Diva Montelaba on rumored split with Steven Silva: “I don’t wanna answer that.”

Bagamat tumangging sagutin ang tanong kung totoong break na sila ni Steven Silva, inamin ni Diva Montelaba na may nabago sa samahan nila. Sabi ni Diva, “Well, hindi na siguro, pero we’re good friends. Ever since naman, friends naman kaming talaga. Nag-uusap kami.”


“I don’t wanna answer that.”

Ito ang sagot ng StarStruck alumna na si Diva Montelaba nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung totoong break na sila ni Steven Silva.

Nakausap namin si Diva sa taping ng GMA-7 afternoon series na Maghihintay Pa Rin noong July 31, Miyerkules, sa Antipolo City.

Pero kumusta sila ni Steven ngayon?

“Okay kami, okay kami…” maikli niyang tugon.

Katulad pa rin ng dati?

Pag-amin ni Diva, “Well, hindi na siguro, pero we’re good friends.

“Ever since naman, friends naman kaming talaga. Nag-uusap kami.”

Paano niya nasabing hindi na sila katulad dati?

Paliwanag niya, “Nabago siguro kasi pareho kaming may show. Pareho kaming busy.

“Meron siyang Akin Pa Rin Ang Bukas. Ako, magkakaroon ako ng regional, siya rin.

“Parang ano lang, alam namin kung ano ang gusto namin, which is to be good in our work.

“So, siyempre, naaapektuhan ang pagkikita.

“But as much as possible, we talk. If we see each other… if we can.

“And then, we’re okay, we’re happy naman.”

Pero sila pa rin ba o may pinagdadaanan lang?

“Well, the closest answer siguro is may nagiging problema, pero I believe maaayos at maaayos din.

“Pero, yun nga, alam namin kung ano ang gusto namin.

“So, kung ano ang gusto namin, doon na muna kami.”

NOT HELPING EACH OTHER. Kung sakaling sila pa rin, nakakaapekto ba ito sa trabaho nila?

Sabi ni Diva, “At some point, on my side, medyo... medyo—which is not good.

“Marami rin ang nagsasabi na parang nakikita nila sa akin na may pinagdadaanan ako or something or sobrang vulnerable ako.

“So, siguro ngayon, mas focused lang po.

“Actually, hindi naman ako nahihirapan kasi tinutulungan namin ang isa’t isa.

“Kapag nag-uusap kami, nagkakamustahan kami at palagi naming nire-remind ang isa’t isa na, ‘Galingan natin. And that… if you need something, I’m just a call away.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta, masaya kami, kasi ginagawa namin ang work namin nang maayos.”

Dugtong niya, “Siguro, naging emosyunal kami pareho.

“Kasi, ang tagal na naming kilala ang isa’t isa. Ang tagal na naming magkasama.

“Pero, at the end of the day, positive side ang iniisip namin.”

Madalas batuhin ng mga komento sina Diva at Steven na kesyo hindi nakakatulong ang relasyon nila sa kani-kanilang career.

Ano ang reaksiyon dito ni Diva?

“Siguro parang naisip namin yun, pero hindi kami nag-a-agree dun.

“Siguro with other situations, pero hindi ibig sabihin na lahat.

“Parang depende pa rin yun sa tao at mahirap yun matutuhan, ha. Mahirap siyang matutunan na parang i-balance.

“Lalo na sa akin na sobrang emotional at vulnerable ako. Parang natutunan ko na siya.

“Ngayon nga, dumating lang sa point na doon tayo sa mas gusto nating gawin.”



THIRD PARTY? Tinanong din namin si Diva tungkol sa balitang sa set ng Maghihintay Pa Rin ay madalas daw makitang sila ni Dion Ignacio na magkatabi at sweet sa isa’t isa.

May third party ba sa kanila ni Steven?

“Third party? Wala, walang third party,” tanggi ni Diva.

Bakit nali-link siya ngayon kay Dion at sweet daw sila sa isa’t isa?

“Hindi… kasi kami ni Dion, kahit noong StarStruck pa, naggi-guest siya sa season namin. Nagkikita kami.

“Sobrang malambing na tao at ang friendly niya kahit kanino. Kaya sobrang nakakapag-usap kami.

“Wala, wala talaga, promise,” sabi pa niya.

Si Dion ay mula sa unang batch ng StarStruck, habang si Diva naman ay galing sa fifth batch.



IMPROVED ACTING. Pagdating naman sa acting career ni Diva, marami na rin ang nakakapansin sa pag-arte niya. Kahit maging ang staff ng Maghihintay Pa Rin ay sinasabing isa siya sa nagpapakita ng kahusayan sa serye.

Sabi naman ni Diva tungkol dito, “Ever since kasi, ito na ang gusto ko. Kaya rin ako sumali ng StarStruck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, parang naging slow lang ang progress ever since, pagbibigay ng project sa akin, pagbibigay ng break.

“Pero, okay na rin.

“Kasi, sabi nga nila, lahat ng malalaking bagay, nakukuha nang pakonti-konti at mas nagtatagal yun kapag pinaghirapan mo talaga.

“Tapos, natuwa ako kasi simula nang mag-Pahiram ng Sandali ako, marami nang compliments.

“At first, from Direk Maryo [J. de los Reyes] himself, kasi may pinost siya sa Facebook. Kaya sabi ko, ‘Wow, coming from him.’

“Tapos, sobrang nakakatuwa kasi nare-recognize nila ang kaya kong gawin.

“So, isa rin siya sa mga rason kung bakit ko pinagbubutihan.

“Gusto ko talaga ‘to and I’m really hoping na sana, mabigyan pa ako ng maraming project.”

Aminado naman si Diva na dumating daw siya sa punto na inisip niyang bumalik na lang ng Cebu at huwag nang ituloy ang pakikipagsapalaran sa showbiz.

“Oo naman, gusto ko noon na bumalik na lang ng Cebu at huwag nang ituloy ang pag-aartista. Mag-aral na lang.

“Pero kasi, nangibabaw ang kagustuhan kong mag-stay. Pinaghirapan ko ‘to. Ang hirap ng pinagdaanan ko sa StarStruck.

“As in, ako lang mag-isa rito. Nakita ko lang ang family ko noong finals na.

“But the whole time of the reality show, wala akong kasama, ako lang.

“So, naisip ko, worth it ba na i-give up ko na lang yun?

“Parang tiniis ko at parang hindi naman… at mahirap pumunta sa sitwasyon na meron ako ngayon.

“Ang ibig kong sabihin, marami ang gustong pumunta sa sitwasyon na meron ako ngayon. Parang, bakit ko igi-give up?”

Ano ba ang gusto niyang marating sa pag-aartista niya?

Sabi ni Diva, “Gusto kong makilala sa larangan ng pag-arte.

“Maraming awards. Nare-recognize. Gumawa ng maraming indie films. Makatrabaho ko ang lahat ng gusto kong makatrabaho.

“Basta, parang gusto kong makilala na kapag sinabing Diva, Best Actress.”



SARAH LAHBATI. Inusisa rin ng PEP kay Diva kung nagkita o nagkausap sila ng ka-batch niya sa StarStruck na si Sarah Lahbati nang dumating ito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi kami nagkita,” sabi niya.

Hindi ba niya ito tinweet o tinext o tinawagan?

“Hindi ako nakapag-tweet, kasi alam ko na busy rin siya.

“Konting days lang din ang maisisingit niya rito sa Manila. So, i-spend na lang niya yun sa family niya.

“Tapos ako, may taping din, may Sunday All Stars.”

Ano ang masasabi niya sa mga pinagdadaanan ni Sarah ngayon, lalo na sa mga kasong kinahaharap nito?

“Nalulungkot ako lalo na at her young age, meron na siyang pinagdadaanan na ganoon. Mabigat yun, e.

“Pero, at the same time, natutuwa ako dahil kapag nakikita ko ang mga pictures niya, masaya siya. Parang ini-spend lang niya ang time niya with Chard [Richard Gutierrez].

“Parang, okay na yun. Ibigay na natin sa kanya yun. Deserve niya yun.

“Masaya siya sa Instagram, ha, ang sweet kaya nila! Tapos, sumeksi siya. Mas blooming siya.

“Parang if anything, nakita ko na kung paano masaya si Sarah, malungkot, kiligin, bilang mahaba ang pinagsamahan namin dati.

“Ngayon, nakikita ko na masaya siya, kuntento na ako dun.

"Kaya parang hindi na ko masyadong nag-reach out. Okay na yung masaya siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN