Pauleen Luna deactivates social media accounts because of bashers

Ito ang dahilan kung bakit itinigil na ni Pauleen Luna ang pagkakaroon ng accounts sa Twitter at ibang social networking sites: "Hindi na ako magiging ipokrita. Pero sometimes talaga, maaapektuhan ka, e. Especially yun ngang with Vic. Suddenly, parang ang dami talagang parang alam nila kung ano ang nangyayari. Suddenly, parang ito yung tama, ito yung mali. So, hindi ko idi-deny na sometimes, it could really ruin my day. Wala naman akong ginagawang masama, di ba? "


Si Pauleen Luna ang guest ni Arnold Clavio sa celebrity talk show nitong Tonight With Arnold Clavio sa GMA News TV kagabi, July 30.

Sa naging panayam sa kanya ng batikang newscaster, may mga nasabing rebelasyon ang Kapuso actress-TV host na interesting para sa marami na malaman.

Unang nilinaw ni Pauleen ang tungkol sa balitang nagpaplano na raw siyang mag-asawa.

“Hindi, a!” sabay pakita ng 24-year-old Eat Bulaga! co-host ng mga daliri na wala namang suot na engagement ring.

“And… hindi ko na kailangang magpaliwanag. Iyon na ‘yon!” tawa pa niya.

“Siguro kapag may suot na ako, iyon na ‘yon!

“Wala, e. Wala pa.”

LITTLE MISS PHILIPPINES. Sunod na napag-usapan ang pagsali ni Pauleen sa "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga! noong 1995.

“Talunan ako!” nangingiting pagbabalik-tanaw ni Pauleen. “Thank-you beauty ako.

“Ang chaka ko that time. Parang wala pa akong kilay. Ha-ha-ha!

“At bungal ako! Oo.

“Hanggang sa daily lang ako. Lagpak!

“Sumayaw ako ng ’La Cucuracha!’ Ha-ha-ha!

“Eto ang nakakatuwang kuwento diyan… sabi ng mommy ko, ’Kapag nanalo ka anak, bibilhin ko yung favorite mong toy.’ Na hindi ko na maalala kung anong toy ‘yon.

“E, talo! Pag-uwi namin, naawa sa akin ang mommy ko, binili pa rin niya.

"I was six years old nung time na ‘yon.

“Tapos sumali ako sa kabila, do’n sa kalaban,” pagtukoy niya sa noontime show noon ng ABS-CBN na ’Sang Linggo nAPO Sila, kung saan may beauty contest din for little girls na "Princess Asia" ang title.

“Sabi ko, ’Sa Eat Bulaga, talo ako. Pero baka dito, manalo na ako!’

“Same… parehong talent. Sumayaw na naman ako ng ’La Cucuracha.’ Contestant number two ako.

“Yung contestant number one, ang galing niya talaga sa talent portion. Nawalan na talaga ako ng pag-asa.

“Alam n’yo kung sino ang kalaban ko? Si Sarah Geronimo!

“E, dapat lang naman talagang manalo siya do’n!" natatawang kuwento ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Oh, well, at least ngayon masasabi ko na… at one point, magkapantay tayo [sila ni Sarah] sa ating mga career! Ha-ha-ha!

“Nakakatuwa. Well, of course, that time, sumali lang ako dahil gusto ko lang namang sumali.

“Pero pangarap ko talagang mag-artista. I was always the performer in the family.

“Ang hindi alam ng mga tao e sobrang hilig ko sa music.

"Kasi sa Bulaga, palagi lang nila akong pinapasayaw. At saka masyadong maraming magagaling kumanta doon.”

Ang boyfriend na niya ngayong si Vic Sotto pa raw ang nagtanong sa kanya sa question-and-answer portion nang sumali si Pauleen sa "Little Miss Philippines ’95."

“Parang ang tanong niya, ’Ano ang gusto mong birthday gift.’ Parang nagsagot lang ako ng ’Barbie doll.’

“Tinanong ako kung bakit. Ang naisagot ko lang, ’Gusto ko, e!’” tawa na naman ni Pauleen.

Ngayon, ano na ang tanong ni Vic sa kanya: Kung mahal ba siya ni Pauleen?

“Mga gano’n!” sabay-tawang pabiro namang sagot niya.

“Mas makabuluhan na yung mga sagot ko ngayon! Ha-ha-ha!”

EAT BULAGA! Hindi raw akalain ni Pauleen na darating ang araw na mapapabilang din siya bilang isa sa hosts ng Eat Bulaga!.

Kuwento niya, “Mga eight years na rin akong naghu-host sa show, gano’n.

"Ano, e… parang Julia [Clarete] is just three months ahead of me sa Eat Bulaga.

“It’s really nice kasi parang do’n pa rin ako bumalik. Ibig sabihin, parang meant talaga ako para sa Eat Bulaga.

“And I was more of excited kasi kakalipat ko lang noon from the other network [ABS-CBN]. Tapos I was so scared.

“Sabi ko, ’Saan kaya ako pupunta? Ano kaya ang una kong gagawin?’

“Pinapunta nila ako sa Bulaga… go-see. Humingi ng demo tape ng kanta. Siguro that time humahanap sila ng singer.

“Sabi ko, ’Patay!’ Hindi naman talaga ako singer, e. I just like singing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then after a few days, pinabalik nila ako. And Eat Bulaga is my window to everything, e.

“And yung mga Dabarkads, masyado silang mapagbigay sa mga newer hosts. Ibinibigay nila sa ‘yo yung moment mo.

“They give you the floor, kapag nakikita nilang dito mahahasa ka. Hindi sila madamot.

“At saka hindi kami nagsasawa sa isa’t isa. Hindi ko maintindihan!" tawa na naman niya.

“You know what? I never felt any pressure in that show.

"First day ko sa Eat Bulaga, I was nobody.

“Si Joey de Leon, ang sabi, ’Welcome to Eat Bulaga.’ Tapos niyakap ako.

“Pinaparamdam nila na, ’Hindi porke matagal na kami dito e kailangang ma-pressure ka dahil bago ka.

"’Dito, lahat tayo pantay-pantay. Para tayong pamilya.

“’Tayo’y magda-dabarkads. Sabay-sabay tayong kumakain. Wala ka dapat maramdaman na stress.’

“It’s like going to school. But on a more fun note. Parang gano’n.”



UNFORGETTABLE EXPERIENCE. Isa raw sa hindi makakalimutang karanasan ni Pauleen sa Eat Bulaga! ay nang minsang himatayin siya sa live remote feed nilang tatlo nina Allan K at Paolo Ballesteros.

Kuwento niya, “Nasa Davao kami nung time na ‘yon.

“Ang malupit do’n, tinamaan ko si Allan K, tapos tiningnan niya lang ako. Hindi man lang niya ako inalalayan!

“Sabi lang niya, ’Ayyyy!’

“Maling mixture ng ano, e… kasi ang flight namin is 3 a.m. Wala akong tulog.

“Tapos ang nakahandang pagkain lang, lato, parang seaweeds ‘yon. E, hindi ako kumakain ng gulay.

“And then for some odd reason, that day, napakainit.

"Sabay-sabay siyang… bad mix. Kaya nahimatay ako.

“After no’n, dinala nila ako sa ospital. Ang masakit dito, ini-undergo nila ako ng frog test. Yung pregnancy test? Ha-ha-ha!

“Sabi ko, ’Grabe talaga ang mga tao! Mga judgmental talaga!’ Ha-ha-ha!

“Well, akala yata nila, tesbun [buntis] ako. Pero hindi naman! Ha-ha-ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SOCIAL MEDIA. Maraming beses nang nasalang si Pauleen sa kung anu-anong intriga at kontrobersiya.

Dahilan daw para i-deactivate niya ang kanyang account sa Twitter at iba pang social networking sites.

“E, kasi, you know… hindi na ako magiging ipokrita. Pero sometimes talaga, maaapektuhan ka, e.

“Especially yun ngang with Vic. Suddenly, parang ang dami talagang parang alam nila kung ano ang nangyayari.

“Suddenly, parang ito yung tama, ito yung mali.

“So, hindi ko idi-deny na sometimes, it could really ruin my day. Wala naman akong ginagawang masama, di ba?

"So, tinigilan ko na lang.

“Hindi ko alam kung ia-active ko ulit. Parang na-trauma na ako!” tawa ulit ni Pauleen.

OLDER. Nakatatlong seryosong relasyon na raw si Pauleen Luna. At may mga naiintriga kung bakit tila mas gusto niya ang mga hindi niya ka-age o mas may edad sa kanya.

Ang boyfriend niya ngayong si Vic Sotto ay 59 years old, samantalang si Pauleen ay 24 years old lamang. Thirty-five years ang agwat ng kanilang mga edad.

Sabi ni Pauleen, “Kasi ako, kahit yung mga kaibigan ko, older sa akin, e.

"So, ibig sabihin, ang mas nakakasundo ko talaga is yung mas may edad sa akin—whether it’s romantic relationship or friendship.

“Ang mas ka-swak ko talaga, I think, is yung older.”

Blooming ang beauty ni Pauleen. Lagi siyang mukhang fresh at inspired.

Sabi niya tungkol dito, “Masaya talaga ako ngayon, e, with anything—with my career, with my lovelife, with my family. Masaya lahat.”

KONTRABIDA. Sa ngayon, nalilinya si Pauleen sa kontrabida roles, at wala naman daw kaso ito sa kanya.

Sabi ng aktres, “I try to maximize yung acting skills ko, e.

"Actually, ang challenge ko dito is… kasi parati akong nabibigyan ng kontrabida roles. Kaya ang challenge is differentiating it from the other ones.

"Kasi palaging kontrabida, hindi naman pupuwedeng isa lang ang hitsura no’n.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW HOUSE. Kamakailan, na-feature sa YES! magazine ang bagong bahay na tinitirhan ni Pauleen at ng kanyang pamilya. Marami ang humanga sa ganda at laki nito.

Ayon kay Pauleen, “Ang naging problema ko lang is yung sinasabi ng ibang tao na bigay daw sa akin ito ni Bossing [Vic]. Merong gano’ng intriga, e.

“Pero sa totoo lang, hindi ko ito bahay. Bahay ito ng nanay ko. Nakikitira lang ako! Ha-ha-ha!

“Sila [her parents] ang nagpatayo talaga nito. Nagbigay lang ako ng konting share. Sila talaga ang nagpatayo.

“Fruit of hardwork talaga. Ang nanay ko kasi, nag-buy and sell business.

“Mas mayaman po ang nanay ko kesa sa akin!” tawa ulit ni Pauleen.

Dagdag niya, “Ang sarap ng feeling na may gano’n na kaming bahay.

"Kasi lumaki kami sa Malabon, sobrang liit na bahay na binabaha.

“Kaya sabi namin, ’Maybe it’s about time na may paglaanan naman tayo ng mga pinaghirapan natin. Na hindi yung mawawala lang agad kundi it will gonna stay for long.

“And sa ngayon, wala na akong mahihiling pa. I’m really happy.” .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN