Christian Bautista denies Andrea Torres’s involvement in his reported breakup with Carla Dunareanu

Itinanggi ni Christian Bautista na si Andrea Torres ang third party sa hiwalayan nila ni Carla Dunareanu, subalit tumanggi ring pag-usapan ni Christian ang diumano’y paghihiwalay nila ni Carla.


Sobrang tipid ng sagot ni Christian Bautista nang itanong sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang isyung si Andrea Torres, leading lady niya sa GMA-7 morning teleserye na With A Smile, ang diumano’y third party sa paghihiwalay nila ng Romanian-Chinese girlfriend niyang si Carla Dunareanu.

(Read: Andrea Torres denies causing reported breakup of Christian Bautista and Carla Dunareanu: “Ha? Hindi ko po alam na break na sila.”)

“I’m gonna answer as short as possible because I don’t wanna dwell on that, because I always refuse and refuse… so, [the answer is] no.”

Sinundot namin ito ng tanong kung hindi ba nila ito napag-uusapan ni Andrea kapag nasa set sila ng kanilang teleserye.

“No,” ani Christian sa panayam sa kanya sa sneak preview ng upcoming stage play na Cinderella, na magsisimula sa October 9, 2013 sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.

Sa nasabing stage play ay makakatrabaho niyang muli si Karylle, na gaganap bilang Cinderella; habang si Christian naman ang gaganap na Prince Charming.

Inusisa naman sa singer-actor ang lumabas na report ng isang entertainment website kamakailan, na sinasabi sa title na gustong manahimik lang ni Christian sa paghihiwalay nila ni Carla.

Paglilinaw naman ng 31-anyos na singer-actor, “I actually did not admit it.

“I would always refuse and refuse and refuse and then they wrote it.

“Pero I believe it was a fair [write-up].”

Ani Christian, maayos naman daw ang takbo ng article at may respeto naman sila sa isa’t isa ng nagsulat.



A LITTLE BIT OF PRIVACY. Paliwanag ni Christian matapos ang humigit-kumulang na isang dekada sa showbiz, nais niyang magkaroon ng kaunting privacy para sa sarili.

“I want to keep [to] myself… napapansin ko na hindi naman kailangan lahat sabihin.

“Some don’t like it, parang [ang] iba nadadamay; yung iba, parang, ‘Ba’t ka pa nag-artista kung ayaw mong sabihin ang buhay mo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I am just a person who wants to have a little bit of privacy."

May ibang artista raw na sinasabi ang lahat para makakuha ng publicity, subalit hindi iyon ang gusto ni Christian.

“Can I be that person who keeps a little bit of privacy?” pahayag niya.

Dati raw ay wala siyang itinatago at sinasabi niya lahat, subalit sa pagtanda na rin siguro ay naisip niyang huwag basta-basta sabihin ang lahat sa publiko.

“Nagkakaroon ka ng ibang perspective in life: what do you wanna do; how do you protect yourself; how do you protect your family, your friends…”

May mga masaklap bang karanasan si Christian dati kaya tipid na siya sa pagbibigay ng detalye tungkol sa kanyang lovelife?

“Maraming things, it’s not just a single factor.

“Pero it all boils down to… parang ngayon gusto kong mag-focus, kung ano yung nasa loob ko, dun ko ilalabas sa trabaho ko,” paliwanag niya.

Kung meron man daw siyang proyekto, gusto niya ay ang proyekto lamang ang pag-uusapan at hindi niya ilalahad ang personal na buhay upang makahikayat ng manonood.

Paliwanag ni Christian, mas magiging open siya sa personal niyang buhay kapag kinakailangan at sa tamang panahon.

“There are some things that have to be told and there are some things na when the right time will come.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN