Randy Santiago defends brother Raymart against Claudine Barretto’s latest accusations; laments, “I am so disappointed in Claudine.”

Randy Santiago on younger brother Raymart: “I know for a fact that Raymart is not the type na nananakit. Di niya kayang gawin yun. Raymart will only defend but will not attack anybody na walang dahilan. Yung nangyari sa kanila with Mon Tulfo, he was defending Claudine dahil binastos siya nung tao. Ngayon, they are using that para ma-prove lang na kayang manakit ang kapatid ko? Mali iyon, e.”


Mas pipiliin daw dapat ng pamilya Santiago na huwag nang makialam sa problema ni Raymart pero ayon sa nakatatandang kapatid nitong si Randy, ang pagmamahal nila sa kanilang bunso ang nagtulak sa kanila upang i-depensa ito laban sa dating asawang si Claudine Barretto na nag-akusa dito ng pagiging "abusive."

Kuwento pa ni Randy sa Rappler.com noong August 1, 2013, “As much as possible, ayokong makialam.”

Dagdag pa niya, “Away nilang mag-asawa ’yan. Pero it’s getting too personal. Imbes na ayusin nila na sila-sila lang, bakit kailangan pa ng lawyers at magpa-cover pa sa media?”

“It’s so unfair [for] Raymart. He has kept quiet in all that has been happening. He deserves the protection he needs from his own family who knows him more than anybody.”

Matatandaang noong July 29 ay nagsampa si Claudine ng Temporary Protection Order (TPO) case laban kay Raymart sa Marikina Regional Trial Court para diumano sa protection niya at sa dalawa nilang anak na si Sabina at Santino.



RAYMART: NOT THE TYPE NA NANANAKIT. Dagdag pa sa ulat, ikinagulat daw ni Randy ang diumano’y "kasinungalingan" na ipinagkakalat ni Claudine.

Kuwento pa nito, “I know for a fact that Raymart is not the type na nananakit. Di niya kayang gawin yun.”

“Raymart will only defend but will not attack anybody na walang dahilan.”

Lahad pa ni Randy, “Yung nangyari sa kanila with Mon Tulfo, he was defending Claudine dahil binastos siya nung tao.

“Ngayon, they are using that para ma-prove lang na kayang manakit ang kapatid ko? Mali iyon, e."

Ang tinutukoy ni Randy ay ang nangyaring airport incident last year between Claudine, Raymart at ang broadcaster na si Mon Tulfo sa airport kung saan nagpang-abot ang tatlo.

Kuwento pa ni Randy tungkol sa akusasyon ni Claudine laban sa kapatid, “[I] can’t believe na manggagaling pa ’yan sa taong minahal niya ng matagal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am so disappointed in Claudine.”

Ayon pa sa singer-TV host, kasalukuyan daw nasa pangangalaga ng pamilya Santiago si Raymart matapos nitong umalis sa bahay nila ni Claudine last May.

Aniya, "He sometimes lives with me. Sometimes [with] Rowell [Santiago] or sa mommy namin. Raymart needs to be with the people who will protect him from all these ridiculous lies.”

Natatawa pang sabi daw ni Randy na kasalukuyang nagpu-promote ng kanyang directorial debut movie na Raketeros, “Imbes nga naman na ang mga artista ng Raketeros ang ma-interview, ako tuloy ang naging focus.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN