Christian Bautista hopes to segue to hosting after acting stint in With A Smile

Pagkatapos maranasang gumawa ng isang soap opera, gusto naman daw ni Christian Bautista na masubukang mag-host sa susunod niyang proyekto sa GMA-7. Sabi ng singer-actor, "Ako po, actually, next year, gusto ko iba naman. Maybe hosting, maybe a reality show, if there is—gusto ko laging may something new. Or, maybe hosting a variety show, a game show, or a contest. I think, kung merong singing contest na babagayan ako, yung ganoon. Kung bagay lang naman ako, then why not?&a


Natutuwa si Christian Bautista na maganda ang feedback ng unang acting project niya sa GMA-7, ang "morningserye" na With A Smile.

“Nasa eighth week na yata kami or pa-ninth na sa taping days and so far, so good!” pagmamalaki ng singer-actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, August 4.

Kapuna-puna at balitang nagiging close si Christian at ang leading lady niya sa soap na si Andrea Torres.

“Okay naman po kami,” sabay ngiti ni Christian nang tanungin tungkol dito.

Parehong loveless ang dalawa kaya lalo silang itinutukso na baka mauwi sa totoong romance ang kanilang samahan.

Sabi niya, “Normal lang naman iyon sa showbiz, mga isyu-isyu.”

Handa na ba siyang ma-in love ulit ngayon matapos silang mag-break ni Carla Dunareanu?

“Hindi ko muna siya iniisip sa ngayon ‘yang tungkol sa lovelife,” iwas ni Christian.

Kung choice niya na maging loveless muna, ano ang nakakapagpangiti sa kanya ngayon?

“Right now? Kapag nanalo na kami sa wakas uli sa SAS!” biro niya.

Ang tinutukoy ni Christian ay ang kanilang team na isang beses pa lang nanalo sa labanan ng production numbers sa Sunday All Stars.

“Sana! Iyon ang magpapasaya sa akin!” tawa ulit niya.

“At yung my family and friends na talaga namang nandiyan lagi for me.”



POTLUCK. Ayon kay Christian, sobrang bonded na sila ni Andrea pati ng iba pa nilang mga kasamahan sa With A Smile.

Katunayan, meron silang potluck every Friday kung saan lahat ay nagdadala ng iba’t ibang pagkain na kanilang mapagsasaluhan sa set.

Kuwento niya, “Nagsimula yun nitong nakaraang Friday [August 2], puro mga sweets ang dinala namin, tapos next week, puro spicy food naman.”

Masaya raw ang ambience sa set at magaan ang pagtatrabaho nilang lahat.

Kahit sila ni Andrea, kumportable na raw sa bawat gawin nilang eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Christian, “Enjoy ako sa taping namin, oo, very much.

“Meron kaming mga scenes na talagang tulungan sa isa’t isa… we want the best for each other.

“Si Direk Louie [Ignacio] is always very, very energetic at lagi kaming pinapasaya.”

Si Andrea, may mga nasabing qualities na hinahanap nito sa isang lalaki, gaya ng malapit dapat sa Diyos at plus factor kung magaling kumanta. At tila na ka’y Christian naman ang mga katangiang iyon.

Pero sabi ni Christian tungkol dito, “Right now, we don’t want to go there right now. Sorry!”

Pero si Mikael Daez, ang isa pang leading man ni Andrea sa With A Smile, ay nagsisimula ring ma-link sa aktres ngayon.

“I don’t wanna comment on that,” matipid na reaksiyon ni Christian.



NEW CAST MEMBERS. Nadagdagan pa ang cast ng With A Smile sa pagpasok ng mga bagong karakter na sina Max Collins at Sam Pinto.

Sabi ni Christian, “Well, abangan ang kanilang characters.

“Iyon din naman ang nagpapaganda sa isang soap, na may mga bagong characters na makakadagdag sa istorya, makaka-improve.

“And it’s only right na this time na merong mangyayari sa compound doon sa istorya namin.

“Actually, mas umi-intense pa yung story, na… ay, grabe yung week 9, ang tindi ng mga pangyayari!”

So, may kaagaw na si Andrea sa kanya sa susunod na magiging takbo ng istorya?

“Meron! May makakaagaw, merong iyakan, merong action, merong CSI [Crime Scene Investigation].

“Kaya parang, With A Smile pa ba ito?!

“Ang dami, ang daming mangyayari.”

Napi-pressure ba si Christian kung ang ratings ng With A Smile ang pag-uusapan?

Sagot niya, “Kapag na-pressure ako, then that means parang I’m doing this for the ratings, parang I wanna do this for the fans.

“I wanna do this for myself and my co-workers.

“And parang hindi ako agree na, ‘Oy, ganito ang ratings, kailangan totally ibahin nating lahat!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako ganoon, e. Gusto ko meron tayong arch na susundan, tapos gawin natin nang maigi.”



NEW ASSIGNMENTS. Nag-e-enjoy na ni Christian sa pag-arte. Ibig kayang sabihin nito ay tuluy-tuloy na ang paggawa niya ng mga soap?

“Wow! Ako po, actually, next year, gusto ko iba naman.

“Maybe hosting, maybe a reality show, if there is—gusto ko laging may something new.

“Or, maybe hosting a variety show, a game show, or a contest.

“I think, kung merong singing contest na babagayan ako, yung ganoon.

“Kung bagay lang naman ako, then why not?”

What about having a concert again?

“If ever po kasi, next year na po lahat ‘yan, e, kasi hanggang December, puno po ang schedule ko.

“So anything new po, honestly, will come by January, February,” sabi ni Christian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN