Jake Cuenca changes his choice of "most beautiful" actress from Lovi Poe to Jessy Mendiola

Marami ang nakapansin sa ilangan sa pagitan nina Jake Cuenca at Lovi Poe sa presscon para sa YES! 100 Most Beautiful Stars. Kung noong nakaraang taon ay tila very close sila, ngayong taon naman ay halatang nag-iiwasan na sila. Pero ayon kay Jake, “Hindi, okay naman kami. But like I’ve said, hindi na rin kami nag-uusap, hindi na rin kami nagkikita. So, nag-hello naman ako. Nag-hello naman siya.”


For three consecutive years ay kasama ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars.

Itinuturing naman ni Jake na “suwerte” para sa kanya na makasama sa annual list na ito ng nangungunang entertainment magazine sa Pilipinas.

Sa grand launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2013 sa Crowne Plaza noong July 25 ay isa si Jake sa dumalo.

Kahit ikatlong beses na niyang nakakasama sa listahan, nakakaramdam pa rin ba siya ng excitement?

Sagot ni Jake, “Oo, nakaka-excite yung makasama sa ganitong presscon.

"Kasi nga, tulad ng sinabi ko rin, nakikita mo ang mga kaibigan mo.

“Tulad ni Tom [Rodriguez], nasa GMA na. Para makita siya ulit, it’s nice to see him.

“Then, Dennis [Trillo], my best friend, it’s nice to see him.

“Yun, masarap makakita. Kasi, lahat kami, busy. Hindi kami nagkakakitaan regularly.”



LOVI POE. Biro naman namin kay Jake, sina Dennis at Tom lang ba ang gusto niyang makita sa presscon ng YES! 100 Most Beautiful Stars, wala nang iba?

“Masaya naman, masaya namang makita lahat!” natawa niyang sagot.

Natumbok agad ni Jake kung sino ang aming tinutukoy—ang Kapuso actress na si Lovi Poe, na um-attend din sa naturang event.

Ilang upuan lang ang layo ng dalawa ngunit kapansin-pansin na tila hindi sila nagpapansinan.

Na-link sa isa’t isa sina Jake at Lovi ngunit balitang hindi na sila magkasundo ngayon.

Pero ayon kay Jake, “Hindi, okay naman kami.

“But like I’ve said, hindi na rin kami nag-uusap, hindi na rin kami nagkikita.

“So, nag-hello naman ako. Nag-hello naman siya.”

Noong isang taon, si Lovi ang isinagot ni Jake nang tanungin kung sino ang pinakamaganda para sa kanya.

Pero ngayong taon, ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola na ang isinagot ng aktor.

Bakit nag-iba na ang sagot niya?

Paliwanag ni Jake, “Maganda naman talaga si Lovi. I’m not taking anything away from her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, iba na yung sitwasyon ngayon. Iba na sitwasyon dati. Yun lang naman.

“At saka, totoo rin naman, napakaganda ni Jessy.”



LIHIS. Maraming pelikulang natapos at ginagawa ngayon si Jake.

Isa na rito ang dalawang indie films—ang Nuwebe na kasali sa isinasagawang Cinemalaya Independent Film Festival at ang Lihis na kalahok naman sa Sineng Pambansa.

Pinag-uusapan at kontrobersiyal ang trailer ng Lihis dahil sa mga love scene nina Jake at Joem Bascon kunsaan mayroon pang butt exposure.

Anong preparasyon ba ang ginawa nila para rito?

Sagot ni Jake, “Hindi preparasyon, e, tiwala.

“Malaking-malaking tiwala sa director ko [Joel Lamangan], sa co-actor ko, kay Ricky Lee as a writer.

“So, yun, matagal ko nang gustong gumawa ng ganoong project and, yun, suwerte, naging perfect din.”

Ano ang naramdaman niya nang mapanood ang trailer ng Lihis?

“I’m proud of it, super!” bulalas ni Jake.

“For me, marami na akong nagawang pelikula, nanalo na ako ng mga awards, pero I think this one is my best.”

Ito na ba ang pinaka-daring na kaya niyang gawin?

Sabi ni Jake, “Well, yung Cinemalaya ko rin, medyo daring, ha, yung Nuwebe, medyo daring rin talaga yun.

“Eto kasi, hindi talaga ako, yung sa Lihis.

“Well, hindi rin naman ako yung sa ibang pelikula, pero yung sa Lihis, ano lang talaga, physically, daring.

“Marami akong ginagawa na hindi ko pa ginagawa sa buong buhay ko sa pelikula.”

Kasama rin sa Lihis si Lovi Poe.

Nandoon ba ang pag-asam niya na makasungkit muli ng acting award?

Ayon kay Jake, “Gusto ko lang na mag-succeed ang pelikula.

“At yung award, kung bibigyan talaga ako, matutuwa ako.

“But more than anything, gusto ko lang na kapag napanood ng mga tao ang pelikula, magustuhan nila. Yun ang pinakaimportante.

“At magpapasalamat din ako sa lahat ng tao na nanood ng Tuhog, kasi ang ganda ng reviews at salamat sa lahat ng taong tumangkilik.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Tuhog ang kapapalabas pa lamang niyang pelikula mula sa Star Cinema kunsaan nakasama niya sina Eugene Domingo, Enchong Dee, at Leo Martinez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN