Bianca King sides with Annette Gozon-Abrogar over Sarah Lahbati issue

Bagamat umalis na si Bianca King sa ICONS ay sinabi nitong wala siyang naging masamang karansan dito, hindi tulad ni Sarah Lahbati. Saad ni Bianca, "Kahit na sinong artista, naiisip ko talaga na wala namang makakapilit sa ‘yo ng kahit na ano. At saka, kung anuman ang ipe-present sa ‘yo sa contract, meron kang right na mag-compromise, mag-negotiate. Hindi naman hahawakan ang kamay mo para pirmahan yun. Yun ang threaten, yun ang coercion, di ba? Yun ang opinyon k


Wala na sa talent management company na ICONS si Bianca King. Ang GMA Artist Center (GMAAC) na ngayon ang solong namamahala ng career niya.

Ito ang kinumpirma ni Bianca nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng afternoon soap niya sa GMA-7 na Maghihintay Pa Rin sa Antipolo City noong July 31.

Saad ng Kapuso actress, “Sa ICONS naman, verbal, verbal lang naman kami.

“Ano naman sila, sobrang bait naman nila at parang kung naiisip ko na puwedeng may mag-handle sa akin na puwedeng matulungan ako…

“Sa Artist Center naman, co-managed naman po akong talaga.

“So, sa ngayon, sila ang nagha-handle ng mga schedules ko.”

Kukuha pa ba siya ng ibang manager?

Sagot ni Bianca, “Gusto ko pa rin. Kung merong may gusto, willing ako.

“May naiisip na rin ako, pero kung sino ang may gusto.

“Nagre-relax muna ako.

“Naghihintay ako kung sino ang unang lalapit o kapag nasa tamang time na, kapag kailangan nang pag-usapan ang kontrata-kontrata, mag-i-start na rin akong makipag-usap.

“Pero ang una ko kasing kinu-consider talaga ay kung ano ang mga plans sa akin ng Artist Center.

“Siyempre, sa kanila ko muna ibibigay ang tiwala na kausapin ako.”

Tatlong taon na raw siyang co-managed ng GMAAC at dalawang taon naman daw siya sa ICONS.



NOT RELATED TO SARAH’S ISSUE. Sa pag-alis ni Bianca ng ICONS, wala ba itong kinalaman sa naging isyu ng talent management kay Sarah Lahbati?

Matatandaang nagsimula ang gusot sa pagitan ni Sarah at ni GMA Films President Annette Gozon-Abrogar nang isiwalat ng young actress na pinipilit diumano siya ng film and TV executive na pumirma ng co-management contract sa ICONS.

“Ay, no, no, no!” mabilis na pagtanggi ni Bianca.

“I still give them my 100 percent support kung kailangan nila ako for anything.

“At saka ito, before pa na lumabas yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko naman po ang totoo. Aware naman ako sa nangyayari talaga.

“Ang side ko, na kay Ms. Annette talaga.”

Wala naman daw kasi siyang naranasan tulad ng kaso ngayon sa pagitan nina Sarah at Ms. Annette.

Sabi pa ni Bianca, “Wala, e. At saka, kahit na sinong artista, naiisip ko talaga na wala namang makakapilit sa ‘yo ng kahit na ano.

"At saka, kung anuman ang ipe-present sa ‘yo sa contract, meron kang right na mag-compromise, mag-negotiate.

“Hindi naman hahawakan ang kamay mo para pirmahan yun. Yun ang threaten, yun ang coercion, di ba? Yun ang opinyon ko.

“So, for me, wala… sobrang smooth ng negotiation na nangyari sa akin noon.

“Kasi, I asked questions. I listened.”



END OF CONTRACT. Samantala, plano raw ni Bianca na ituloy ang pagdidirek niya.

Aniya, “Ipu-pursue ko po yun habang naghihintay ako ng next soap.

“Expired na rin po kasi ang lahat ng contract ko. Sa GMA-7, hanggang October na lang po ako.

“Tapos itong Maghihintay Pa Rin, hanggang end of September kami.

“Basta, my ears are open for everybody. Sa manager na merong magandang ideas para sa akin at gustong bumuo ng magandang partnership with me.

“Kasi with me naman, kahit dalawang beses na akong nag-change ng manager, never akong nagkaroon ng bad blood.

“Hindi siya dahil away, kung hindi dahil, ’Thank you, okay, nagawa na natin ang mga magagawa natin as partner. It’s time to move on.’

“Para ka lang nakipag-break sa boyfriend. Nag-mutual decision kayo to part ways kasi, maybe, there’s somebody else better for you.

“Parang ganun lang yun.”

Ang unang manager ni Bianca ay si Arnold Vegafria bago siya nagpa-co-manage sa ICONS.



STILL A KAPUSO? Sa GMA-7 pa rin ba siya pipirma kung sakali?

Sabi ni Bianca, “Happy naman po ako, pero sabi ko nga po, after mong magtagal ng sampung taon sa industriya, talagang iisipin mo, ‘Ano pa ba ang best option para sa akin? Paano pa ba ako maggu-grow bilang artista? Paano pa ako mag-e-evolve? Paano pa ako magre-reinvent? ‘

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung merong magagandang plano ang GMA for me, na nakikita nilang ang dami ko pang magagawa, of course, ang puso ko, nasa GMA.”

Napapaisip din ba siya dahil maraming lumilipat ng network?

“Oo,” pag-amin niya.

“Lalo na ngayon, wala akong manager, di ba?

“Pero, ngayon ko lang naman nasabi na medyo open ako to listen to other people.

“Pero, yun nga, parang for me, ang priority, bigyan ang Artist Center ng option dahil sa kanila pa ako ngayon may kontrata.”

Hanggang November naman daw ang kontrata niya sa GMAAC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN