LJ Reyes considers Dingdong Dantes as "most beautiful" actor

LJ Reyes on why she considers Dingdong Dantes as the "most beautiful" actor: "Sa acting abilities, ganyan, tapos entrepreneur pa siya, matalino at matulungin siya sa tao. Kita mo naman, meron siyang YES Foundation. Nakakatuwa, kasi very holistic, e. Iyon. So, talagang iyon ang gusto ko, parang hindi lang siya magandang tingnan physically—may utak, may puso... iyon. Kasi para sa akin, iyon ang beautiful.”


Nagkasama-sama ang mga artista ng ABS-CBN, TV5, at GMA-7 sa launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars noong July 25, Huwebes, sa ballroom ng Crowne Plaza.

Isa ang Kapuso actress na si LJ Reyes sa nakabilang sa listahan ngayong taon.

Naitanong kay LJ kung sino naman para sa kanya ang pinakamagandang lalaki sa showbiz.

Pinangunahan si LJ na out na dapat sa choices niya si Paulo Avelino dahil ama ito ng anak niya.

“Hindi naman siya talaga ang isasagot ko!” natatawang sabi niya.

Saka niya sinabing, “Si ano... Dingdong [Dantes].

“Hindi, kasi naman talaga, ever since naman talaga, parang... kasi, di ba, host namin siya sa StarStruck?

“So, ever since talaga, pag meron talagang lalaking-lalaki, ‘O, Dingdong Dantes!’ Parang ganoon.

“Kasi, ang nakakatuwa kay Dingdong, sinabi ko nga sa isang interview na through the years, nag-improve talaga.

“Noong umpisa, medyo mabagal, pero ngayon, talagang ang laki ng improvement niya from dati, e.

“Sa acting abilities, ganyan, tapos entrepreneur pa siya, matalino at matulungin siya sa tao.

“Kita mo naman, meron siyang YES Foundation. Nakakatuwa, kasi very holistic, e. Iyon.

“So, talagang iyon ang gusto ko, parang hindi lang siya magandang tingnan physically—may utak, may puso... iyon.

“Kasi para sa akin, iyon ang beautiful.”



STARSTRUCK ALUMNI. Naitanong din kay LJ ang tungkol sa usap-usapan na ang mga produkto ng StarStruck na umalis ng GMA-7 ay hindi na maaaring makabalik sa Kapuso network.

Kabilang sa mga produkto ng StarStruck na lumipat na ng network ay sina Cristine Reyes (ABS-CBN), Nadine Samonte (TV5), Rainier Castillo (TV5), Megan Young (ABS-CBN), Iwa Moto (TV5), Jewel Mische (ABS-CBN), at Paulo Avelino (ABS-CBN).

Natatawang reaksiyon ni LJ, na kabilang sa Batch 2, “Ha?! Wala akong balita, buti na lang lang binalitaan ninyo ako!

“Alam ninyo, gusto kong maniwala na hindi naman siguro ganyan kasi maliit lang naman ang mundo natin, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo yun? Never mong gugustuhin na magkaroon ng bad blood and you don’t wanna burn bridges kasi, alam mo yun?

“Like dito, tingnan mo, nagkikita-kita kami dito,” pagtukoy niya sa mga artista mula sa iba’t ibang networks.

“Kahit saan puwede kayong magkita ng mga dati mong katrabaho, or puwede mong makatrabaho in the future, kaya sana hindi totoo.

“Kasi ano, nakakalungkot naman kung ganoon, kasi siyempre dito, we’re here to work.

“Except siguro kung may masamang nangyari or whatever, pero ang sa akin, nandito tayo para magtrabaho."

Nagsabi naman ng saloobin si LJ tungkol sa minsa’y hindi inaasahang pag-alis at paglipat ng mga artista sa ibang network.

Aniya, “Sana lang, huwag mag-burn ng bridges and huwag magkaroon ng bad blood, iyon na lang talaga.”



UNDER CONTRACT. Si LJ ay nakakontrata sa Kapuso Network hanggang 2014, kaya hindi siya napapabalitang lilipat o kinukuha ng ibang station.

“Wala pa naman,” kumpirma niya.

Mapapanood si LJ sa upcoming teleserye ng GMA-7 na Prinsesa Ng Masa, na pagbibidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Pagbabalita ni LJ, “Sa September pa iyon.”

Bago ito ay sa Aso Ni San Roque huling napanood si LJ.

“Natapos noong January, tagal na.

“In between, nag-Bayan Ko ako, may second season kami sa October, sa GMA News TV siya."

Ayon kay LJ, mayroon siyang hinihintay na magawang project.

“Tapos iyon, meron talaga akong ipinagdadasal na indie.”

Isa itong international project na inaasam talaga ni LJ.

Pero aniya, “Huwag muna nating pag-usapan, hindi ko pa alam.”



STUDIES. Pansamantalang tumigil sa pag-aaral si LJ, pero plano raw niyang ituloy ito kapag nakaluwag-luwag na siya sa kanyang commitments.

Pagsisiguro pa niya, “Hinahanapan ko ng oras, kaso mahirap talaga.

"Pero plano ko talagang tapusin ang pag-aaral ko.

“Tatapusin ko ‘yan, tatapusin ko ‘yan.

“Kailangan lang talaga ang mga bagay-bagay, tina-timing mong ganyan, isisingit mo ang mga chorvah!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN