Jonalyn Viray marks big screen debut via indie film Cattleya, An OFW Story

Jonalyn Viray on her first movie project: "Siyempre makakasama ko ang magagaling na artista kaya parang mas lalo akong na-inspire din at sabihin sa sarili ko na,’sige, kaya mo ’yan. Kasi, di ba, kahit sa singing habang kumakanta ka, meron din siyang konting acting, emote-emote ka, so, parang kahit papaano may konting alam din ako."


Unang pelikula ng singer na si Jonalyn Viray ang Cattleya, An OFW Story na gagawin niya with Glaiza de Castro under One World Production International Films sa pamamahala ng bagitong direktor na si Joric Raquiza.

Kahit meron na rin siyang acting experience dahil sa pag-guest niya sa iba’t ibang drama shows sa GMA-7, inamin ni Jonalyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2 sa Hotel Rembrandt sa T. Morato Avenue, Quezon City na magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman.

Sa pocket presscon ay hindi masidlan ang kanyang kaligayahan sa pagsasabi nang, "First time ko po to do an indie film at talaga pong sobra ang nerbiyos ko at natutuwa ako at kinusinder nila ako, to think na hindi pa naman talaga ako artista.

"Siyempre makakasama ko ang magagaling na artista kaya parang mas lalo akong na-inspire din at sabihin sa sarili ko na, ’sige, kaya mo ’yan.’

"Kasi, di ba, kahit sa singing habang kumakanta ka, meron din siyang konting acting, emote-emote ka, so parang kahit papaano may konting alam din ako.

"Aside from that, lumabas din nga ako sa ilang shows sa GMA, yung tipong sidekick o friend ni ganitong artista, so somehow ay nagkaroon ako ng konting experience and then sumasama din ako sa workshops ng GMA Artist Center tapos hanggang heto na po."



ROLE. Sino nga pala siya dito sa pelikulang Cattleya? Paano siya nakuha sa role na ito?

Tugon ng ng 1st grand winner ng Pinoy Pop Superstar singing competition, "Ako yung friend ni Glaiza na nagtatrabaho dito sa Pilipinas as a singer.

"Sa akin po siya humihingi ng tulong at sa akin siya nagku-confide ng mga problema... tinutulungan ko siya.

"Kumbaga, lahat-lahat ako ang nakakaalam kung ano ang mga pinagdaanan ni Glaiza dito."

Dugtong pa niya, "Paano nga ba ako nakuha? Actually, hindi ko rin alam ang detalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta, sinabihan na lang ako ng mga taga-Artist Center na meron nga raw good news sila sa akin.

"Hayun nga po, kinuha raw ako para sa isang indie film at heto na nga po ito."

Noon pa man daw ay wala sa hinagap niya na makita ang sarili niya na umaarte lalo na sa malaking telon dahil ang maging isang singer lang ang talagang pinangarap niya.

Nakangiting sabi ng morenang singer, "Yun naman talaga ang unang dream ko. Kaya nga kung saan-saan ako sumasaling singing contests para mas makilala ako at mas lalong maging mahusay.

"Tayo naman kasi, meron tayong mga personal na plano sa buhay kaya ako, focused ako sa singing career ko.

"Hindi ko naman ini-expect na aarte ako. Pero sabi ko, okay lang. Game na rin ako.

"Kung may opportunity to do acting tulad nga nito, okay lang sa akin."



OPEN TO CRITICISM. Sa kabila ng pambihirang pagkakataong ito ay tatanggapin naman daw ni Jonalyn ang anumang puna o pangungutya na maaaring idulot ng kanyang unang pagsabak sa pelikula.

Pahayag naman niya, "Sa totoo lang po even before na plain singer pa lang ako, marami na talagang detractors at bashers, so parang nasanay na rin po ako.

"Kahit papaano ay kaya ko nang i-handle na rin dahil sa mga na-experience ko dati. Yung iba nga, kung laitin ako sobra talaga at halos madurog na ako.

"May time noon na gusto ko na rin na mag-quit [sa pagkanta] pero dahil naiisip ko nga ang family ko na umaasa sa akin, hindi rin po ako bumitaw."



ACTING IDOLS. Bilang isang baguhang artista ay hindi maiwasan na meron din siyang iniidolo.

Sino naman sa mga artista ang kanyang hinahangaan at iniidolo?

"Marami po sa kanila," bulalas ng 23-year-old singer-actress. "Pero, siyempre, isa na po dun sa kanila ay si Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya kasi, kahit hindi siya magsalia, makikita mo sa mukha at mata niya ang emosyon—mararamdaman mo na yun.

"And of course, yung veteran actors and actresses mo natin tulad nina Ms. Maricel [Soriano], si Sid Lucero na pinaka-paborito ko."

Wala sa lineup niya ang mga tulad ni Nora Aunor, Vilma Santos, Christiopher de Leon at Philip Salvador? Tanong ng PEP sa kanya.

"Of course, andun sila," muling nangiti si Jonalyn. "Sila yung parang nasa top ko although yung generation nila ay hindi ko talaga nasubaybayan nang masyado.

"Kahit yung films nila before ay hindi ko gaano napanood pero yung recent films nila ay medyo nasubaybayan ko na.

"Pero, sila ang masasabi kong tinitingala talaga hindi lang ako kundi ng maraming moviegoers."



THANKFUL TO INDIE PRODUCERS. Karamihan ngayon na mga baguhang artista ay mas binibigyan ng pansin ng mga so-called independent producers na handang magsugal para igawa sila ng mga pelikula.

Komento ni Jonalyn, "Natutuwa naman po ako na somehow ay nagte-take over din ang independent films sa panahon ngayon at mas maraming baguhang artista ang binibigyan nila ng chance na mag-shine as actors.

"Mas matapang kasi sila na mag-take ng risks para sa mga artistang hindi napapansin ng mainstream na producers, di ba?

"Pag sinabing indie film, parang walang naghu-hold back, even the artists, di ba? Kaya nga po mas maraming baguhan ang nagkakaroon ng work.

"At saka, marami sa newcomers ang nai-explore yung talents nila at maging sila ay nagiging matapang na din sa pagtanggap ng projects."



WORKING WITH GLAIZA. Kinumusta naman namin sa kanya ang bida ng pelikula na si Glaiza.

"Very professional po talaga siya," mariing sabi ni Jonalyn. "Kahit dati pa sa Party Pilipinas, isa talaga siya na makita mo kung paano mahalin ang work niya.

"Sobrang cool siya na parang walang problema. Tahimik na parang friend ang lahat. Sa Sunday All Stars, lahat naman kami ay magkakasundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, isa talaga siya sa pinakamagaling na artista din at talagang seryoso sa trabaho.

"Magsa-start pa lang kami mag-shoot pero makikita mo na handang-handa na siya. Talagang inaral na niya ang script.

“So, bilang ka-trabaho ay bow ako sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN