Marian Rivera prefers to be on the same network with boyfriend Dingdong Dantes

“Ang mga tao kasi masyadong mapanghusga, masyadong ang tingin nila sa mga artista ay parang Diyos na hindi nagkakamali," reaksiyon ni Marian Rivera bilang pagsang-ayon niya sa isang Instagram post ni Regine Velasquez.


Ngayong Agosto ay kaarawan pareho ng magkasintahang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Bukas, August 2, ang 33rd birthday ni Dingdong; sa August 12 naman ang 29th birthday ni Marian.

Kaya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian sa opening ng isang restaurant noong July 24, naitanong namin sa kanya kung ano ang birthday plans nila ni Dingdong.

Sagot niya, “Alam mo, hindi ko alam...

"Mas may balak pa nga si Dong, sabi ko sabay na lang kami na mag-celebrate.

“Parang balak niyang mag-outing kasama yung family and friends niya.”

Si Marian, ano ang balak niya?

“Sasawsaw na lang ako dun sa birthday celebration niya!” sabay-tawa ng Kapuso actress.

Ano ang birthday wish ni Marian?

“Wish? Naku, e, minsan nag-iingat na ako sa mga wini-wish ko. Gusto ko, totoong dinarama ko siya.

"Iisipin ko muna kung ano ang mawi-wish ko,” sabi niya.

Bakit siya nag-iingat sa pagwi-wish?

“Hindi, para kasi... gusto ko, kung magwi-wish man ako, yung tipong talagang panghabambuhay na wish, hindi yung pansamantala lang.

“Di ba? Kasi, ‘Ay, gusto kong magkaroon ng ganito. Ay, gusto kong bumili ng ganito!’

“E, parang tipikal. Gusto ko nang baguhin yung mga wish list ko ngayong birthday ko.”

CONTRACT RENEWAL. That day na kausap namin si Marian, wala pa siyang alam na nakaplanong susunod niyang show sa GMA-7 pagkatapos ng Temptation of Wife.

Sabi niya, “Wala pa, hindi pa kami kinakausap ng GMA.

"Pero magdi- dinner pa rin yata kami with them, kasi tinawagan din ako ng isa sa boss sa GMA.

"Sabi niya, ‘O, Yanyan, ha, magdi-dinner din tayo.’”

Nag-offer na naman daw ang GMA-7 ng renewal ng contract niya noon pa.

“Nag-offer? Of course naman, nag-usap na sila kahapon.

“E, dapat meet halfway din, masaya parehas ang parties. Hindi puwedeng sila lang, kami lang.

"Dapat parehas kaming maligaya kung anuman yung kalalabasan ng bagong kontrata o ng anumang deal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatapos ang kontrata ni Marian sa Kapuso network ngayong buwan ng Agosto.

Balitang si Regine Velasquez ay susunod sa asawa nitong si Ogie Alcasid sa TV5. Kung totoo ito, ano ang magiging reaksiyon dito ni Marian?

Sabi ng aktres, “Alam mo, minsan nakita ko dun sa Instagram niya... tama siya, e.

“Ang mga tao kasi masyadong mapanghusga, masyadong ang tingin nila sa mga artista ay parang Diyos na hindi nagkakamali.

“Parang naano ako kay Ate kasi sa Instagram niya, sinasabi niya, ’So what kung lumipat siya?’

"Ang importante, parang kung saan siya masaya, kung ganito.

“Ay, si Ate, just in case lumipat siya, irerespeto ko yun!

"Masaya ako para sa kanya at kung anuman ang dahilan ng paglipat niya, just in case, for sure para sa ikabubuti niya iyon as an artista.”

Si Marian, kaya ba niya kung sakaling magkahiwalay sila ni Dingdong ng istasyon?

“Siyempre mahirap kung parehas kayo na siyempre in a relationship, tapos Channel 2 siya, Channel 5 ako, o Channel 2 ako, Channel 7 siya.

“Siyempre, mas maganda kung nasaan siya, nasaan ako, pareho kaming nandun,” sagot ng Kapuso Primetime Queen.

Ngayong Agosto rin matatapos ang kontrata ni Dingdong sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN