Mikael Daez unfazed by negative comments about his acting style

Marami nang shows si Mikael Daez pero asam pa rin niyang maging regular sa gag show na Bubble Gang. Sabi niya, “Guys, I love Bubble Gang! I really, really, really love Bubble Gang, I’m not kidding. Kung regular guest ako, regular guest ako, so be it, so be it.”


Kaila sa marami, sumubok nang magnegosyo ang actor-TV host na si Mikael Daez.

Kinakailangan pa raw niyang makalikom ng tamang puhunan para maumpisahan naman niya ang iba pang pagkakakitaan.

“Oo, oo naman, nag-iipon talaga ako,” sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Balak niya sanang palaguin ang polvoron business na una niyang ibinalita noon.

Sabi niya, “Alam ninyo, may sinubukan akong business, yung polvoron business.

“Kasi, medyo malaki iyon. So bago yun, siguro nag-start ako, March, at the same time na in-announce ko yung polvoron [business] na gusto kong gawin."

Pagkatapos nito, sinubukan naman ni Mikael na magtayo ng isa pang negosyo.

Saad niya, “Nagtayo ako ng maliit na snack bar doon sa gym ng kaibigan ko.

“Maliit lang, as in yung tipong hindi naman kikita ng malaki, na kung kikita siya, pang-load lang o pang-gas, parang ganoon.

“Noong wala pang masyadong trabaho, so okay, nae-excite ako.

“Ito yung basically yung snack bar doon sa gym ng friend ko.

“So itinayo ko, first two months, habang noong wala pa yung ’Midnight Snack’ [feature segment ng Saksi], wala pa itong With A Smile, okay pa.

“Ang dami kong natututunan, naasikaso ko, halos every day or four times a week.

“Biglang noong pumasok yung mga shows, ngayon, right now, hindi ko nama-manage."

Patuloy ni Mikael, “Tapos, sinabi ko it’s impossible for me to have a business na gugustuhin kong lumago at lumaki at ma-develop ko, imposible talaga.

“Pero iyon talaga yung gusto kong mangyari, gusto kong malaman kung kaya ko nga ba.

“So, at least, alam ko may natutunan na ako, may mga alam na akong experiences during start-up.

“Ako mismo yung naglakad noong papeles, sa DTI [Department of Trade and Industry], doon sa City Hall namin sa Q.C.

“So, at least, may natutunan na rin ako, and at least alam ko rin kung anong klaseng oras ang kailangan mong ibigay sa isang negosyo—kung gusto mo talagang gumanda siya at lumaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At wala yung oras ko ngayon.

“Ang ginawa ko, tinurnover ko na lang doon sa mas bata kong kapatid.

“Sabi ko, run it lang for the rest of the contract. One year lang naman yung contract ko sa kaibigan ko.

“So run it, hindi naman siya mawawalan ng pera at kahit na lugi siya, konting-konti lang.

“Kaya parang testing din. So kung nalugi, iyon yung bayad ko para sa experience at learning.

“Imbes na sumabak ako doon sa malaking negosyo na malaking investment na talo, at least ito magandang ano.”

Hindi ba kumita ang negosyo niyang snack bar?

“Kumita naman, pero konting-konti lang, sobrang konti.”



PRESS CALL. Sa sobrang pagiging abala ni Mikael, natuwa siya sa pagbisita ng press sa set ng morning serye nila sa GMA-7 na With A Smile.

Salubong niyang bati, “Alam ninyo, buti nandito kayo, may nakakausap ako.

"Gising na gising ako, hindi pa ako natutulog!

“Kasi ako, si Max [Collins] at si RJ [Padilla], galing Bubble Gang, tapos usually maaga yun.

“E, sumakto nga yung ’Bagong Gang,’ may audition sila, so ako yung ginawang host doon.

“Si RJ contestant doon, si Max napasabay lang. So ‘ayan, late kami natapos, 3 a.m.”

Hindi na siya natulog at dumiresto na nga sa taping ng With A Smile.

“Kasi kung natulog ako, hindi ako aabot.”



FIT FOR BUBBLE GANG. Ilang buwan na siyang napapanood sa Bubble Gang kaya para na rin siyang regular doon.

“O, tulungan ninyo na lang ako, sabihin ninyo sa kanila [production ng Bubble Gang],” sabay-tawa ni Mikael.

Dugtong niya, “Guys, I love Bubble Gang! I really, really, really love Bubble Gang, I’m not kidding.

“Kung regular guest ako, regular guest ako, so be it, so be it!”

Marami ang nagsasabi na bagay si Mikael sa show.

“Di ba? Aminin ninyo, kahit sino sa inyo hindi ninyo inakala na puwede ako sa Bubble Gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit ako rin, sasabihin ko, kahit si Sir Charles, hindi niya maiisip na bagay ako sa Bubble Gang,” tukoy ni Mikael kay Charles Koo, production manager ng With A Smile.



ACTING STYLE. Hiningan naman si Mikael ng reaksiyon tungkol sa mga namimintas sa kanya, na OA raw siyang mag-host at umarte.

Sabi niya, “Oo, actually, okay, that’s a good thing. Kasi medyo ganoon yung peg ko, e, iyon yung pineg ko.

“Like dito sa With A Smile, drama kasi yung nakasanayan ng mga tao.

“So, napag-usapan nga namin ni Sir Charles, ni Direk Louie [Ignacio] na, ‘Guys, ito yung gagawin kong atake doon sa character ko. Malaki siya, yung pag-express niya, malaki.’

"Kasi may mga tao talagang ganoon, e,” pagtukoy ni Mikael sa character niya bilang Dean.

“So, sabi ko, iyon yung gusto kong ipakita dahil gusto natin medyo kakaiba yung story natin.

“May pagka-rom-com [romantic-comedy] tayo, so sabi ko, ganoon yung gusto kong ipakita.

“So, sa With A Smile, iyon talaga yung gusto ko."

Kahit binabatikos man minsan si Mikael tungkol sa kanyang acting style, hindi naman siya nababahala rito.

Sabi niya, “So, kung napansin nila iyon, okay lang naman yun kasi imposible namang mapapasaya mo lahat ng tao.

“So para sa akin, rather than sabihin nila, ‘Uy, underacting naman ito, kulang.’ E, napakalayo yun sa gusto kong atake.

"At least, yung comment nila, malapit doon sa ginagawa kong atake.”



TRADEMARK. Kahit sa Bubble Gang ay malaki ang ginagawa niyang akting.

“Tapos, doon sa ‘Midnight Snack,’ pinag-usapan namin ‘yan.

“What I love about GMA is noong unang sabak ko doon sa ‘Midnight Snack,’ very ano sila, systematic.

“Kumbaga, hindi lang salang nang salang.

“Sasabihin nila, ‘Mik, kailangan ganito ka, tingnan mo first episode mo, tanggalin mo ‘yan, itaas mo ito. We like this, hanapin mo ito, kailangan natin ng trademark.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ang dami naming inaayos lagi and napunta kami sa punto na itong style ng hosting ang gumagana.

“Ito yung pinaka kumakapit sa audience, given na yung Saksi, news show siya, gusto namin ng pampasigla sa dulo.

“So at least, lahat ng mga ginagawa ko, kahit anuman yung mga comment ng mga tao, okay lang sa akin.

“Kasi, confident ako, kasi pinag-aralan ko, suportado ako ng mga tao ng production, so ako, okay lang.

“Alam ko na parang sa two years ko sa showbiz, masasabi ko na imposibleng mapasaya mo lahat ng mga tao.

“There will be people na hindi type yung ganoon, may mga tao type na type yung ganoon.

“So, I think, yung pinaka importante doon, stick to your game plan.

“May game plan ka kasi lagi, magtiwala ka doon sa pinag-uusapan ninyong game plan ng team ninyo.

“Kasi, kayo yung may alam kung ano yung dapat para sa show na yun.”

And since marami siyang shows, ibig sabihin ay effective si Mikael sa mga ginagawa niya.

“So, at least, happy ako.”



SHOWBIZ CRUSH. Dahil With A Smile ang titulo ng GMA-7 morning serye nila nina Andrea at Christian Bautista, sino ang most recent na nagpangiti kay Mikael?

“Work ko, kahit walang tulog,” walang kurap niyang sambit.

“Totoo ‘yan. Alam ko medyo showbiz yung sagot na ‘yan.

“Pero sa ganitong sitwasyon, sa tingin ko, talagang nakikita ninyo na sobrang nag-e-enjoy talaga ako sa ginagawa ko.”

And since pag-aagawan siya nina Andrea (as Isay) at Max Collins (as Patricia) sa With A Smile, sino sa dalawa ang mas nagpapangiti sa kanya?

“Silang dalawa, kasi ang gaganda nila.

“Idagdag ninyo na rin yung crush ko,” pagtukoy naman ni Mikael kay Lally o si Carla Abellana sa My Husband’s Lover.

“Lahat crush na si Lally!” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN