Chynna Ortaleza transforms into a slimy, slithery villainess as Kakambal ni Eliana draws to a close

Chynna on her snake make-up and prosthetics: “It’s not easy, definitely. I spent five to six hours at the make-up room for the prosthetics. Darating ako ng first call. Ang gusto kasi nilang effect, parang skin lang talaga siya. So, naka-panty lang ako, pero the rest of my body, covered na siya ng prosthetics. Nang makita ko naman ang result, worth it naman yung six hours na ginagawa.”


Mula pa noon, kilala na namin si Chynna Ortaleza na kapag may ginagawa siyang karakter, kahit na nalilinya sa mga kontrabida roles, palaging tinitingnan ng Kapuso actress kung ano pa ang kaya niyang maibigay na bago rito.

Kaya naman bilang si Minerva sa Kakambal ni Eliana, natutuwa raw si Chynna sa ginawang transpormasyon ng karakter niya. Meron pala siyang itinatagong itim na serpentin. At magiging babaeng ahas na siya.

Kuwento ni Chynna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono noong Martes, July 30, hanggang huling linggo na lang daw mapapanood ang afternoon series nila pagkatapos nitong mag-extend, at may mangyayari sa karakter niya.

“Towards the end of the story, magkakaroon ng malaking changes sa buhay nila. Makikita nga na may itinatago palang ahas si Minerva, which is, my character.

“Nakita na rin yun ni Eliana kaya magkakaroon sila ng big fight. Malalaman ng lahat. At dahil din sa malaking dagok na nangyari, papakagat siya sa ahas at magiging babaeng ahas siya,” panimula niyang kuwento.

SLITHERY BUT SEXY. Nakita namin ang picture ni Chynna na naka-make-up at prosthetics siya bilang babaeng ahas. Maganda ang pagkakagawa sa kanya kaya hiningi namin at pina-email ang picture niya.

Ayon kay Chynna, hindi raw madali ang paglalagay sa kanya ng make-up at prosthetics.

“It’s not easy, definitely. I spent five to six hours at the make-up room for the prosthetics. Darating ako ng first call.

“Ang gusto kasi nilang effect, parang skin lang talaga siya. So, naka-panty lang ako, pero the rest of my body, covered na siya ng prosthetics.

“Lumalabas ako na naka-panty lang, pero, hindi ko naman nararamdaman na hubad akong talaga kasi nga, may make-up at prosthetics naman.

“Actually, noong trial make-up, ine-air brush, pero, naisip ko rin, ano pa ang point ng paghuhubad kung hindi rin naman maipapakita ang part ng balat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And of course, when you say ahas, what does it mean?

“Temptation, lust, seduction... so, feeling ko, made-defeat ang purpose noon kung i-e-air brush lang lahat. Actually, naisip din nila na mag-body suit ako.

“Pero, para maiba, sige, make-up and prosthetics na lang. First time nga yata, hindi rin ako sure. Nang makita ko naman ang result, worth it naman yung six hours na ginagawa,” dagdag niya.

Kakaiba raw para kay Chynna ang naging transpormasyon ng karakter niya sa Kakambal ni Eliana.

Ayon kay Chynna, “First time kong maging creature. Puro kontrabida lang naman ako dati, pero ngayon, kontrabida na creature.

“Hindi siya tao. Pati ang paglalakad ko, naisip namin ni Ms. Anne Villegas, nag-character sketch kami. Yung paglalakad ko, paggalaw, mahirap, pero, fun.”

Siya pala talaga ang main kontrabida sa serye nila.

“Oo, kasi siya yung kakalaban kay Eliana.

“Actually, yung plot na maging babaeng ahas siya, nalaman ko, a month ago. Medyo challenging siya for me. At least, may bago akong maipapakita sa Kakambal,” pagmamalaki ni Chynna.

ON KIM. Kinumusta rin namin kay Chynna ang bida ng serye nila na si Kim Rodriguez lalo na habang nagtagal silang magkasama at unang serye pa lang nga ito na pinagbidahan ni Kim.

Sabi naman ni Chynna, “Si Kim, noong umpisa, nangangapa pa siya, pero, makikita mo sa kanya na focus na focus siya. Nakikita ko na nagbabasa siya ng script. Palaging nakadikit kay Miss Anne.

“Kapag kailangan niya ng hug sa set, bago ang eksena, lalapit sa ‘yo, magpapa-hug. Makikita mo sa kanya na seryoso siya sa ginagawa niya. Ako naman, proud naman ako sa kanya.

“Mas nakikita ko siyang maging natural. Pati yung relationship niya with Kristoffer [Martin], kay Enzo [Pineda] nagwu-work.”

INDIE FILM. Ngayong magtatapos na ang Kakambal ni Eliana, wala raw problema kay Chynna kung hindi man agad-agad ang magiging kasunod ng serye niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon dito, “Sinabi naman ni Kuya Darryl [Zamora] ng GMA Artists Center na meron na raw siyang naririnig.

“Pero, puwede rin naman na magpapahinga muna ko ng one month to two months sa TV, usually kasi, ganoon naman. Pero, nandiyan naman ang mga regional.”

Kung sakali at kontrabida pa rin ang ibibigay na role sa kanya, okay lang siya?

“Ako, kahit na ano, basta challenging. Feeling ko kasi ngayon, mas confident ako na mag-explore ng kahit na ano.

“Meron din akong indie film na gagawin, with Direk Joey Reyes as director. Hindi ko pa alam kung saan ipapalabas.

“Pero ako kasi, gusto ko ang mga movies ni Direk Joey. Yung combination ng mga movies niya, very enriching na drama and light.

“Kaya noong minsang magkita kami, sabi ko kay Direk, ’Direk, never pa tayong nagkaka-trabaho.’ Sabi niya, ’oo nga!’

“Tapos, may nabasa akong tweet niya na he’s going to [GMA] Artist Center to audition. Noong makita ko, tumawag ako sa handler ko if I can audition.

“Pero, noong na-mention ang name ko kay Direk Joey, umokey na siya agad. Kaya ako, parang, ’wow, astig!’

“So, nag-thank you ako agad sa kanya,” masaya niyang ibinalita.

Sa August 8 raw ang shooting niya sa naturang indie film.”

MIDLIFE CRISIS? Ayon kay Chynna, in general ay masasabi niyang okay at masaya naman daw siya, kahit na sa tingin namin ay tila may pinagdadaanan o may pinagdaanan siya.

Sabi na lang ni Chynna, “Ngayon, masaya ko. Kasi, honestly, last two years na lumipas, parang all of a sudden, pagtungtong ko ng 30, parang nag-change.

“Hindi matukoy kung midlife crisis na ba yun. Pero, feeling ko, right now, I’m in a better place.

“Bumalik ang creativity ko.

“For the past few months, ang lala kong magsulat. For a time, hindi ako makasulat. Pero ngayon, balik ulit ako sa pagsusulat ng journal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung past years, feeling ko, hindi ako makasulat, para akong nagkaroon ng dearth of creativity. Ang hirap for me na maglabas ng thoughts.

“Noong ini-assess ko ang life ko, nag-start ako to write stories, poems, ang dali ulit.

“Parang eventually, kapag na-exhaust ko na ang pagsusulat ko, gusto ko siyang gawing pelikula or i-publish siya as is with my drawings, handwriting.

“Kaya excited din ako for the next two months at sa mga puwede ko pang gawin.”

Nakikita rin ba niya ang sarili niya bilang isang director?

“Feeling ko talaga oo, pero siguro sa ngayon, self-study muna. Ang Papa ko, ine-encourage niya ako to direct like shooting short films na interesting sa akin. Siguro, yun muna ang mga una kong gagawin,” saad niya bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN