Sa kasagsagan ng balita tungkol sa break up nila Billy Crawford at Nikki Gil, lumabas ang pangalan ni Gary Valenciano na siya raw iniyakan ng TV host/actress sa dressing room ng ASAP.
Bilang isa sa senior artists sa ASAP 2013, maaring si Gary nga raw ang kinakikitaan ng father image ng mga kabataang artista sa nasabing programa kung kaya’t dito sila nagbubukas ng kanilang mga saloobin pag may mabigat silang pinagdadaanan.
Sa nakaraang contract signing ni Gary bilang Ambassador ng The Filipino Channel (TFC) noong nakaraang Lunes, July 29, sa 14th floor ng ELJ Bldg. ng ABS CBN, hindi naman itinago ni Gary na maging si Billy pala ay nagbukas sa kanya ng mga nangyari bago pa man sila nagkita ni Nikki.
“Ang nangyari there was an awards night I think two weeks ago, yung Yahoo/OMG Awards kung saan nag-usap kami ni Billy, that was a Friday night.
“Pag dating ng Sunday nakita ko si Nikki, nag-uusap sila ni Enchong, kuwentuhan sila so lumapit ako.
“Siguro alam niya na alam ko, sabi ko, “Hey, I just wanna give you a hug.”
“Pagyakap ko sa kanya parang bumigay siya ng kaunti, tapos si Enchong nakatingin sa amin.
“That’s my role in that show, if I can be there for people who need a hug, words of encouragament, words of assurance, I play that role na makatulong, gagawin ko yun.
“With Billy nung nag-guest siya sa ASAP, ganun din, I hugged him. He told me he will come out in The Buzz.
“As a Kapamilya, gusto kong ipakita sa lahat ng tao at makita rin ng lahat ng tao na ang pagiging Kapamilya namin ay di lang sa ASAP. It’s in front of and behind the camera,” giit ni Gary.
Para kay Gary, sana raw ay irespeto ng ibang tao ang naging desisyon ng dalawa at ibigay lalo na kay Billy ang hinihingi nitong space para mag-isip at hanapin ang sarili.
“Napanood ko ng kaunti yung sinabi ni Billy and I’m really, really concerned about that young man.
“Wala silang masamang sinasabi tungkol sa isa’t isa.
“Billy admits that there’s something going on in him which sabi ko I will always be around for—if he wants someone to talk, kung gusto niyang mailabas kung anuman yun, even just listen.
“Kung yun lang ang kailangan niya, yun lang ang gagawin ko.
“Billy is very, very dear to me because isa sa concerts niya as a young boy was my concert sa Music Museum pa.
“He’s an international artist who’s going through a lot here so sana yung mga taong pumapaligid sa kanya, yung mga taong kinu-consider niya as Kapamilya...
“Yung tunay na Kapamilya talaga, I hope na kasali na ako dun, sana will help din and will really give him the space that he needs.
“Kung anuman ang binanggit niya sa The Buzz, then let him be kasi when he comes back naniniwala ako he’ll be fine in all aspects of his life,” dagdag pa niya.
BACK TO ACTING? Sa kabila ng pagiging isang mahusay na singer ay kinakitaan din ng lalim sa pag-arte si Gary sa mga pelikulang nagawa niya dati. Agad namin siyang tinanong kung bukas ba siyang gumawa muli ng pelikula o subukan ding umarte sa mga teleserye.
Aniya, “I did a movie last year, it’s a musical, I Do Bi Doo Bi Doo, and that’s basically my first step in coming back.
“Yes, my doors are very wide open para gumawa ng pelikula uli pero pagpipilian ko nang mabuti kung ano yung mga roles na gagawin ko.
“I think there’s maturity in the past years, there were roles na di akalain ng tao na gagawin ko but roles that will really create impact on people’s lives...
“Not just in the ratings, not just in the reviews but on people’s lives. I think at this point in time, I think it’s perfect also.
“Yung serye kasi may mamamatay, may mamamatay and that would be my concerts, I won’t be able to go abroad. Matatamaan talaga 'yan, magkaka-hassle talaga 'yan tapos may ASAP pa.
“Right now I have to leave in two weeks and I have to come back after two weeks coz of my commitment to ASAP.
“As one of the seniors, I need to set a good example to the others who are part of ASAP so I live up to that.”
TFC AMBASSADOR. Sa pagpirma niya bilang Ambassador ng TFC ng Kapamilya network, masaya at excited si Gary sa bagong trabaho na ipinagkaloob sa kanya ng ABS-CBN.
“Ang pinirmahan namin ay parang ginawa naming official na ako ang magiging Ambassador ng TFC for ABS-CBN.
“Lahat ng mga TFC subscribers sa buong mundo, sana magkita-kita tayo sa iba’t ibang pangyayari, concerts, programs, infomercials, pati na rin mga theme songs that we’re gonna be making for Pinoys all over.
“Think about it this way. Basta may pumunta na mga Kapamilya shows abroad, I think sa ngayon I think Be Careful With My Heart is on tour.
“Yung pagkatanggap sa kanila is really very warm and I’m so privileged na ako ang pinili na maging Ambassador—yung spokesperson ng TFC.
“Sa ASAP lang, yung percentage ng TFC subscribers watching ASAP Live ay tumataas every week.
“I’m excited na magkakaroon ako ng mga pagkakataon na pumunta sa iba’t ibang lugar na maaring di ko pa napupuntahan in the past 30 years.
“It’s something that's gonna be good not just for me but I think for the Pinoys that bring Filipino entertainment there,” pagmamalaki pa ni Gary.
Para naman sa kanyang 30th anniversary sa showbiz, may shows na hinanda si Gary para sa kanyang mga tagahanga. Ito ay ang Tuesdays With Gary na gaganapin sa Teatrino, Promenade sa Greenhills sa darating na August 13, 20, 27 at September 3, 10, 17 at 24.
