Rocco Nacino recounts highlights during the making of Burgos

Rocco Nacino recalls a very emotional scene during the making of Burgos: “My hardest scene was being with the family and singing with them, having a good time. Kasi noong ginagawa namin iyon, alam ko nararamdaman ng mga kapatid niya, nanonood kasi ang mga kapatid ni Jonas noon e, and nakita ko sa peripheral vision ko na umiiyak na si Anne, yung isang kapatid niya. Dahil parang nakikita raw talaga niya si Jonas sa akin, parang nare-relive ulit iyong ano [yu


Isang eye-opener para kay Rocco Nacino ang pelikula nilang Burgos.

Aminado siyang dahil lumaki sa Singapore, hindi siya masyadong na-expose sa mga ganoong balita o sitwasyon noon.

Subalit dahil sa proyektong ito, sinabi ni Rocco na mas naging aware na siya ngayon sa mga ganitong kaganapan sa ating bansa.

Kaya labis siyang nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanya para gampanan ang karakter ni Jonas Burgos, ang aktibistang nawawala hanggang ngayon mula noong dinukot siya ng apat na tao sa isang mall anim na taon na ang nakalilipas.

Ano ang masasabi niya sa kanyang role rito?

“Sobrang nakakatuwa po na naisama ako rito... na gusto nila akong makasali sa project na ito. And being part of this project, una, sabi ko sa sarili ko, ‘Wow very sensitive itong film na ito.’

“I was just excited and I took it as a challenge portraying another person for this very sensitive film.

“And nakakatuwa dahil kanina ang pagbati sa akin ni Mrs. Burgos, ang aking ‘Moms’ [tawag ng mga anak ni Mrs. Burgos sa kanya], sabi niya, ‘beautiful performance’.

“So, I was really happy, and doon lang, yun lang ay sapat na magpagaan ng loob ko na na-portray ko nang maayos iyong character,” panimulang pahayag ni Rocco nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last August 3 sa pagpapalabas ng pelikulang Burgos bilang closing film sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival and Competition na ginanap sa Cultural Center of the Philippines.

GETTING INTO CHARACTER. Noong unang inalok sa iyo ang project na ito at nalaman mo na gagampanan mo ang role ni Jonas, ano ang na-feel mo?

“Una, tinanggap ko po agad dahil I was gonna be trained under Direk Joel Lamangan.

“Pero siyempre, I had to go to the script and everything, and sabi ko, ‘Wow! This is something, this is something really important, this is something na people would like to watch talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And this is something that would touch the minds of… well… our youth and ng mga taong may paki sa nangyayari ngayon.

“So sabi ko, this is something na kumbaga, ano siya… mode of touching other people’s lives.”

How did you prepare for the role?

“I prepared by researching about Jonas. I prepared by researching articles about him, looking for pictures of him, trying to get his looks, talking to the siblings para malaman kung paano ba si Jonas noon.

“And suwerte ako na when it comes to family, makulit si Jonas. E, ganoon ako when it comes to family, makulit din ako,” nakangiting wika niya.

Tinulungan ba siya ng ina ni Jonas na si Mrs. Burgos para sa character niya rito?

“Yes, noong story-con namin nagtanong po ako at nag-usap din kami ni Ms. LT [Lorna Tolentino] about our characters.

“Pero mostly with Mrs. Burgos, so medyo nakita ko na rin kung ano ang gusto niya, kung ano si Jonas noon,” detalye pa niya.

Nakaramdam ka ba ng takot nang nalaman mo na gagampanan mo ang role ni Jonas?

“Kaunti, kaunti… pero mas inisip ko na this film is for a good cause.

“Nakaramdam ako ng takot dahil sa lahat, sa tema [ng pelikula], sa challenge, sa mga posibleng mangyari.

“May usapan kasi na kapag nasa shooting ay magpapadala ng alam mo iyon, ng security?

“Para lang safe, so, siyempre, kahit papaano ay parang kakabahan din, pero everything went well, everything went really smooth,” patuloy pa niya.

EMOTIONAL SCENE. Kinuwento rin ni Rocco ang pinakamahirap na scene na naranasan niya sa pelikulang Burgos.

“My hardest scene was being with the family and singing with them, having a good time.

“Kasi noong ginagawa namin iyon, alam ko nararamdaman ng mga kapatid niya, nanonood kasi ang mga kapatid ni Jonas noon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And nakita ko sa peripheral vision ko na umiiyak na si Anne, yung isang kapatid niya.

“Dahil parang nakikita raw talaga niya si Jonas sa akin, parang nare-relive ulit iyong ano [yung masasayang times na magkakasama sila]…

“So, parang kinilabutan ako noon at parang medyo naging emotional talaga ako,” pagbabalik-tanaw niya.

REALISTIC TORTURE SCENE. Idinagdag pa ng Kapuso actor na dito niya naramdaman partly kung paano talagang ma-torture, noong siya mismo ang nag-request na totohanin na lang nila ang eksenang hindi makuha ni Direk Joel ang hinahanap niyang resulta.

Ayon kay Rocco, pumayag siyang saksakan ng water hose ang kanyang bibig habang bumubulwak ang tubig mula rito.

“Isa rin sa mahirap na eksena iyong torture scene, kasi, may part na parang dadayain siya… na lulunurin siya, pero hindi namin makuha.

“Ang ginawa ko, tinotoo ko na lang. Sabi ko, ‘Direk, itubig na lang natin ito para mas mukhang totoo.’ Siyempre, we want to be genuine in all the shots, so ginawa ko.

“So, naramdaman ko kung gaano kasakit pala, hindi ako makahinga, iyong mga ubo ko totoo po iyon and nakakatakot… nakakatakot…

“Nakaramdam talaga ako ng sakit nang may pumasok na tubig, mas masakit kapag sa ilong, e. Kaya after noon ay hinga ng malalim, ubo, ubo, inilalabas ko lahat.

“Pero iyon nga, nakakatakot at nakakataranta ang feeling,” seryosong wika niya.

Sabi pa ni Rocco, “Kasi, what if I was in that situation? Na hindi mo alam na anytime ay puwede kang damputin, barilin sa ulo at ibaon ng buhay.

“So, every second ay may takot and I was in that state that whole night.

“Buti na lang at natapos ng ilang takes lang kaya nakakalas na rin ako agad. Ang bigat ho, e [sa dibdib]…”

To date, masasabi mo bang isa ito sa pinakamahirap na ginawa mo?

“Yes, yes… Dahil kaunti ang mga eksena ko, pero mahihirap at malalalim at hindi ako tinigilan ni Direk Joel hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, that for me was my training under Direk Joel,” pagmamalaki niya.

Mayroon ba siyang natutunan sa paggawa ng pelikulang Burgos?

“Mas naging aware ako sa mga nangyayari dati at sa mga nangyayari ngayon. Mas alam ko kung ano ang mga posibleng nangyayari na hindi natin alam, lalo na sa mga taong happy-go-lucky.

“Dapat ay mas maging aware sila and itong film, I was really very, very happy to accept dahil makakatulong.

“This is one way to reach out to the people to say na this is happening. Isang eye-opener ang pelikulang ito,” pahayag pa ni Rocco.

DIREK JOEL. Kumusta naman si Joel Lamangan as a director?

“He’s a really, really good teacher. He is a great director.

“Masaya ako na I got the chance to work with him and he told me na he was looking forward to another film together and sabi ko, I said the same thing...

“I said vice versa, gusto ko siyang makatrabaho ulit dahil marami po akong natutunan sa kanya.

“First time ko siyang nakatrabaho and I learned a lot, I learned a lot,” pagpapasalamat niya.

Nag-e-expect ba siya na manalo ng award dito?

“I don’t know, pero just to portray a character and be successful and fulfill the objectives, okay na sa akin iyon.

“To get awards, bonus na iyon,” nakangiting esplika niya.

ON LORNA TOLENTINO. Ano ang masasabi mo kay Ms. LT?

“Kami ang maraming eksena, kasi yung flashback namin, kailangang ipakita yung mother and son, yung connection namin. E, first time naming magtrabaho.

“Nakakatuwa na she’s really ano, you know, jolly… easy to work with and she’s THE Lorna Tolentino.

“Ganoon siya ka-down to earth. Parang ang trato niya sa akin ay anak niya talaga. Lumalambing ako sa kanya, we talked a lot, we played Candy Crush together,” natatawang kuwento pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ka ba nailang na si Lorna Tolentino ’yan?

“Nakuha ko sa training ko po na when it comes to work, everyone is equal. At when it comes to a scene, tulong-tulong.

“So, just leave all those qualms behind. When you set foot in the scene, lahat ng inhibitions mo ay tanggalin mo at maniwala lang sa kaeksena at alam ko na naniniwala siya sa akin.

“Iyan ang ginagamit ko kapag may kaeksena ako na alam kong sikat na sikat, veteran actor, iyon ang ginagawa ko para hindi ako maunahan ng kaba,” pagtatapos niyang saad.

Bukod kina Rocco at Lorna, kasama rin sa pelikulang Burgos na prodyus ng Heaven’s Best Entertainment sina Tirso Cruz III, Allen Dizon, Bangs Garcia, Ina Feleo, Dimples Romana at iba pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN