Daiana Menezes regrets past controversies involving husband Benjo Benaldo: “Kalimutan natin ang lovelife... as of now, natuto ako.”

Daiana Menezes talks about her regrets: “Alam ko naman talaga na bina-bash talaga ’ko ng mga tao, pero hindi dahil diyan magsu-sorry ako. It’s because nakonsensiya talaga ako na dapat hindi ko ginawa. Oo mali, nagiging public yung buong private life pero after na na-realize ko na mali iyon, e, di sana now, bigyan ninyo ako ng chance na magbago. Alam mo yun? Nagma-mature ako, e.”


Sa kasagsagan ng mga nakaraang isyu sa pagitan ng mag-asawang Daiana Menezes at dating kongresistang si Benjo Benaldo, tila naayos na ang mga gusot sa kanilang relasyon dahil tahimik na ang kalagayan nila sa ngayon.

Matatandaang naging laman ng social media networks ang kanilang mga tampuhan at “away-bati” na relasyon, at nitong huli naman ay isang “accidental shooting” incident naman ang kinasangkutan ng dating Congressman.

Maraming nabahala, marami ring nagduda, ngunit mas marami ang umaasa na ang kanilang pananahimik sa ngayon ay magandang senyales na nasa mas mabuting kalagayan na ang kanilang pagsasama.

Mahigit isang buwang matapos ang kontrobersiya, kumusta na nga si Daiana?

“Tuluy-tuloy pa rin ang life natin at smile pa din kahit magulo ang loob natin, may konting gulo,” panimulang bungad ni Daiana.

Noong June 27, 2013, mainit pang pinag-uusapan ng publiko ang naging away nilang mag-asawa ng masugatan sa isang shooting incident ang mister ni Daiana.

Marami ang nag-alala para sa Brazilian model ngunit mas pinili niyang manahimik.

Sa ekslusibong panayam ng StarTalk TX kay Daiana noong Huwebes na ipinalabas kahapon, Sabado, August 3, tiniyak ni Daiana na unti-unti ng bumabalik sa normal ang buhay nilang dalawa.

Aniya, “I think I became stronger person after all that kasi parang it takes a strong woman to face all the problems.”

Nalantad sa publiko ang problema ni Daiana at ng kanyang asawa matapos itong maglabas ng saloobin sa social media.

REGRETS. Sa kabila ng mga nangyari, tila may kaunting pagsisisi si Daiana.

“Alam ko naman talaga na bina-bash talaga ’ko ng mga tao, pero hindi dahil diyan magsu-sorry ako. It’s because nakonsensiya talaga ako na dapat hindi ko ginawa.

“Oo mali, nagiging public yung buong private life pero after na na-realize ko na mali iyon, e, di sana now, bigyan ninyo ako ng chance na magbago.

“Alam mo yun? Nagma-mature ako, e,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat magkasama pa rin si Daiana and Benaldo, aminado ang modelo na hindi pa siya sigurado sa kahihinatnan ng kanilang relasyon.

“Malaki ang nagbabago sa akin, hindi ko alam sa relasyon kasi as of now hindi ako puwede magsasabi kung ano ang mangyayari sa relasyon namin kasi hindi e, parang as of now…

“Recuperating naman si Congressman so, well what I can do for him is bilang tao, take care of him.

“Whatever he wants, ako naman nandito lang ako para sa kanya, kung may kailangan siya as a tao, as bilang partner,” dagdag niyang kuwento.

LESSON LEARNED. May mensahe rin si Daiana sa publikong naging saksi sa kontrobersiyang kinasangkutan nilang mag-asawa.

“Abangan ninyo, na magiging mas aware si Daiana Menezes sa mga ginagawa niya sa buhay.

“At work lang talaga ang priority ko ngayon, iyon lang ang focus ko ngayon.

“Kalimutan natin ang lovelife... as of now, natuto ako,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN