Meryll Soriano determined to finish studies in London even without support from dad Willie Revillame

Meryll Soriano still hasn’t changed her mind about managing her father’s businesses. She explains, “I want to be deserving of that job that he wants me to do. I’m not ready. I’m just not ready. Right now, ang nasa loob ng puso ko talaga is to finish school.”


Determinado ang aktres na si Meryll Soriano na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, kahit hindi pa sila nagkakasundo ng ama niyang si Willie Revillame tungkol dito.

Ito ang naging pahayag ni Meryll sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainmet Portal) at YES! magazine sa blessing ng Wil Tower Mall, na ipinatayo ng kanyang ama, kahapon, July 31.

(Read: Meryll Soriano reveals Willie Revillame stopped financing her studies in London)

Ayon sa 30-year-old actress, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakukuha ang suporta ng kanyang ama tungkol sa kanyang pag-aaral.

Aniya, “Unfortunately, he doesn’t agree.

“There’s no argument. It’s just that hindi lang kami nagkakaintindihan. We cannot meet halfway.

"I know that he needs me here and I do want to give him that. But I also want to finish my college degree.

"It’s for me. I’m 30 and I deserve to finish that.”

Nakakadalawang taon na si Meryll sa kanyang kursong Product Design sa arts and design school na Central Saint Martins College of Art and Design sa London.

Kasalukuyang nasa Pilipinas ang aktres dahil summer break niya sa London.

Habang nasa bansa, magiging abala siya sa ilang acting projects kasama na ang stage play na The Maids.

“I have two more years to go,” banggit ni Meryll.

“Sana makaalis ako this year kasi, you know, school is expensive.

“I don’t know if I have to work for another year to be able to go there.”

Ibig sabihin kaya nito ay may posibilidad na matagalan ang pagbabakasyon niya sa bansa?

“I think so,” sagot niya.

“It depends kung makakuha ako ng sponsor ulit.

“Last year, I had a sponsor for one year.

“It depends kung makakuha ulit ako ng sponsor.”



SUPPORT FROM DAD. Ayon kay Meryll, higit pa sa tulong-pinansiyal, mas gusto niyang makuha ang moral support ng ama para sa kanyang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, hindi naman talaga financial support ang hinahanap ko from my father.

“It was really the moral support for a daughter wanting to finish school.

“It’s a very simple thing.”

Dagdag pa niya, “I’ve always dreamed of finishing college. I haven’t.

“Kaya nga sabi ko nga, ako ang biggest investment ng tatay ko.

“But he doesn’t believe in that.”

Gayunman, sinabi ni Meryll na hindi masama ang loob niya sa kanyang ama.

Aniya, “We just don’t see eye to eye talaga.

“I’m old enough to accept it.

“I’m old enough to put aside my emotional baggage about that.

“Kasi dati, talagang I was very emotional about that two years ago.

“But of course, I’m 30, I have a different take on things.

"I had a difficult two years in London, it was very difficult.”



HANDLING BUSINESS. Sa hiwalay na panayam ng PEP at YES!, nilinaw ni Willie na nais lamang niyang maging handa si Meryll na pamahalaan ang kanyang mga negosyo.

Kaya kung maaari raw sana, business-related na lamang ang kursong kunin ni Meryll at handang-handang siyang tumulong kung sakali.

Sabi ni Willie, “Ang point ko is, ‘Paano kung may biglang may mangyari sa akin, paano ka sasalpak dito? Hindi mo alam lahat, e.

“’Let’s say, nag-graduate ka in two years, doon ka magtatrabaho?

“’Kung mamatay ako, ikaw din ang magma-manage nito.

“’E, wala kang alam, what will happen? Ibebenta mo? Pinaghirapan ko’to.’

“Talagang hardwork ito, hardship ito, hindi minana. Talagang from nothing ito.

"Kung ano man ang meron ako ngayon, hindi ito suwerte, pinaghirapan ko ito.”

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Meryll na nais niya lamang makatapos muna ng kursong talagang gusto niya.

“This [business management] is what he wants me to do right now, ASAP.

“But I’m really just genuinely not ready.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just want to really finish school.

“Of course, I’m very honored that he trusts me. But my priority is my study right now.”

Pag-uulit pa ni Meryll, “I just wanna finish school because it’s for me.

“I’ve never been to college so I want to be able to finish that and venture out to something that he wants me to do.

“‘Yon lang naman ang hinihingi ko sa papa ko.”

Nang tanungin kung ano ang balak niya kung matapos niya ang kanyang kurso, sagot ni Meryll: “After college, of course, I’m gonna be here for him, to support him all the way.”

Sa ngayon, hindi pa raw siya handa sa gustong ipagawa sa kanya ng ama.

Sabi ni Meryll, “It’s just that I can’t do it now.

“What I want is for me to have a structure because hindi rin naman ako naging seryoso sa buhay ko simula bata pa, kasi I’ve been working.

“High school pa lang ako, sinabi ko na na gusto kong mag-aral.

“Unfortunately, hindi ‘yon ang situation ko.

“I just really want to be in school.

“At the end of the day, hindi mo puwedeng sabihin na ‘yon lang ang gagawin mo.”

Kung sakali raw, sabi ni Meryll, “I want to be deserving of that job that he wants me to do.

“I’m not ready. I’m just not ready.

“Right now, ang nasa loob ng puso ko talaga is to finish school.”



“IT’S NOT MINE.” Bagamat salungat sila ni Willie ng opinyon pagdating sa pag-aaral, inihayag naman ni Meryll ang kanyang paghanga sa ama.

“He’s one in a million. I cannot be him,” nakangiti niyang sabi sa PEP.

“I need something for myself. What happened to him is a combination of luck and perseverance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s very hardworking and I really admire him that’s why I really want something for myself.”

Ito ang isa sa mga dahilan kaya hangga’t maaari ay ayaw isipin ni Meryll na sa kanya o magiging kanya ang mga ari-arian ng ama.

“I hate it when people tell me, ‘It’s all yours. It’s all yours.’ I hate that. I hate it.

"Fine, we get to the point when… I don’t want to talk about those things because that means something bad will happen.

“I hate it because it’s not mine and I never claimed it.

“I’m proud of it but I never take part of it, like, ‘Yeah, it’s our mall.’

“No, I never say it’s our mall. It’s his mall because he worked hard for it and I’m very, very, proud of it.

“But I don’t want to claim it because it’s not mine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN