Heart Evangelista refuses to give details about reconciliation with her dad; willing to work with ex-boyfriend Jericho Rosales

Heart Evangelista on working with ex-boyfriend Heart Evangelista: “Okay lang sa akin na makasama si Jericho… I mean, I’m very happy with my life, and if you’re happy with your life, it’s okay to work with someone from your past. That should not mean anything.”


Iniiwasan muna ni Heart Evangelista na pag-usapan ang tungkol sa pag-aayos nila ng kanyang mga magulang.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa story conference ng bagong movie project niya sa Viva Films noong Martes ng gabi, July 30, inamin ng Kapuso actress na okay na sila ng kanyang ama na si Rey Ongpauco.

Hindi niya idinetalye kung paano sila nagkaayos, at hindi rin niya nilinaw kung okay na rin ba sila ng kanyang ina na si Cecile Ongpauco.

Sabi ni Heart, “My dad and I are okay.

“As much as I want to share what happened or what it is now, I wanna do the total opposite of what happened a few months ago of not so much talk about it.

“I really wanna share it, pero for a change, I remember that time on TV, I was crying, and it was so publicized.

“For me, I think it’s more sincere if I’ll just keep quite na lang.”

Diin pa ni Heart, “I love my dad so much.”



MISS INDEPENDENT. Wala raw pagsisisi si Heart sa pasya niyang mag-solo.

Malaya na raw nagagawa ng aktres ngayon ang mga gusto niyang gawin para sa kanyang career at ilang personal na desisyon para sa kanyang buhay.

Ani Heart, “There’s no regret that I really... I wouldn’t be who I am now for the experiences or the decisions that I made before.

“It’s a nice feeling kapag pinanindigan mo ang isang bagay and then ang ganda ng balik sa ‘yo—as long as wala kang tinatapakan.”

Sa edad na 28 ay puwedeng-puwede na siyang lumagay sa tahimik, pero mabilis ang sagot nitong wala pa silang planong magpakasal ni Senator Chiz Escudero.

Handa na ba siyang maging senator’s wife?

“Not yet, ayoko pa,” sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Heart, “The idea is nice, it’s wonderful. But there’s so much to do, naghahabol ako ng oras.

“I turned twenty-eight, I still have a lot of time to do the things that I need to do.

“You cannot turn back time pag may mga anak na... ‘I wish to do this. I wish to do that.’

“And then you will live your life to your daughter or to your child. I don’t want to do that.

“I want to be able to share my experiences.

“I have yet to discover and go on an adventure with what I have now, the time that I have—being independent.”



MOVIE WITH JERICHO. Ngayong nasa Viva Films na si Herat, gusto niyang maging active sa pagawa ng pelikula.

Bukod sa Trophy Wife na ididirek ni Elwood Perez, mayroon pa raw inaayos na proyektong posibleng pagsamahan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales.

Sabi ni Heart, “Okay lang sa akin na makasama si Jericho…

“I mean, I’m very happy with my life, and if you’re happy with your life, it’s okay to work with someone from your past.

"That should not mean anything.”

Nagkita nga raw sila ni Jericho sa isang event ng Unilever kamakailan lang, pero nagkabatian lang at hindi naman daw sila nagkausap nang maayos.

Naging kaibigan naman daw ni Heart ang ilang ex-boyfriends niya, gaya ni Daniel Matsunaga, pero kay Jericho ang masasabing hindi pa siya kumportable at hindi niya maituturing na magkaibigan sila.

Paliwanag ni Heart, “In life, sometimes you spent so much time with somebody and then you end up becoming strangers... sana walang ganun.

“I’m so happy with my life really… it doesn’t mean anything.

“We went through so much kasi, that’s why may mga conscious na ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero really, it’s nothing.

“Happy naman siya, e, happy din ako. So, just be happy.”

Kung si Heart ay may Senator Chiz Escudero ngayon, si Jericho naman ay masaya rin sa piling ng kanyang girlfriend na si Kim Jones.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN