Irma Adlawan finally clinches Best Actress award in Cinemalaya

Pagkatapos gumanap sa pitong pelikulang kalahok sa Cinemalaya ay napanalunan na rin sa wakas ni Irma Adlawan ang kanyang kauna-unahang Balanghai trophy for Best Actress para sa kanyang pagganap sa Transit.


Finally, matapos gumanap sa pitong entries sa nakaraang siyam na taon, nakamit ng character actress na si Irma Adlawan ang una niyang Balanghai trophy for Best Actress sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival sa ginanap na awarding rites kagabi, August 4.

Ginanap ang awards night sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theatre) ng Cultural Center of the Philippines (CCP), Pasay City.

Napanalunan ni Irma ang parangal para sa pelikulang Transit (New Breed full-length film category) ng baguhang direktor na si Hannah Espia.

Overwhelmed si Irma sa pagtanggap ng una niyang tropeyo sa Cinemalaya, bilang female lead ng pelikulang iprinodyus ni Paul Soriano.

Sa kanyang acceptance speech ay unang pinasalamatan ni Irma ang kanyang direktor.

"For believing that I would give justice to your mother... because this [Transit] is actually based on her [Hannah’s] mother; her relationship with her."

Ang Transit ay kuwento ng mga migrant worker (OFW) sa Israel at ang naging suliranin doon ng mga Pilipino dahil sa ipinatupad na batas ukol sa pagde-deport ng mga batang anak ng mga dayuhan.

Gumanap bilang anak ni Irma sa pelikula ang young actress na si Jasmine Curtis Smith, na nanalo namang Best Supporting Actress.

Nagwagi rin ng Special Jury Citation for Ensemble Performance ang Transit. Kabahagi nina Irma at Jasmine sa parangal sina Ping Medina, Mercedes Cabral, at Marc Justin Alvarez.

Si Marc, na kinagiliwan ng buong Transit team na tawaging "Boy Wonder," ay ang batang aktor na mahusay magmemorya at magbitiw ng mga linyang Hebrew na ni-require ng kanilang direktor.

Ang Transit din ang itinanghal na Best Film at Best Director sa New Breed category.

SHOULDER TO CRY ON. Sa acceptance speech ni Irma ay naibahagi niya ang kanyang naging apprehensions bago mapapayag gawin ang pelikula, o gampanan ang kanyang papel na kinailangang magsalita siya ng Hebrew (lengguwahe sa bansang Israel).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nahikayat siya nang maayos ng kanyang prodyuser na si Paul Soriano, isa ring premyadong direktor.

"A very cool producer," pagde-describe ng aktres sa kasintahan ni Toni Gonzaga.

Aniya pa, ang Transit "ang una ko pong Cinemalaya [starrer] na iniyakan bago mag-start ang shoot.

"Tanungin n’yo na lang po sa kanila kung bakit.

"Si Paul po ay aking binulabog ng ala-una ng umaga; at ipinasok sa kuwarto para umiyak at para sabihin na... dahil po takot na takot ako sa Hebrew!

"At di po ako natutulog nang tatlong linggo para mag-memorize, para mag-aral... at nang tama kong masabi [ang Hebrew lines].

"Maraming salamat po sa crew," patuloy ni Irma, "na kahit alam nilang mainit ang ulo ko ay nando’n sila sa tabi ko para i-assist ako..."

LONG-DESERVED. Sa dami na ng Cinemalaya entries na natampukan—bilang suporta man o female lead—ang pananalo ni Irma sa taong ito para sa Transit ay masasabing very much well-deserved.

Kabilang sa mga past Cinemalaya starrers ng aktres ang mga sumusunod: ICU Bed #7 (2005), Still Life (2007), Tukso (2007), Huling Pasada (2008), Mangatyanan (2009), Ang Panggagahasa Kay Fe (2009), at Vox Populi (2010).

Bago ang Transit (2013) ay lumabas naman si Irma sa iba’t ibang mainstream projects sa pelikula at telebisyon.

Pinasalamatan ni Irma ang kanyang mga anak ("My children, who have been supportive of what I do."), tulad ng taga-TV production na si Mara Marasigan at ang kanyang youngest son na si Benjamin.

"He’s here, my youngest!" tuwang-tuwang sambit ng aktres. "I know he didn’t want to go, but he’s here!"

Irma’s husband, actor-director Dennis Marasigan, was also acknowledged. He was Irma’s director in Tukso and Vox Populi.

"And to all of you who believed... all of you people who watched—more than this award, thank you for the appreciation you have given me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you for signifying and telling me, right to my face, that you liked our film and you liked what I did.

"And that I was able to touch your hearts.

"More than this award, that one is closest to my heart.

"Thank you very much. God bless you all!"

BIG HONOR. Matapos ang awarding ceremonies ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Irma sa may CCP Little Theater lobby.

Masayang-masaya pa rin ang actress-mom, who was with two of her children, Mara and Benjamin.

"Yes, it’s fulfilling! But I never expected it... ilan na ba ang nagawa kong Cinemalaya [movies]?" she tried recalling every title, na hindi niya matandaan lahat.

It took her daughter Mara to convince Irma to attend last night’s awarding rites.

"Thanks to her, hindi na nga sana ako a-attend," Irma cheerfully added.

After Transit, Irma will next be seen in another indie film, Bamboo Flower. Entry naman ito sa gaganaping Sineng Pambansa All-Masters Edition ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes.

Kabilang din si Irma sa cast ng teleseryeng Got To Believe sa ABS-CBN.

In this year’s Cinemalaya Filmfest ay hindi sila direktang nagkalaban ni Vilma Santos, ang Best Actress winner sa Directors Showcase category para sa Ekstra ni Jeffrey Jeturian.

But in next year’s awards season, posibleng makalaban din ni Irma si Ate Vi at maging sina Lorna Tolentino, na mayroong Burgos; Nora Aunor, na mayroong Ang Kwento Ni Mabuti; at ang iba pang aktres na mapapanood natin in the months to come.

"Kaya na nila ’yon!" natawang bahagya si Irma.

Dagdag pa niya, "I wouldn’t mind. For me, ang mapahanay sa kanila is one big honor enough."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN