Singer Bryan Termulo on being a Kapamilya: "Iba."

Umaasa si Bryan Termulo na sa maikling panahon ay makikilala na siya ng marami. Sabi niya, “Kung hindi man siguro ako kilala ngayon ng iba, siguro may mga darating din. Kasi, yung ibang pakonti-konti, nakikilala na rin si Bryan as singer, actor.”


Kasama ang singer na si si Bryan Termulo sa primetime series ng ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala.

Pero aminado si Bryan na mas nag-e-enjoy siya sa pagkanta.

“Pero yung acting, hindi siya dapat balewalain—opportunity na ibinigay sa akin.

“Ibinigay sa akin ng ABS ito, so kailangan kong mahalin ang mundo ng acting bilang yun naman ang ibinigay sa akin ng ABS na panibagong challenge for me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bryan sa contract signing niya bilang celebrity endorser ng BNY Jeans sa Sir Boy’s Food Republic, Panay Avenue, Quezon City, noong August 1.

Ang Huwag Ka Lang Mawawala ba ang una niyang acting job?

Sagot niya, “Kung sa official, ito ang pinaka-first, kasi like yung mga Budoy, Wansapanataym, parang guesting lang.

“Tapos, yung Huwag Ka Lang Mawawala, ito talaga yung meron akong pictorial, presscon, storycon, so kasama talaga sa mga collaterals.

“So, official siya and I consider it as first official teleserye.”



KONTRABIDA ROLE. Ang karakter ni Bryan sa Huwag Ka Lang Mawawala ay nauugnay sa karakter ni Empress. May pagka-kontrabida siya dahil si Empress ay kay Joseph Marco naman may gusto.

Sabi ni Bryan, “Actually, challenge, kasi hindi talaga ko ganoon sa totoong buhay.

“Medyo nahihirapan ako kapag galit na galit na eksena.

“Kapag ite-tape na namin, sasabihin ko, ‘Direk, kaya ko ba?’

"Sasabihin naman niya, ‘E, di magalit ka. Paano ka ba magalit sa bahay?’”

Madali ba siyang magalit?

“Hindi ako madaling magalit, pero halimbawa, late, madali akong mag-iba ng mood.

“Yung galit kasi, parang ibang level.”



WITH JUDY ANN SANTOS. Hindi pa raw niya nakakaeksena ang female lead ng kanilang teleserye na si Judy Ann Santos, pero nakakasama niya raw ito sa mga mall shows.

Ayon kay Bryan, “Mabait si Miss Judy Ann. First time ko lang siyang makatrabaho, sobra siyang casual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang hindi Judy Ann na nakikisama sa mga baguhang artista.

"Parang isa lang ang service namin, nandoon siya, nandoon ako."

Nai-intimidate ba siya sa aktres?

“Hindi ko pa nga po kasi siya nakakasama sa mga eksena, pero sa ipinapakita niyang treatment sa akin, hindi po.

“Kasi, kapag mall show, magtatanong siya, ‘Ano ang kakantahin mo? Sige, galingan mo.’

“Pero siguro po, sa acting, aaminin ko, baka.

“Kasi, iba ang acting ni Ms. Judy Ann, minsan may mga acting siya na hindi na kailangan magsalita.”



NEW ATMOSPHERE. Mahigit dalawang taon nang Kapamilya si Bryan mula nang lumipat siya rito mula sa GMA-7.

Paano niya ilalarawan ang pagiging Kapamilya niya?

Sagot niya, “Siguro ano, three letters—iba.

“Iba ang reach ng audience niya, iba rin ang narating, iba yung dating.

“Kasi, parang physically, na-motivate rin tayo na inisip ko halos lahat. Conscious na rin ako sa pananamit.

“ABS influenced a lot na magbago, paghusayin ang acting, singing, mga shows na gagawin ko.

“Ang layo ng difference.”

Masasabi niyang sa ABS-CBN talaga siya nabigyan ng pagkakataon?

“No, kasi kung papansinin mo naman ang history ko sa pagsali-sali sa mga contest, parang reality show, ABS talaga ang first kong sinalihan.

“So, kapag tinatanong ako kung kumusta ako bilang Kapamilya, sinasabi ko na masaya, dream come true.

“Kasi, kung iisipin mo naman, ang first reality show ko ay Star Circle Quest, yung panahon nila Erich Gonzales.

“And then, ang sabi lang sa akin noong na-out ako, ‘Hijo, bakit hindi mo i-try ang mag-singing, tutal ang talent mo, singing?’

“Sabi nila, Star In A Million. E, during that time, 18 years old, e, I was 16 years old lang noon.

“Tapos, parang nag-flash sa screen ang GMA na Pinoy Pop Superstar, hanggang sa napunta ako doon.”



GRATEFUL. Pero paglilinaw ni Bryan, wala siyang anumang “bitterness” o masasabing hindi maganda sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Associated pa rin ako sa Seven, parang doon ako nanggaling.

“So, parang I always give credit to GMA na doon ako nanggaling at hindi naman siguro magiging Bryan Termulo kung hindi siya nakilala bilang Pinoy Pop Superstar, di ba?"

Bukas pa rin ba siya sa posibilibad na maging Kapuso muli balang-araw?

“Sa ngayon, kung saan ka masaya, kasi meron naman akong opportunity rito sa ABS.

“At the same time, masaya ako. I think, dito muna.”

Gusto ni Bryan ang naging development ng career niya na tila “slowly but surely.”

Sabi niya, “Masaya ako, like ngayon, nagbabasa ako ng mga write-ups.

“Minsan, kahit one mga year na nasa ABS na ako, meron pa rin akong nakikita na, ‘Sino ba yun?’”

Ano ang nararamdaman niya kapag nakakabasa siya ng mga komento o reaksiyon na hindi pala siya kilala?

“Minsan, tinatanong ko ang sarili ko na, ‘Sino nga ba si Bryan?’ Pero ngayon, medyo nababawasan siya.

“Siguro, may mga tao talagang hindi ako kilala dahil medyo busy sila.

"I cannot please them, hindi talaga one hundred percent na kilala ka.

“Pero yung improvement, slowly but surely na masasabi ko na, yun nga, may mga projects na dumarating.

“Kung hindi man siguro ako kilala ngayon ng iba, siguro may mga darating din.

“Kasi, yung ibang pakonti-konti, nakikilala na rin si Bryan as singer, actor.”



STUDIES. May gustong mangyari si Bryan sa career niya at pakiramdam niya ay malapit na itong matupad.

“Yung makapag-perform sa ibang bansa,” nakangiti niyang sabi.

“Hindi pa siya nangyayari, pero may mga incoming na inquiries... sana nga.

“Pero bukod doon, san maka-graduate na ng college, next year.”

Nag-aaral pa rin si Bryan ng Communication Arts sa Trinity College.

Biro niya, “Siguro kung bibilangin ko pag-aaral ko ng college, baka doctor na ako!

“Nag-stop kasi ako ng dalawang taon, pero ngayon, ayoko nang mag-stop kasi konti na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, siguro, ang history ng college life ko, nasa six to seven years.”

Mabuti at hindi niya naisipang i-give up ang kolehiyo?

Sabi ni Bryan, “Siguro, mature na rin ang thinking ko.

"Noong mag-start ako sa ABS, this is my second chance.

“Sabi ko, kailangan wala na akong palampasin na anything, kasi yung opportunity ko, kasama doon yung pagtanda ko.

“Baka hindi ko alam, sobra akong nag-enjoy sa singing, acting, mga projects, pero nakalimutan ko pala ang pag-aaral.”



SEXY AND DARING. Nabanggit ni Bryan na natuto siyang mag-ayos, magdamit, at magpaganda ng katawan mula nang lumipat siya sa ABS-CBN.

Nakikita rin ba niya ang sarili na nagpapa-sexy tulad ng pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash?

“Siguro, two years from now or next year,” sagot niya.

“Feeling ko naman, it’s not something scandalous naman, parang natural naman sa isang guy na topless.

“Sa ngayon siguro, yun pa lang ang kaya kong gawin.”



LOVELIFE. Sa usaping lovelife, aminado si Bryan na matagal na ang huling relasyon niya.

“Before, I used to date, mga months pa lang naman, pero ngayon, wala po.”

Totoo bang crush niya si Angeline Quinto?

Natawa si Bryan at sinabing, “We are friends lang naman.

“Pero yung mga bagay na nagawa niya para sa sarili niya, yung mga achievements niya, it’s something na naa-admire ko siya.

“Isa si Angeline sa mga hinahangaan ko.

"But right now, friends kami ni Angeline.”

Kailan ang huling relasyon niya?

“After ng competition ko, 2008, then after noon, dating-dating na lang.”

Showbiz o non-showbiz ba ang gusto niya?

“Ayoko kasing magsalita ng patapos, baka mamaya, sabihin ko non-showbiz, tapos in the end, showbiz pala.

“Sa ngayon, non-showbiz, pero baka in the future, showbiz pala.”

Saan niya nakikitang mas magwo-work siya sa isang relasyon—showbiz o non-showbiz?

“Sa ngayon, non-showbiz siguro, kasi doon mo mate-test ang understanding niya on how far ka niya puwedeng intindihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta yun and feeling ko, I’m not closing my doors kung showbiz.”



GENDER ISSUE. Nagulat naman si Bryan sa isyung napagdududahan ang gender niya dahil wala siyang naipapakilalang girlfriend.

Sabi niya, “Hindi, at saka wala namang ganoong isyu.

“Yung iba nga, para ma-cover ang ganoong isyu, they will have a relationship with someone.

“Good thing naman, wala namang nag-iisip sa ngayon.

“So, hindi dapat, hindi dapat gamitin yun para lang may i-cover.

“At saka, ako kasi, kung makikipagrelasyon, dapat ang laging mindset, siya na.

“So, sa akin, every time na papasok ako sa isang relationship, I make sure na siya na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN