Sitti stands firm on refusal to do sexy pictorials: “Wala akong ipapakita.”

Why Sitti doesn’t want to go sexy: “Sa akin kasi, okay na ako, e. Marami pa rin akong shows. Marami pa rin akong dapat na ipagpasalamat kay Lord. Ayokong gawin yung mga bagay na hindi naman ako, na pupuwersahin ko ang sarili ko para lang mapag-usapan or something. Okay naman po ako.”


Hindi man nanalo, nag-iwan naman ng magandang experience para sa Bossa Nova Queen na si Sitti ang kakatapos lang na PhilPop 2013, kung saan inawit niya ang komposisyon ni Jungee Marcelo na pinamagatang “Pansamantagal” katuwang si Julianne Tarroja.

Unang singing competition ito ni Sitti kaya hindi naiwasan ang kabahan siya noong una. Pero sa kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang matapos ang contest, nakaramdam siya ng kasiyahan sa pagkakasama niya sa event.

Saad pa niya, “Kasi ang maganda dito sa competition na ito, you don’t feel like it’s a competition.

“It’s more like a group effort for artist and composers na, ’Oy, gawa tayo ng mga kanta para maipakita sa mga tao na buhay pa ang OPM at marami pang magagandang kanta na puwede pang isulat.’

NEW ALBUM. Ngayong natapos na ni Sitti ang partisipasyon niya sa Philpop, bumalik na siya sa recording ng bago niyang album.

Pagbabalita niya, “I’m recording a new album. I’m now with MCA Universal. Dati nasa Warner ako. I was with Warner Music for six years. Warner gave me a big break [sa recording].”

Natanong namin kay Sitti kung bakit siya lumipat ng ibang recording company gayong matagal na pala siya sa Warner at ito ang nagbukas ng pintuan para sa kanya sa pagkakaroon ng album?

NO TO CO-MANAGEMENT. Alumpihit muna sa umpisa si Sitti na sabihin ang rason. Pero dahil gusto rin niyang sabihin ang totoo kaya sinagot niya ang tanong.

“Kasi Warner wanted... kasi almost all recording companies are moving into joint management. So, they want to join in co-managing me.

“Pero happy naman ako sa Backroom [talent management na nagha-handle ng career niya]. So, sabi ko baka puwedeng recording pa rin... recording lang,” na ang ibig niyang sabihin ay hanggang recording lang siya puwedeng hawakan ng Warner at hindi ang pagma-manage ng kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa ni Sitti, “And sa MCA naman, okay naman sa kanila na recording lang. So, yun.

Dagdag pang saad ni Sitti sa rason kung bakit hindi siya nagpa-handle sa Warner, “I believed rin kasi na they already have a handful of other artists that they’re managing.”

Limang taon na raw si Sitti sa Backroom mula nong 2008 at maayos naman daw ang samahan nila ng kanyang management team.

“Wala naman kasing rason para umalis ako sa kanila. Maayos naman yung pag-aalaga nila sa akin,” diin niya.

ACTING. Maganda, sexy at may talent pero parang wala yata sa bokabularyo ni Sitti ang acting?

Pero paglilinaw niya, “Nag-try ako. Last year nag-ekstra ako... ekstra talaga! Hahaha! Pero parang feature-feature lang sa Angelito with ABS-CBN.

“I do theater. I did nine last year and I did Full Monty this year.

“So, hopefully, next year makapag-theater uli. Maganda kasi yung experience sa theater. Marami kang natutunan and at the same time parang umuupo yung panahon at oras,” pag-amin niya.

Kakaunti lang daw ang pera o maliit ang talent fee sa theater?

“Ay, oo!” mabilis niyang sagot sabay tawa.

“Pero iba yung richness na makukuha mo sa kanya [theater].”

Wala ka bang balak na mag-mainstream TV? Gumawa uli ng teleserye?

Aniya, “Ahmm, siguro hindi pa ako gano’ng kahusay sa pag-arte sa TV. Siguro marami pa akong kailangang matutunan siguro sa sarili ko. Hindi pa ako handa.”

Ikaw ba ang tumatanggi or walang masyadong offer dahil hindi nila alam na gusto mo ring umarte sa telebisyon?

“Ahmm…they offered Angelito to me last year. This year they offered me something pero hindi pa nagpu-push through. Pero we said naman na we’re interested.

“Hopefully, sana matuloy,” dasal niya.

Alam ni Sitti na pag nag-artista siya sa telebisyon, malalantad siya sa kung anu-anong mga issues at intriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman niya, “Ready naman ako sa mga ganyan kasi wala naman akong itinatago.”

Nagkaroon ba kayo ng chance ni JM De Guzman (bida sa Angelito) na maging close sa isa’t isa o magkakuwentuhan?

“Ay, hindi. During no’ng nagti-taping ako, konti lang yung scenes namin.

“Kumbaga, subplot lang yung sa amin e. Umikot lang sa kanila yung kuwento. Mas nakakasama ko noon si Eric Fructouso na husband ko sa serye,” paglinaw ng Bossa Nova Queen.

NO TO SEXY PICTORIALS? Kung tutuusin pasado para mag-cover ng FHM o kahit anong adult magazine si Sitti, pero ilang beses na raw siyang tumatanggi sa offer.

“Wala akong ipapakita,” natatawa niyang sabi.

Hindi namin pinaniwalaan ang deskripsyon ni Sitti sa pangangatawan dahil kitang-kita naman sa suot niya ang maganda niyang kurba.

Sa kakukulit namin sa kanya tungkol sa tunay niyang rason sa pagtanggi, nagsabi na rin ng totoo ang mang-aawit.

Sabi niya, “Siguro dahil conservative talaga ako. Hindi lang ako kumportable. May mga tao na kaya nila yun [mag-pose ng sexy]. Pero ako hindi ko kaya.”

Marami ang nagsasabing makakatulong daw kay Sitti para mas lalong bumango ang pangalan niya sa music industry at magkaroon ng malalaking roles sa mga acting projects kung magpapa-sexy na siya.

Paniniwala niyang sabi, “Sa akin kasi, okay na ako, e. Marami pa rin akong shows. Marami pa rin akong dapat na ipagpasalamat kay Lord.

“Ayokong gawin yung mga bagay na hindi naman ako, na pupuwersahin ko ang sarili ko para lang mapag-usapan or something.

“Okay naman po ako.”

Baka naman ayaw ng boyfriend mo?

Napangiti si Sitti sabay sabing, “Wala po akong boyfriend. Nag-aantay lang sa ibibigay ni Lord.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN