalis at matagal na mawala sa bahay kasi nagbi-breastfeed ako kay baby.

“Kailangan ko ring umuwi kaagad para mapadede ko siya.”

Ilang mga singers ang nagsabing nabago ang kanilang vocal range matapos silang manganak.

Sa isang interview ng PEP kay Regine Velasquez, ilang buwan matapos siyang manganak, ramdam daw niya na mas tumaas pa ang boses niya.

Iba naman ang sabi ng Megastar na si Sharon Cuneta nang manganak siya sa bunso niyang si Miel. Bumaba raw ng konti ang range ng boses niya. Pero bumalik daw ito uli nang magsunud-sunod ang concerts niya at bumalik siya sa trabaho.

Inalam namin kay Kyla kung may nabago ba sa kanyang vocal range.

Sagot niya, “Wala naman. Although, noong una, nahirapan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nahirapan akong kumanta kasi may paninibago talaga pag hindi ka nakakanta nang matagal.

“Pero once na naumpisahan mo uli at naka-warm up na, okey na ulit.”



SECOND BABY. Pagdating naman sa kung kailan nila susundan si Toby, napangiti at napailing si Kyla.

Aniya, “Naku, hinay-hinay muna. Ang hirap. Oo!

“Talagang… parang ano, e, kailangan ma-enjoy na muna namin yung tulog namin bago namin sundan.

“Kasi ngayon, hindi normal yung tulog namin.

“Kasi sa gabi, gising ako. Sa umaga ako natutulog.

“Si Rich naman, sa umaga. Parang gano’n, e.

“Si Rich, sinasabi ko, ‘Tulog ka sa gabi para may energy ka sa umaga.’

“Ako naman, gising sa gabi tulog sa umaga.”



JOLINA MAGDANGAL. Isa sa mga kasamahan at kaibigan ni Kyla sa GMA-7 ay nagdadalang-tao ngayon—si Jolina Magdangal.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

“Ay, naku, super happy ako sa kanya!” bulalas ni Kyla.

“Alam ko yung pakiramdam na buntis ka na, yung excitement.

“Yung excitement na malaman yung gender. Yung excitement na makita mo yung face niya sa ultrasound.

“Alam ko yun, kasi buwan-buwan akong nagpapa-ultrasound, e.

“Parang naririnig ko yung heartbeat, nakikita ko siyang gumagalaw.

“Sobra akong happy!”

Nagkakausap daw sila ni Jolina at sinasabihan niya ito ng dapat gawin o ikilos sa pagbubuntis nito ngayon.

“Siyempre, ini-encourage ko rin siya na, ‘Naku, Mare, huwag kang malulungkot…’

“Kasi siyempre, si Jolina, workaholic ‘yan, e. Hindi siya sanay na hindi siya nagwu-work.

“Nagti-text ako sa kanya, ‘O, Mare, kumusta ka na? Huwag kang malulungkot, ha? Enjoy mo yung rest mo.’”

Anu-ano yung mga tanong ni Jolina pagdating sa sitwasyon niya ngayon?

Tumawa nang malakas si Kyla at sinabing, “Parang masyado nang TMI [too much information] pag sinabi ko!

“Basta, ang advice ko lang sa kanya all the time, kapag nag-uusap kami, ‘Just always be happy.’

“Sabi ko, ‘Attitude lang naman ‘yan, e. Happiness, nasa attitude lang naman. Kaya mo ‘yan.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN