Ritz Azul admits feeling nervous about reported resignation of Perci Intalan from TV5

May alinlangan si Ritz Azul sa magiging takbo ng kanyang career sa nababalitang pag-alis ng TV5 executive na si Perci Intalan. Aniya, “Kinakabahan pa rin ako, kasi si Sir Perci yung nakakausap ko palagi. At siya yung lagi kong kasama noon, siyempre, panibagong pakikisama sa iba.”


Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ni Ritz Azul sa pagtatapos ng pinagbibidahan niyang primetime series sa TV5, ang Misibis Bay.


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ritz, sinabi niyang malaki ang naitulong ng programa sa kabuuan ng kanyang pagkatao at career.

Saad niya, “Sa Misibis Bay, naging confident ako lalo, nagkaroon ako ng mas malaking confidence.

“Natuwa ako dahil maraming nakapansin sa akin dahil sa show.

“Pag pumupunta ako sa event... parang ang daming sumigaw.

“So, doon pa lang, nakaka-overwhelm na kasi yung makilala ng maraming tao.

"Ibig sabihin, marami na ang nakakapanood sa iyo.”



CONFIDENCE. Unti-unti namang nagkaroon ng tiwala sa sarili si Ritz, lalo na sa pagganap ng daring roles.

Sabi niya, “Pagdating naman sa pagiging sexy, na-explore ko yung sarili na puwede naman palang talagang maging daring si Ritz, puwede naman pala.

“Dati kasi, insecure ako sa sarili ko, hindi talaga ako confident.

“Ngayon, medyo nagtitiwala ako sa sarili ko, may kaseksihan naman pala ako kahit paano.”

Kahit daw noong sumasali pa siya sa mga beauty pageant, wala raw tiwala sa kanyang sarili si Ritz.

“Kapag swimsuit portion na, binibilisan ko na lang yung lakad ko.”

Dahil sa kaseksihan ni Ritz, inalam namin sa kanya kung nadagdagan na ang admirers niya ngayon.

Sabi niya, “Sa ngayon wala pa naman, pero natutuwa ako dahil marami ang nakikipag-friend.”



RESIGNATION. Samantala, alam daw ni Ritz ang napapabalitang pag-alis diumano ng TV5 executive na si Perci Intalan, head ng entertainment at creative, sa Kapatid network.

Sabi niya, “Oo, aware ako.

“Siyempre, nakakalungkot dahil simula noong nagsimula ako sa TV5, sila ang kasama ko.

“Pero siyempre, kailangan rin ng something new sa kanila.

“Nakakalungkot lang talaga dahil bago na naman ang pakikisamahan namin, mga ganyan.”

Ibig sabihin ng “sila,” marami silang aalis ng istasyon?

“Yun ang naririnig ko,” nangingiting tugon ni Ritz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas naaliw naman si Ritz sa nabalitaan niyang pagpapakasal ni Perci sa longtime boyfriend at live-in partner nitong TV and movie director na si Jun Lana.

(Read: TV5 executive Perci Intalan and filmmaker Jun Lana to tie the knot in New York)

“Masaya ako for him [Perci],” sambit niya.

Nagulat ba siya nang malamang ikakasal sa kapwa niya lalaki si Perci?

Sabi ni Ritz, “Nagulat ako dahil first time kong makarinig na ikakasal na ganoon nga… alam nating ganoon.

“Pero masaya ako for them, kasi alam naman naming matagal na rin silang nagmamahalan.”

Na-meet na ba ni Ritz si Jun Lana?

“Na-meet ko pero hindi pa kami nagkausap.”

Dati niya na bang alam na matagal nang may relasyon sina Perci at Jun?

“Nalaman ko na lang sa birthday ni Sir Perci last year,” sabi ni Ritz.



UNCERTAIN. Nagpahayag dati ng pag-aalala sa career niya ang kasamahan ni Ritz sa TV5 na si Eula Caballero sakaling matuloy ang pag-alis ni Perci sa istasyon.

Sa interview ng PEP kay Eula, sinabi nitong malapit sa kanya si Perci at isa ito sa mga nagpu-push sa kanyang career sa TV5.

Tanong namin kay Ritz kung parehas sila ni Eula ng nararamdaman kapag umalis nga nang tuluyan si Perci sa network.

Sagot niya, “Hindi naman ako natatakot, kasi marami rin naman kaming nakakausap.

“Pero siyempre, kinakabahan pa rin ako, kasi si Sir Perci yung nakakausap ko palagi.

“At siya yung lagi kong kasama noon, siyempre panibagong pakikisama sa iba.

“Hindi ko alam kung sino yung papalit, pero kung sakali man... hindi ko alam, tingnan na lang natin.”

Ano ba ang inaasahan ni Ritz sa TV5 kapag natuloy ang pag-alis ni Perci?

“Hindi ko alam, e, pero nagpi-pray na lang ako na sana hindi nila kami pabayaan.

“And yun naman ang in-assure nila sa akin pagpirma ko ng kontrata sa TV5, na hindi nila ako pababayaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN