Lorna Tolentino on channeling Editha Burgos’s pain, grief and anguish in indie film Burgos: “Walang tuldok sa mga pinagdadaanan nilang hinanakit.”

Mrs. Editha Burgos (right) on why she consented to the creation and production of the indie film Burgos: "Now, you asked me why I allowed the movie to be filmed? Me, a very private person? I tell you because the whole year when the project was being conceived, and we ran into prayer... I was inspired to go out of the city walls.Jesus died outside the city gates. And the cross is planted in the very center of a sinful world. That’s where I should be... where the least, the


Parehong naging madamdamin ang pagpapasalamat nina Lorna Tolentino at Mrs. Editha Burgos noong Sabado ng gabi, August 3, sa mga dumalong kaibigan, kapamilya, mga manonood, at mga kasama (co-actors and staff) sa produksiyon ng Burgos, ang closing film ng ongoing 9th Cinemalaya Filmfest sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Main Theater.

Led by the film’s director, Joel Lamangan, nagpasalamat din ang iba pang bumubuo ng cast ng Burgos, tulad nina Rocco Nacino, Allen Dizon, Kirbie Zamora, Gilleth Sandico, Jim Pebanco, Ina Feleo, Barbara Miguel, at iba pa; mga tauhan ng Heaven’s Best production (co-producing outfit) at staff ni Direk Joel, tulad nina Julius Alfonso (assistant director) at Edgar Martin Littaua, production designer.

Bilang taga-suporta, um-attend din ang mga anak ni Lorna na sina Renz at Ralph Fernandez. Wala si Tirso Cruz III, bilang Joe Burgos, pero namataan ng PEP ang kanyang asawang si Lyn Ynchausti-Cruz at anak na si Bodie; sina Sandy Andolong, Gina Alajar at Amy Austria, na malalapit na kaibigan ni LT; sina Rita Avila, Mike Magat, Racquel Villavicencio, ang mga direktor at kaugnay sa Cinemalaya tulad nina Carlos Siguion-Reyna at Mel Chionglo, among others.

Dumalo rin sa Gala Closing Night ng Cinemalaya ang Heaven’s Best producer-representative Hero Bautista, line producer Dennis Evangelista, at ang screenwriter ng Burgos, si Ricky Lee.

"Salamat po sa lahat ng bumuo ng Burgos," panimulang sambit ni Lorna, who stood beside Mrs. Editha Burgos, ang ina ni Jonas Burgos, farmer-activist. He was abducted, allegedly by members of the military, noong 2007, at mula noon ay napabilang ang kaso sa iba pang "forced disappearances" o desaparecidos.

Ang papel ni Jonas Burgos ay ginampanan ng young actor na si Rocco Nacino, at si Lorna Tolentino ang gumanap sa kalunos-lunos na karanasan ng isang inang nawalan ng anak (forcibly disappeared), si Editha Burgos.

Kilala ang mag-inang Editha at Jonas bilang pamilya ng yumaong Jose Burgos, ang nagtatag ng mga publikasyong Malaya (later, ang sister publication nitong We Forum) noong 1980s, bago naganap ang 1986 EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa diktadurang rehimeng Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala mang luhang pumatak, as Lorna T. greeted and thanked everyone, the gesture was heartfelt.

"Maraming, maraming salamat kay Mrs. Burgos; sa pag-share niya ng kanyang journey of faith, love and hope..."

EDITHA BURGOS’ MESSAGE OF THANKS. For her part, mahaba at madamdamin din ang pananalita at pagpapahayag ng pasasalamat ni Editha Burgos sa lahat ng mga sumaksi sa closing event, para panoorin ang pelikulang tungkol sa mga desaparecidos.

"From the time of its concepcion, up to the first interview of Mr. Ricky Lee, I could not believe that this will come true," bungad ni Mrs. Burgos.

"It is only by God’s grace that we are all here."

Among others, pinasalamatan ni Editha Burgos ang direktor ng pelikula, si Joel Lamangan, "Siya po ang nagkaroon ng obsession na ilabas ito... ; si Ricky Lee, "na talaga pong na-capture [nang maayos] ang istorya"; si Lorna Tolentino, "na napaka-sensitive ng portrayal... sayang lang at hindi ako tinubuan ng nunal [referring to LT’s mole on her upper lip], pero marami na po ako niyan... but even I couldn’t believe she could imitate [my] mannerisms....’’

Sa pagitan ng pagpapasalamat at pagpapakuwela ay ang seryosong paglalahad ni Editha Burgos ng mga saloobin niya.

"Now, you asked me why I allowed the movie to be filmed? Me, a very private person?

“I tell you because the whole year when the project was being conceived, and we ran into prayer... I was inspired to go out of the city walls.

"Jesus died outside the city gates. And the cross is planted in the very center of a sinful world.

"That’s where I should be... where the least, the lost, and the strongest can be found.

"Kaya po kami pumayag na isapelikula [ang Burgos] ay para sa mga hindi nakakaintindi ng nangyari sa buhay ng desaparecidos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para po duon sa mga nakakaintindi pero ayaw ibahagi [ang kanilang karanasan], para po sa lahat, ay ang aking dasal na mahinto na ang salot na desaparecidos [o forced disappearances].

"I thank all of you [for] continuously supporting [the cause] of the movie—not for Jonas, not for the family, but, mostly, for all [those affected]; who are all here and still looking for their [loved ones who] disappeared...

"This is our only chance to really, really thank you.

"To God be the glory. All of this is a grace. The movie is a grace. The Jonases are all blessings.

"Everybody who came are all blessings. Thank you po. God bless us all."

WORTHY CAUSE. Walang iniisip na kumpetisyon si Lorna Tolentino sa paggawa niya o pagganap sa character ni Mrs. Editha Burgos, ang nagdurusang ina sa pagkawala ng kanyang minamahal na anak na si Jonas (Rocco Nacino).

Unang-una, out of competition entry sa Cinemalaya 2013 ang Burgos.

Kung sakali man, in next year’s awards derbies, na Lorna T. will be pitted against any other worthy actress (or actresses), ay hindi pinagtutuunan ng pansin ng premyadong aktres.

"Okay lang," simpleng saad ni LT sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago ganapin ang closing ceremonies at screening ng Burgos.

"Alam mo, basta sa akin, mas maraming manood, mas masaya ako. Panalo ka na no’n.

"Lalo na, kasi itong pelikula, is really for a cause. Alam mo yun? Mas maraming makapanood, mas mabuti."

Nagkaroon ba ng mga pagbabago sa kanyang sarili, bilang aktres o bilang isang tao, matapos niyang gawin ang Burgos, at gampanan ang character na base sa totoong buhay at karanasan ni Editha Burgos?

Sagot ni Lorna, "Ah, yung awareness sa dami ng mga [kaso ng] forced disappearances. Doon ako nagkaroon ng... mas nabuksan yung isip ko. ’Ay, ang dami pala; ang dami na pala!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na parang... ito na nga yung isa way; sana, isang paraan para mapansin ng gobyerno na kailangan silang pagtutuunan ng [mas] mabilis na justice.

"Sana, ma-lessen nang ma-lessen... [ang mga kaso ng desaparecidos]," diin pa ni LT.

Among others, naging aware si Lorna T. na sa bawat administrasyon o panguluhan sa Pilipinas, ay maraming iba’t ibang kaso ng mga forced disappearances.

"Noong 2007 ang pinakamarami... ang dami!" pagbanggit ni Lorna sa napag-alamang impormasyon na dokumentado.

In no time in our nation’s history had there been that numerous a case of desaparecidos or forced disappearances.

"Oo, mas marami pa sila," pag-kumpirma pa ng aktres, na gaganap naman bilang Presidente ng Pilipinas sa bago niyang teleserye para sa GMA-7, ang Genesis.

Dahil sa napag-alamang sitwasyon, nagkaroon ba ng hinanakit si LT sa gobyerno, o sa mga namumuno rito?

"Hindi naman," pagsalungat niya. "Meron namang good and bad [side] ang lahat. Huwag nating lahatin, di ba?"

Sa kanyang pagkamulat, napag-isipan ba ni Lorna T. na pasukin din ang pulitika, bilang isang paraan ng posibleng pagtulong sa mga partikular na kaso ng mga "nawawala?"

"I’m not [planning to enter politics]," sambit naman ni Lorna. "I don’t have plans.

"Susuporta ako, oo. Kasi alam ko yung dinaanan nila; yung journey ni Mrs. Burgos. I’m sure, ganun din yung sa iba. Walang tuldok sa mga pinagdadaanan nilang hinanakit."

SECOND CHOICE. Bilang Editha Burgos, si Lorna Tolentino ay pangalawa o pangatlong aktres (after Nora Aunor and Hilda Koronel) na nai-consider para gampanan ang mapaghamong papel.

Pero hindi "issue" ang tungkol dito, o lalo na ang pagkaganap niya sa papel na sana’y ginampanan ng Superstar.

"Hindi na... wala na," nangiti si LT.

Maging si Ate Guy, balitang masaya naman at napunta sa kaibigan niyang aktres ang papel ni Editha Burgos.

"I’m sure... magkumare naman kami, at masaya naman ako para sa lahat ng achievements ni Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat naman, dapat gano’n, e.

"Siguro, dapat tapusin na yung [competition]... matatanda na tayo. Wala na yan.

"Maging masaya na lang tayo sa achievements ng bawat isa," sambit pa ni Lorna, bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN