Gretchen Barretto on Claudine Barretto filing TPO against Raymart Santiago: "Wala akong pakialam!"

Gretchen Barretto graced the gala screening of The Diplomat Hotel held last night, July 31, at the Cultural Center of the Philippines. When Gretchen was asked about the fact that her sister Claudine filed a temporary protection order against estranged husband Raymart Santiago, Gretchen said: "Kung ano ang problema, I hope people will see it and they deal with it without me!"


Dinumog ng fans ang Cultural Center of the Philippines kagabi, July 31, para sa gala night ng The Diplomat Hotel na pinagbibidahan ni Gretchen Barretto.

Kasama ni Gretchen kagabi ang kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco at ang kanyang kapatid na si Marjorie Barretto.

Ito ang kauna-unahang indie film at Cinemalaya entry ni Gretchen kaya kitang-kita ang kanyang pagiging excited na mapanood ang gala screening ng kanyang pelikula, kunsaan gumanap siya bilang isang reporter na gustong manumbalik ang kanyang career.

Co-stars naman ni Gretchen sa pelikula sina Art Acuña, Mon Confiado, at Nico Antonio.

Bago nagsimula ang screening ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Gretchen tungkol sa kanyang pelikula at upang hingan ng komento tungkol sa pinagdaraanang marital problems ng kapatid niyang si Claudine Barretto at ng asawa nitong si Raymart Santiago.

DIPLOMAT HOTEL. Sabi ni Gretchen tungkol sa The Diplomat Hotel, “It’s my very first time to see it.

"I was supposed to view it before the showing but I was in London, ngayon pagbalik ko nag taping na ako.

"I have to view all the films. Sabi ko, para surprise, dito ko na lang panoorin sa gala night.”

How was her experience doing a Cinemalaya entry for the first time?

“First time to do Cinemalaya, first time to do it for Tony, and I’ve been an avid fan of Cinemalaya, so it’s nice to watch myself on it.

“I’m glad na napakaraming supporters ng Cinemalaya and I want to be a part of it as an actress.

"And, of course, I’m grateful that Tony shares the same passion that I do—the love for the movies."

Si Tonyboy ang chairman ng Cinemalaya Foundation.

Tuluy-tuloy na ba ang paggawa niya ng ganitong klaseng pelikula?

Sagot ni Gretchen, “Well, I never plan anything, lahat ipinapasa-Diyos ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, whatever comes my way, yun ang dapat, yun ang what’s meant for me, ayaw kong magplano.”

TPO. Nang tanungin naman tungkol sa paghahain ng Temporary Protection Order (TPO) ng kanyang kapatid na si Claudine Barretto laban sa asawa nitong si Raymart Santiago ay ito ang naging pahayag ni Gretchen:

“Sa totoo lang, wala akong pakialam!" sabay-tawa niya.

"Di ba, sabi nila, mind your own business?

"Saka mahirap, baka maulit yung paglilihis ng kung ano talaga ang problema.

"I am totally out of that!

"Kung ano ang problema, I hope people will see it and they deal with it without me.

"I have my own business…" saka niya kinanta ang ilang linya mula sa awiting "That’s Entertainment" bilang pagbibiro.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na may alitang namamagitan ngayon sa pagitan ni Gretchen at ni Claudine.

Sabi pa ni Gretchen, “So, ganun na lang. Tama na! Tigilan na natin. Yeah, let’s stop it.

"You know, if you think negative thoughts, negativity will come to me. I don’t want that.

"Maganda na ang nangyayari. Hayaan na natin para tuluy-tuloy!”

Dahil kasama ni Gretchen si Marjorie noong gabing iyon, natanong din ang huli kung ano ang masasabi niya sa reklamong inihain ni Claudine laban kay Raymart.

“Ay, I don’t want to talk about Claudine…” sagot ni Marjorie sabay alis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN