Andrea Torres on being touted as a perfect match for Christian Bautista: “Ay, thank you naman. Thank you kung sinasabi nilang bagay kami.”

Andrea Torres on Christian Bautista’s endearing qualities: “Si Christian kasi, magaling ’yan sa mga diskarte sa buhay. Ganyan. So siyempre ako, gusto ko ring matuto. Kagaya sa future, kung papa’no ba ang magandang plano. Ano siya… malakas ang faith niya kay God. Talagang makakausap mo siya sa mga gano’ng bagay. Talagang sobrang sa lahat ng ginagawa niya, lagi siyang nagpi-pray. E kapag gano’n, nakaka-inspire kausap yung mga ga


Sa kuwento ng morning series ng GMA-7 na With A Smile, ka-love triangle ni Christian Bautista si Mikael Daez kay Andrea Torres. Pero tila iba ang nangyayari sa totoong buhay dahil sa balladeer lang nali-link ang Kapuso actress.

Habang tumatagal, balitang mas nagiging close pa sina Andrea at Christian. Lalo na diumano nang mag-break ang singer at ang Romanian-Chinese girlfriend nitong si Carla Dunareanu.

Para bang ang inaantabayanan ngayon ng marami ay kung sa totohanan din ay may mabubuong romantic angle sa pagitan nina Andrea at Christian.

“Okay naman po kami,” nakangiting sabi ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang kumustahin namin sila ni Christian pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) kanina, Linggo, August 4.

“Masaya po sa set,” tukoy niya sa set nila sa seryeng With A Smile

“Habang tumatagal, mas lalo po kaming nagkakaroon ng bonding. Kaming lahat sa show.

“Meron na nga kami every Friday na parang pot luck party; na lahat nagdadala ng pagkain.

“Close na talaga lahat. Hindi lang ang cast kundi pati buong production.

“Last Friday [August 2] lang naming sinimulan yung pot luck. Si Christian, nagdala siya ng mga mini cup cakes.

“Puro sweets yung mga dinala namin.”

Dahil sa nabuong closeness nila ni Christian, palagi na silang naitutukso sa isa’t isa ng mga kasamahan nila sa With A Smile.

“Siguro, dala na rin ng mga characters namin sa show.

“So… okay lang naman. Hindi naman kami naiilang or anything.

“Kasi nga, siyempre sa story… nagkakamabutihan na rin ang characters namin. Kaya hindi maiiwasan yung ganung tuksuhan.”

Hindi pa ito nagiging makatotohanan?

“Hindi naman!” sabay tawa ulit ni Andrea.

“Ano po… very close friends lang talaga kami. Kahit nung iba pang mga kasama namin sa show.

“Sobrang… kahit anong pag-usapan, puwede. Nagkakasundo lahat.”

Honestly, ano ba ang reaksiyon niya sa mga nag-iisip na parang nagkakagustuhan na rin sila ni Christian sa totoong buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano po kasi ngayon, e… talagang masasabi ko na isa siya sa mga bago kong kaibigan.

“Yung talagang hindi lang tungkol sa work ang napagkukuwentuhan namin. May mga napag-uusapan din kaming mga bagay na medyo seryoso. At marami siyang naibibigay na advice.

“Pero hindi naman dapat na lagyan ng kulay ’yon, di ba? Kasi siyempre normal lang ’yon dahil lagi kaming nagkakasama sa set...

“Na talagang naging magkaka-close kaming lahat.”

ADVICE FROM CHRISTIAN. Tungkol saan naman ang mga naibibigay na advice sa kanya ni Christian?

“Si Christian kasi, magaling ’yan sa mga diskarte sa buhay. Ganyan.

“So siyempre ako, gusto ko ring matuto. Kagaya sa future, kung papa’no ba ang magandang plano.

“Siyempre kapag kumikita ka ng pera, gusto mong malagay sa maganda. Di ba?

“Parang naghihingi lang ako ng mga tips. Gano’n.

“Humihingi ako ng mga advice sa kanya. Kasi siya yung tipo na talagang in control siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya.

“So parang… maganda siyang tularan.”

In return, kinu-comfort niya siguro si Christian sa pinagdadaanan nito ngayon matapos nga itong makipag-break sa girlfriend nito.

“Ay, hindi naman po. Ano lang… ano kasi yung atmosphere sa set na parang happy-happy lang.

“At hindi naman naming ’yon napag-uusapan.”

But does she find Christian as boyfriend material?

“Ay, ako naman… proud ako sa dalawa kong leading men,” pagtukoy niya kay Christian at kay Mikael na rin.

“Talagang masasabi ko na… karapat-dapat silang i-admire at mahalin ng mga tao.

“So… oo. Pareho naman silang boyfriend material. Pareho silang mabuting tao. Siyempre nakilala ko na rin sila na medyo mas malalim,” sagot ni Andrea.

CHRISTIAN OR MIKAEL? Sino kina Christian at Mikael ang mas matimbang na para sa kanya?

“Naku, masyado pang maaga. Hindi pa alam ni Isay,” pagtukoy niya sa kanyang character sa With A Smile.

Sa totoong buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre pantay ’yan. Ayoko naman nung mas may aangat na isa.

“Dahil pareho ko silang katrabaho. Pareho ko silang ka-loveteam. So pantay-pantay lang din. Para fair.”

Kung sakaling sa totohanan, ligawan siya nina Christian at Mikael? Sino kaya ang mas may chance?

“E…” nangiti na lang si Andrea na tila hirap mag-isip ng tamang sasabihin.

“Pantay lang!” tawa ulit niya.

Sino ba sa dalawa ang mas madalas niyang kausap?

“Wala namang gano’n na mas madalas kausap. Ha-ha-ha! Lahat kami, nag-uusap-usap lagi, e.

“Walang mas close o anuman. Laging ano lang… parang as a whole, lahat kami close.”

Pero siya na rin ang may sabi, plus factor sa kanya kung magaling kumanta ang manliligaw sa kanya. E, singer si Christian. Ibig sabihin lang ay mas may edge na ito kay Mikael?

“Pareho naman silang ano, e… pareho silang may kanya-kanyang kumbaga… thing about them na nakatatak na sa kanila.”

ENDEARING QUALITIES. Kay Christian, ano yung natatangi nitong qualities na nakita niya?

“Ano siya… malakas ang faith niya kay God. Talagang makakausap mo siya sa mga gano’ng bagay.

“Talagang sobrang sa lahat ng ginagawa niya, lagi siyang nagpi-pray. E kapag gano’n, nakaka-inspire kausap yung mga ganung tao, di ba?

“Kasi nahahawa ka. Parang gusto mo na ring tatagan din yung relationship mo kay God.

“At kailangan naman talagang gano’n. Na… maging close ka kay God.”

Sa closeness nila ngayon ni Christian, talagang may mga nag-aakala na unti-unti nang nahuhulog ang loob nila sa isa’t isa. Kahit pa ilang ulit na nilang nililinaw na friends lang ilang dalawa.

“Normal lang siguro yun. Na medyo naha-hype na nagiging mas close pa kami.

“Pero kasi… hindi lang naman sa kanya. Sa lahat ng nasa set, nagiging close tayo.”

Marami rin kasi ang nagsasabing bagay daw sila ni Christian hindi lang bilang magkapareha onscreen but also as a couple sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, thank you naman. Thank you kung sinasabi nilang bagay kami,” tawa ulit ni Andrea.

“Siyempre ano ’yon… compliment ’yon para sa amin,” panghuling nasabi ni Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN