Princess Snell on being linked to Hayden Kho: “Naloloka lang ako sa mga taong gumagawa ng isyu.”

Princess vents her frustrations about being linked to other guys: “Okay naman, I don’t really care about the issue kasi I think my family knows and my boyfriend knows and my friends know the real truth. And I just find it stupid that people… well not stupid, or maybe they’re just curious.”


May balitang hiwalay na raw sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho.

Kaya naman nauugnay ngayon si Hayden sa StarStruck Season 5 finalist at Startalk segment host na si Princess Snell.

“Okay naman, I don’t really care about the issue kasi I think my family knows and my boyfriend knows and my friends know the real truth.

“And I just find it stupid that people… well not stupid, or maybe they’re just curious,” pahayag ni Princess sa taped interview sa kanya ng Startalk kahapon, Sabado, August 3.

Ang tinutukoy na boyfriend ni Princess ay ang French guy na lagi niyang kasama tuwing mayroong event siyang dinadaluhan.

Pag-amin ni Princess, “Yeah, he’s my boyfriend, yeah!”

Isang taon at kalahati na raw ang relasyon nila ng naturang French guy na nagngangalang Mark.

Samantala, si Princess ang cover ng July-August issue ng Playboy Philippines.

Paano nga ba napapayag si Princess na mag-pose para sa local franchise ng world-reknowned magazine?

Gaano nga ba kapangahas ang kanyang pictorial sa nasabing issue?

Live namang sinagot ni Princess ang mga bagay-bagay tungkol sa kanyang Playboy pictorial.

MEETING HAYDEN. Nilinaw muna ni Princess sa hosts na sina Butch Francisco at Lolit Solis na hindi siya nagagalit sa pagkaka-link niya kay Hayden.

“Naloloka lang ako sa mga taong gumagawa ng isyu,” paliwanag niya.

Kinuwento rin niya ang una nilang pagkakakilala ni Hayden.

“Nagkita kami sa isang podcast, kay Mo Twister, and then siguro nagkakulitan lang and sinabi na may crush siya sa akin.

“Parang, ‘Ang ganda mo naman!’

“Something like that, pero wala naman po iyon, for me it’s nothing, pero ginawan ng isyu ng ibang tao, so iyon lang,” pagbabalik-tanaw ni Princess.

Tinanong si Princess kung hindi ba siya natatakot kay Dra. Vicky Belo.

“Bakit po ako matatakot e wala akong ginagawa, and it’s crazy first time ko lang siya na-meet, ganun na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paano pa kaya kung second time pa kami mag-meet, baka sabihin nila ikakasal na kami,” at tumawa si Princess.

ON BEING LINKED TO MANNY PACQUIAO. Dati ay kay Manny Pacquiao naman siya na-link.

“That’s crazy! With Manny naman, I just had a photo with him, tapos sinabi na ng ibang tao na we’re together.

“Sabi ko, alam mo, sana lahat... magpapa-picture na ako sa lahat ng tao, para next time lahat sila naging boyfriend ko na,” biro niya.

SEXY BUT CLASSY.” Ayon naman kay Princess, napapayag siya na mag-pose sa Playboy dahil…

“Ako kasi, with Playboy magazine naman, this issue is entertainment issue and everyone can see hindi siya super-sexy.

“It’s very classic and makikita na lang nila kapag nabili nila yung issue.

“It’s of course sexy but it’s still very classy.”

Hindi ba siya nag-alinlangan na baka pag-awayan nila ng French boyfriend niya ang Playboy pictorial niya?

Diin ni Princess, “Ah hindi naman, bakit siya magagalit?”

Tulad nga ng sinabi ni Princess, hindi raw malaswa o hindi super-sexy ang kanyang pictorial.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN