Jake Vargas reveals reasons for breakup with Bea Binene

Nagsalita na rin si Jake Vargas kaugnay ng breakup nila ng ka-loveteam niyang si Bea Binene. Inamin ni Jake na isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay ang kanyang barkada at ang pagiging seloso nila sa isa’t isa.


Kung hindi pa sila nag-break ay hindi malalaman ng publiko na one year and five months pala umabot ang relasyon ng Kapuso loveteam na sina Jake Vargas at Bea Binene.

Nangyari ang breakup nina Jake at Bea bago umere ang Sunday All Stars (SAS) noon lamang Linggo, July 28.

(Read: Bea Binene admits breakup with Jake Vargas)

JEALOUSY. Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake, 21, sinabi nitong maraming bagay ang hindi nila pinagkaunawaan ni Bea, 15, kaya naman nagdesisyon na silang tapusin ang relasyon nila.

Saad niya, “Kasi nandun na yung pressure sa aming dalawa, yung araw-araw lagi kaming nag-aaway.

“Kasi ako, seloso talaga ako.

"Kapag may kausap siyang ibang lalaki, nagseselos talaga ako at hindi ko itinatago sa kanya yun.

“Kapag may kausap siya, iba na yung dating sa akin. Masyado talaga akong seloso.

“Pero ganun din naman siya, selosa din siya.

"Pag may kausap din ako o kasama, kahit sa picture, nagseselos din siya.

“Hindi na kami magkaintindihan kaya siguro nauwi na sa hiwalayan."

Dagdag pa ni Jake, “’Tsaka may mga tao kasi sa paligid na hindi magaganda yung sinasabi sa kanya para magalit sa akin, kaya nagagalit siya.

“Kumbaga, nanggugulo lang, siguro hindi ako gusto para kay Bea.

“So, ako, hindi ko na lang pinapansin."

JAKE’S FRIENDS. Sa panayam ng PEP kay Bea, sinabi nitong isa sa dahilan ng breakup nila ni Jake ay ang mga barkada ng young actor. Hindi raw sila nagkakasundo pagdating dito.

Sabi ni Jake, “A, oo, tama, yun din yung isang reason."

Pero paliwanag niya, "Nasa showbiz tayo, e, marami tayong magiging kaibigan and, at the same time, magiging barkada.

“So, hindi mo puwedeng tanggalin sa sarili mo yung mga kaibigan mo, especially kung magkababata kayo.

“Kumbaga, bata pa ako at hindi pa ako artista, nandiyan na yung mga kaibigan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya parang ang hirap naman na basta-basta ko na lang layuan dahil gusto niya [Bea].

“E, siya kasi, ayaw niya ako makisama sa mga kaibigan ko, parang bad influence daw sa akin.

"Pero sa tingin ko naman, hindi.

“Dahil bata pa kami, kaibigan ko na sila at wala naman kaming ginagawang masama. Kumbaga, nag-e-enjoy lang kaming magkakasama.

“Actually, sinubukan kong kalimutan sila [his friends] para mapagbigyan ko siya, pero hindi ko talaga kaya.

"Kasi taga-Olongapo sila... ’tsaka para sa akin kasi, kinalakihan ko na nakasama ko sila.

“Hindi ko puwedeng basta iiwan ko na lang nang ganun-ganun."

Ano ang sinabi ni Bea nang malaman niyang binalikan ni Jake ang mga barkada niya?

“Sabi niya sa akin, ’Akala ko ba, lahat kinalimutan mo na, tapos babalikan mo rin pala yung mga kaibigan mo.’

“Tapos, yun nga, ang sabi ko, ’Barkada ko yung mga yun, ’saka mas importante ka naman kaysa sa kanila.’"

Hindi ba naintindihan yun ni Bea?

“Oo, hindi niya naintindihan kasi tingin niya nga, bad influence sa akin yung mga barkada ko.

“Sabi ko nga sa kanya, sana kung sino ang mga mahal ko, sana mahalin din niya.

"Kasi ako, ganun ako, kung sino ang mga mahal niya, minamahal ko din."

Si Jake ba ay pinagbabawalan din si Bea na makipagbarkada?

Sagot ng young actor, “Pag sa babae, hindi naman, kasi mga babae naman yun.

“Pero pag sa lalaki, hindi puwede, ayoko ng ganun."

Alam ba ng mga barkada ni Jake na sila ang isang dahilan kung bakit nag-break sila ni Bea?

“Oo, alam nila, sinabi ko yun sa mga barkada ko.

“Sabi nila na hindi naman tama yung ganun na sila yung maging dahilan ng paghihiwalay namin, kasi wala naman silang ginagawa.

“’Tsaka kapag may problema ako, barkada ko yung tinatakbuhan ko at lagi silang nandiyan para pakinggan at damayan ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AFTER THE BREAKUP. Kumusta na si Jake ngayon pagkatapos ng breakup nila ni Bea?

Sabi niya, “Nakakalungkot, kasi one year and five months din tumagal yung relasyon namin.

"Pero para sa akin, ginawa ko yun kasi mas okey, para walang hassle sa buhay.

“Pero okey na rin ako.

"Kasi kung iisipin ko ang nangyari, sasakit lang ang ulo ko. Dinadamayan na lang ako ng mga barkada ko."

Kaninong desisyon yung breakup nila?

Sagot ni Jake, “Masasabi ko, parehas kaming nagdesisyon na mag-break.

“Ginawa namin yun para walang gulo, para wala na kaming maririnig na mga salitang pangit na galing sa ibang tao.

“Para matahimik na rin kami, kaya namin ginagawa ito."

Ano naman ang reaksiyon ng fans nila ni Bea nang malamang break na sila?

“Marami akong nababasa sa Facebook na nalulungkot yung mga fans namin kasi, yun nga, wala na.

“Pero sabi ko sa kanila na makikita pa rin naman nila kaming magkasama as a loveteam."

Sa tingin ba ni Jake ay hindi maaapektuhan ang loveteam nila ngayong break na sila?

“Siguro may ilangan konti kasi fresh pa, pero pagtagal-tagal, magiging okey na rin ’yan.

“Kumbaga, trabaho lang. Magiging professional lang kami pagdating sa trabaho.

“Pero alam ko na may ilangan kasi hindi naman mawawala yun, kasi bago pa talaga.

“Biruin mo, magkasama kayo sa eksena, aarte kayo...

"Alam ko na magkakailangan kami lalo na kapag kailangang maging sweet kami sa isa’t isa.

“Pero alam ko, sa ngayon, mahirap pa, kasi bago pa talaga.

"Let’s see kapag nagkasama na kami ulit."

Hindi pa ba sila nagkikita ulit?

“Hindi pa naman."

Nagti-text at nagkakatawagan pa rin ba sila?

“Hindi na rin. Wala pa kaming pag-uusap o text sa isa’t isa after the breakup.

“Hindi ko na siya tini-text at hindi niya rin ako tini-text, at hindi na rin naman kami nagtatawagan. Wala na talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE POSSIBILITY. Wala na bang pag-asa na magkaayos sila?

Sabi ni Jake, “Mahirap magsalita, pero si Lord na lang ang bahala."

Ano ang mami-miss ni Jake kay Bea?

“Marami... yung bonding, yung magagandang nangyari na magkasama kami."

Hindi ba siya nanghihinayang na nauwi lang sa breakup ang relasyon nila?

“Siyempre nakakapanghinayang din, kasi yung mga moments na yun, yun yung time na naging masaya talaga ako na kasama ko siya.

“Sa lahat kasi ng mga naging girlfriend ko, siya yung iba.

"Sobrang minahal ko talaga si Bea."

Ano ang sinabi nila sa isa’t isa pagkatapos nilang mag-break?

“Sabi niya sa akin na nandiyan lang siya lagi, hindi siya magbabago sa akin.

“Kung kailangan ko daw ng kaibigan, nandiyan lang siya... mahal na mahal daw niya ako.

“Sinabi ko naman sa kanya na nandidito lang ako. Kapag may nang-agrabyado sa kanya, nandidito lang ako, tutulungan ko siya."

If ever ba na may magiging close na lalaki kay Bea, hindi na magseselos si Jake?

Sagot niya, “Siyempre, nandun yung pagseselos, kasi matagal na rin naman kami ni Bea na magkasama.

“Hindi naman mawawala yung selos, pero dahil nga break na kami, karapatan din niyang mag-entertain ng ibang manliligaw sa kanya.

“Pero nasa sa kanya na yun, if ever na mag-e-entertain siya kaagad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN