Court of Appeals junks ABS-CBN plea against Willie Revillame

Ibinasura ng Court of Appeals ang hiling ng ABS-CBN laban sa TV host na si Willie Revillame at ng ABC Broadcasting Corporation (TV5), kaugnay ng kasunduan ng TV host sa Kapatid network, sa paglabag diumano ni Willie sa kontrata nito sa ABS-CBN.


Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang hiling ng ABS-CBN laban kay Willie Revillame at sa ABC Broadcasting Corporation (TV5), kaugnay ng kasunduan ng TV host sa Kapatid network, sa paglabag diumano ni Willie sa kontrata nito sa ABS-CBN.

Sa labinlimang pahinang desisyon ng 12th Division ng CA, sa pamumuno ni Associate Justice Jane Aurora Lantion, nakasaad dito:

“Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branches 217 and 84 did not err in dismissing ABS-CBN’s request for admission, which urged Revillame to admit that he had signed a contract with ABC and that ‘intended to launch a new show with the latter station sometime in October 2010,’ and ABS-CBN’s motion for the production and inspection of documents pertaining to any contract signed between Revillame and ABC.”

Ang desisyon ng korte na ibasura ang appeal ng ABS-CBN ay may kaugnayan sa “Judicial Confirmation of Rescission of Contract with Damages,” na isinampa ni Willie noong August 2010.

Kaugnay pa rin ito sa alitang nangyari sa pagitan ng ABS-CBN at ni Willie, kasunod ang diumano’y mga patutsada ng isa pang talent ng istasyon na si Jobert Sucaldito laban pa rin sa TV host.

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN News, sinundan ito ng sunud-sunod na meetings sa pagitan ni Willie at ng ABS-CBN na nauwi sa paghiling ni Willie ng “rescission" ng kanyang kontrata sa istasyon.

Sa pagbasura ng CA sa hiling ng ABS-CBN, sinabi ng korte na wala silang nakitang koneksiyon sa mga isyung ito sa "purported deal" ni Willie "with either Manny Pangilinan or ABC TV5.”

Dagdag pa sa naturang desisyon, “For all intents and purposes, ABC TV5 is not privy to the agreement between Willie Revillame and ABS-CBN. ABC TV5 is a complete stranger in the contract between ABS-CBN and private respondent Willie Revillame.

“If at all, any action against Willie Revillame’s alleged connection with ABC TV5 should be threshed out in an altogether different proceedings, but certainly not in the instant complaint for rescission of contract.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“MALAKI ANG UTANG NA LOOB KO SA ABS-CBN.” Nagpaabot naman ng kanyang mensahe si Willie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng business unit head ng Wowowillie na si Jay Montelibano.

Sabi ng TV host, wala na sa kanya yun at malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN at kahit kailan ay hindi niya iyon makakalimutan.

Narito ang buong mensahe ni Willie:

“Wala na sa akin yun. Sana, magkaayos-ayos na lang ang lahat. Wala nang samaan ng loob. Sana magtulungan na lang tayo sa industriya para sa ikabubuti ng lahat.

“Malaki din naman ang utang na loob ko sa ABS-CBN at kailanman hindi ko nakakalimutan yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN