Angel Aquino’s "fearless forecast" for 9th Cinemalaya Filmfest Best Actress winner: "Ate Vi na ito! Diyos ko naman, everyone will concede because it’s Ate Vi!"

Angel Aquino on her chances of bagging the Best Actress award in the 9th Cinemalaya Filmfest, with Vilma Santos as one of her contenders: "Oh, no, hindi ko ’yan iniisip! Whenever I do projects, winning an award is out of my mind... First of all, parang ano na siya, e... ano ba’ng tawag doon? By default?... Because Ate Vi is Ate Vi!" .


Kakaiba at totoong pinag-uusapan ang naging pagganap ni Angel Aquino bilang isang transgender sa pelikulang Porno, ang Cinemalaya Directors’ Showcase entry na idinirihe ni Adolf Alix, Jr.

"Mahirap siyang i-portray!" nasambit lang ni Angel tungkol sa naitokang role sa kanya sa nasabing pelikula.

Pero, sabi rin ng mga nakapanood na bumati sa aktres, nagampanan naman nang maayos ni Angel ang pag-portray sa nasabing character.

"Well, with a lot of ’bantay’ from Direk Adolf and my ’beki’ friends, si Monica, si Egay..."

Nangingiti si Angel habang binabanggit ang tungkol sa kanyang ginampanang papel.

Kausap niya ang kanyang manager na si Ricky Gallardo habang ini-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa birthday party ng direktor na si Brillante Mendoza sa garden-residence nito noong July 30.

Napag-usapan din ang tungkol sa eksenang kumekembot si Angel habang naglalakad sa backstage ng Club Mwah, kung saan dancer-performer ang kanyang transgender character.

"Which is very important," sabi pa ng aktres. "It’s film, e. It’s for the big screen, so mahalaga ang ganu’ng movement... makikita talaga yun."

"CONCEDED" TO VILMA SANTOS? This Sunday, August 4, ang Awards Night ng 9th Cinemalaya Filmfest.

Gaganapin ito, simula ika-6 ng gabi, sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Kabilang si Angel Aquino sa possible Best Actress contender para sa Porno, sa Directors’ Showcase category.

Pero hindi raw iniisip ng premyado na ring aktres ang pagkamit ng award sa Cinemalya sa taong ito.

Natatawang pahayag niya, "Oh, no, hindi ko ’yan iniisip! Whenever I do projects, winning an award is out of my mind...

"First of all, parang ano na siya, e... ano ba’ng tawag doon? By default?...

"Because Ate Vi is Ate Vi!" pahayag mismo ni Angel, half-jokingly man, o kahit informal ang pag-uusap.

Angel was referring to Vilma Santos’ performance in Ekstra (The Bit Player) na idinirihe naman ni Jeffrey Jeturian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami rin ang nakapansin sa epektibong pagganap ni Gov. Vi sa nasabing Cinemalya entry.

At hindi itinago ni Angel ang isipan o sariling palagay hinggil sa mag-uuwi ng Best Actress trophy.

"Ate Vi na ito! Diyos ko naman, everyone will concede because it’s Ate Vi!"

POSSIBLE ’TIE’ AWARD. Kung last year, nagkaroon ng ’quadruple’ tie sa Cinemalaya Filmfest Directors’ Showcase Best Actress and Best Supporting Actress categories, as won by Mga Mumunting Lihim’s Judy Ann Santos, Iza Calzado, Agot Isidro and Janice de Belen, hindi kaya maulit ang ’tie awards’ this year, para sa Best Actress at iba pang kategorya?

"Kasi naman ’yon, they come from one movie," sabat naman ng manager ni Angel na si Ricky Gallardo.

Hindi kaya posibleng magsama si Ate Vi and Angel Aquino, in a ’tie award’ as Best Actress?

"Dapat isa lang. Kaya nga ’best,’ e," sambit naman ni Angel tungkol sa personal niyang paniniwala.

Then, she seriously said, "Basta ako, I’m happy na with the things I hear from people.

"Oo naman... kumbaga, narinig mo pa lang [na kasali si Vilma]... ’ha?’

"Oh, my God! Alam na natin kung sino ang magbi-Best Actress!" natawa uli nang bahagya si Angel.

"And you just... it’s something you had to live with. Ganu’n talaga."

NO HARD FEELINGS. In case she loses the plum award to the actress-politician, Angel said, "I’m happy with the things I hear from people."

Kuwento pa ni Angel, may mga nakapanood daw ng Porno na sobrang natuwa sa naging hitsura at pagganap niya sa Cinemalaya indie film entry.

"I was at Starbucks," banggit niya, “lumapit sila sa akin... at sabi nila, ’I’m very sorry, but it’s so hard and believe that you’re gay [in the film] because your face, hindi talaga... [maipagkakamali sa isang beki/transgender].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para din daw si Ate Vi, it was so hard to see her as an extra, because you know...

"Pero, sabi ko, ’Well, I don’t know if the filmmaker had failed to erase our personas and bring forth our characters...

"So, I don’t know if the failure was on that side—or yours!"

Maaari daw na naging "subjective" lang ang naturang opinyon.

"And these are men kasi," sabi ni Angel tungkol sa kanyang admirer-"critics."

Samantala, bukod kina Angel at Vilma, nagpamalas din ng mahuhusay na pagganap ang iba pang aktres na may Directors Showcase entry sa Cinemalaya Filmfest, tulad nina Lovi Poe, para sa Sana Dati ni Direk Jerrold Tarog; Alessandra de Rossi, for Gil Portes’ Liars; at ang baguhang si Althea Vega sa sex-oriented period drama, Amor Y Muerte ni direktor Cesar Minguez Evangelista.

"Ako rin, I went to see everyone, " sabi pa ni Angel, bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN