Gretchen Barretto on her critics: "Titigil lang ang career ko kapag wala nang bumatikos sa akin!"

Tanggap na ni Gretchen Barretto na hindi mawawala ang mga kritiko niya. Sabi niya, “Kasama sa buhay iyan, e, may mag-aangat sa iyo, may maghihila pababa. And when people put me down, it inspires me to do better.”


Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabak sa Cinemalaya Independent Film Festival si Gretchen Barretto via The Diplomat Hotel, isa sa entries sa New Breed category.

Sabayang ipinapalabas ang Cinemalaya 2013 entries sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Trinoma Cinema, Greenbelt Cinema, at Alabang Town Center Cinema. Magwawakas ang pagpapalabas ng mga ito sa Linggo, August 4.

Sa gala premiere ng The Diplomat Hotel sa CCP noong July 31, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang writers si Gretchen.

Ayon sa aktres, muntik na niyang tinanggihan ang pelikula dahil matatakutin siya sa multo. May pagka-horror kasi ang tema ng The Diplomat Hotel.

Kuwento ni Gretchen, “Yeah, because matatakutin ako sa multo, natakot akong pumunta sa Diplomat Hotel sa Baguio.

“Pero sabi ko, ‘Ano ba naman iyon, dasal ako nang dasal, magro-rosaryo tayo kung matatakot lang tayo.’

“So, faith… by faith, wala naman akong naramdaman, salamat sa Diyos.”



AWARD-WORTHY? Ano ang masasabi ni Gretchen sa pahayag ni Direk Christopher Ad. Castillo na dapat manalo siya ng award para sa pagganap niya sa The Diplomat Hotel?

Sagot ni Gretchen, “Alam mo, noong na-nominate ako bilang Best Actress for Maalaala Mo Kaya [MMK], hiningi ko at iniyak ko sa Diyos at sa Our Lady of Perpetual Help, nag-novena ako, nag-Baclaran…

“Lumuhod ako sa hindi lang seven churches... like nine, nag-eleven churches ako.

“After which, biniyayaan ako ng tatlo, apat na awards.

"After which, sabi ni Tony, ‘You can’t have it all, you can’t always, you know, win it all. You can’t always ask for the same thing, maging kuntento na lang.’

“And I don’t want to deny that hiningi ko at idinasal ko.

"Pero kung hindi para sa akin, sapat na nakasali ako sa Cinemalaya—it’s a legit project.

“I’m working with the best director, I always work with the best directors that we have.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I have a great cast and malaking blessing na ito na nagawa ko itong pelikulang ito.

“So, ayaw ko nang humingi nang labis-labis. Parang bonus kung mangyari, kung hindi, salamat.”



DIRECTOR’S STYLE. Ano naman ang masasabi ni Gretchen kay Direk Chris?

“Brilliant director, very, very focused…

"I admire his dedication to his craft and, sabi ko nga, mapalad ako’t nakatrabaho ko siya.

“Because lahat ng nakatrabaho ko rito sa The Diplomat Hotel, iyong energy nila really got me going.

“Parang nagkaroon ako ng voltage, iyong ganoon, iyong talagang energy.”

Masasabi ba niyang mana si Direk Chris sa yumao nitong ama na si Direk Celso Ad. Castillo—nagdirek ng mga klasikong pelikula gaya ng Asedillo (1971), Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa (1974), Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara (1974), Burlesk Queen (1977), Pagputi Ng Uwak Pag-itim ng Tagak (1978), at Paradise Inn (1985).

Wika ni Gretchen, “I cannot say kung mana sa tatay because, honestly, I did not see the work of the father.

“And I think it’s very unfair to compare father and son, so… and I guess they have their own unique talents.”



MORE INSPIRED. May mga taong naniniwala sa galing ni Gretchen as an actress while others keep putting her down, anong comment niya rito?

“Alam mo, kasama sa buhay iyan, e—may mag-aangat sa iyo, may maghihila pababa.

“And when people put me down, it inspires me to do better.

“Kaya ayaw kong mawala iyon kapag binababa ka ng tao, kapag iniinsulto. I still welcome that, it’s part of life.

“It inspires me, it gets me stronger... I’m very competitive, as you know.

“And siguro, titigil lang ang career ko kapag wala nang bumatikos sa akin!” tawa niya.

Dagdag pa ng Kapamilya actress, “So keep it coming, I welcome it.

"Okay lang iyan, hindi naman ako masyadong pikon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko kapag umiiyak ako, it makes me human, it reminds me that... ganoon talaga ang buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN