Martin Escudero bides time to do sexy and daring projects: “Mahirap pilitin, baka maumay lang ang tao sa akin.”

Sa pag-alis ni Martin Escudero sa dati niyang manager, tuluy-tuloy pa rin ang pagpurpursigi niya sa kanyang acting career. Sabi niya, “Kasi yung pag-alis ko sa manager ko ay yun na talaga ang kinakailangang gawin. Hindi ko na naiisip kung ano ang kalalabasan ng career ko, basta ako, nagtatrabaho ako nang maayos.”


Feeling “beautiful” si Martin Escudero nang dumalo sa press launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2013 noong July 25 sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas Center.

Inamin ng TV5 actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ngayon pa lang niya nararamdaman ang pagiging isang magandang lalaki.

Sabi niya, “Wala nang stress at kahit paano ay nabibiyayaan pa rin tayo ng Panginoon.

“Hindi nawawala ang mga nagmamahal sa atin at yun ang importante.

“Ngayon ko rin lang naiisip yun, kasi dati, hindi ko naman iniisip na guwapo ako, e.

“So, nagugulat na lang ako na nasasama ako sa mga ganito..."

Mahalaga ba kay Martin ang kagandahang panlabas o kagandahan ng loob?

Sagot niya, “Siguro sa akin, ang importante ay yung kagandahan ng kalooban.

“Kasi, kahit ano ang kagandahang panlabas mo kung pangit naman ang loob ko, e, masisira din yun, papangit din yun.”

May nakikita ba siyang ganitong kagandahan sa showbiz?

Tugon ng 23-year-old actor, “Hindi lang naman sa showbiz may ganoon, kasi marami namang taong ganoon, e.

“Ang iba ay plastic, hayaan na lang natin yun, kagustuhan nila yun.”



CAREER MANAGEMENT. Hinahayaan na lang ni Martin ang mga pangyayari sa kanyang buhay at career nang umalis siya sa poder ng dati niyang manager na si Popoy Caritativo.

Saad niya, “Matagal namang tapos yun, hindi na kailangan pang magsalita ng kung anu-ano pa.

“Naipaliwanag ko na rin sa inyo ang mga dahilan kung ba’t ako umalis, hayaan na lang natin yun.”

(Read: Martin Escudero finally speaks out about dropping Popoy Caritativo as manager; Popoy’s camp responds to Martin’s allegations)

Ang pag-alis niya ba kay Popoy ay isang total revamp sa kanyang career?

Nag-aalangang sagot ni Martin, “Sa totoo lang, hindi ko pa naiisip ang ganyang bagay.

“Kasi yung pag-alis ko sa manager ko ay yun na talaga ang kinakailangang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko na naiisip kung ano ang kalalabasan ng career ko. Basta ako, nagtatrabaho ako nang maayos.

“Ang importante ay nandiyan pa rin ang pamilya ko, di ba? Sila ang mahirap mawala.

“Kung anu’t ano man ang kalalabasan noon sa career ko, ipinapasa-Diyos ko na lang.”



HOLDING ON. Hindi ba mahirap sa parte niya na wala talagang isang tao na humawak ng career niya?

Pag-amin ni Martin, “Mahirap talaga, kasi hindi namin trabaho ‘yan, e.

"Siyempre, yung mga connections, manager ang nakakaalam ng lahat.

“Sa ngayon kasi ay network artist na ako, e. Kung ano sa tingin ko ang maibibigay nila sa akin, yun din lang ang gagawin ko.

“Sa ngayon kasi, awa ng Diyos, suwerte pa rin ako kasi ako pa rin ang hinahanap, kaya medyo nakaka-survive kami.”

Hindi ba siya natatakot sa balitang nagkakaroon ng financial crisis ngayon ang Kapatid network, at ilang shows na ang sabay-sabay na nagsara?

Tugon ni Martin, “Meron pa namang shows, hindi naman gaano apektado yung ano... kasi guaranteed [contract] naman kami.

“Siguro nagkataon din lang yun. Sabi nga nila, ‘Ngayon, gagamitin ka namin, tapos sunod nito ay pagbibigyan naman natin yung iba.’

“Siyempre, hindi pa naman ganoon karami ang shows nila.”

Pagkatapos ng kontrata niya sa TV5 early next year, kung sakaling kukuha siya ng ibang manager, may mga gusto ba siyang gawin na hindi niya nagagawa ngayon?

Sabi ni Martin, “Kasi sa trabaho naman, nagawa ko naman noon yung mga gusto kong gawin nang ang manager ko ay si Popoy.

“Nakuha naman niya ang mga gusto kong projects.

"Kasi sa trabaho ay napag-usapan naman namin ang mga gusto kong gawin kaya wala akong problema doon.”



INDIE MOVIE. Sa kabila ng pagiging contract star ng TV5 Talent Center, naghahanap ba siya ng isang personal manager?

Pahayag ng award-winning actor, “Marami na rin kaming nakakausap, pero hintayin muna natin na matapos yung contract natin sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas minabuti namin na kung tapos na ay saka na lang kami kukuha.

“Sa ngayon, meron akong gagawing indie movie... September to October na namin gagawin.

“Bawal pang magsabi ng mga detalye, e, istrikto yung producer pagdating diyan, e.

“May pinirmahan pa kaming contract na bawal ang magkuwento ng detalye, e.”

Gay role din ba ito tulad ng Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington, kung saan siya nakakuha ng acting award mula sa Golden Screen Awards noong 2012?

“Hindi, lalaki na ako dito!” natawang sabi ni Martin.

“Gusto kasi nila... kasi close sa amin yung director at ilang tao sa production.

"Sabi nila, ‘Babaguhin natin ang image mo. Gagawa tayo ng bagong Martin Escudero.’ Kaya yun.”

Ano na bang Martin Escudero ang gusto niyang makilala ngayon ng publiko?

“Gusto ko yung dating mabait na Martin pa rin ang dapat nilang makilala.

“Matagal na rin kasi akong walang ginawa, pero may nabalitaan ako na malapit na ring magsimula [yung indie movie] at kung loloobin ng Diyos, sana ay magsimula na kaagad kami.

“Marami pang puwedeng mangyari.”



SEXY AND DARING. Ngayon ba ay handa na siyang gumawa ng mga pelikulang magpapakita ng kanyang hubad na katawan? Tulad nina Dingdong Dantes sa One More Try, Markki Stroem sa Amor Y Muerte, at Alex Medina sa Babagwa?

Walang kagatul-gatol na sagot niya, “Sa tingin ko naman lahat ay pinagdaanan ang ganyan, pero sa tamang edad.

“Mahirap pilitin, e, baka maumay lang ang tao sa akin.

“Bilang artista naman ay pagdadaanan natin ‘yan, e, may tamang timing ‘yan.

"Lahat naman ay ginagawa ‘yan basta makakatulong sa trabaho.

“Oo, sa akin, oo. Isa ‘yan sa mga projects na pangarap kong magawa.

“Hindi ko naman inaano na yung gay roles, pero heto na ang tamang panahon na mag-level up na tayo.

“Pero kung may mag-o-offer, siyempre doon ako nag-umpisa, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon ako nakilala kaya ba’t hindi ko gagawin ulit?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN