Kiko Estrada admits crush on Julia Barretto; vows not to fall in love yet

Sobra pa sa suwerte ang pakiramdam ni Kiko Estrada sa pagbibida niya sa upcoming soap ng GMA-7 na Mira Bella. Sabi niya, “Kaya naman happy na ako kasi bida na rin ako sa ABS-CBN Primetime at si Julia Barretto pa ang ka-partner ko. Feeling ko, double jackpot ako!”


Pagkatapos lumipat ng young actor na si Kiko Estrada mula sa GMA-7, ngayon ay magbibida na siya sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Ito ay sa pamamagitan ng upcoming soap na Mira Bella, kunsaan magiging leading man siya ni Julia Barretto.

Unang nakilala si Kiko bilang isa sa mga bida sa defunct teen-oriented series ng GMA-7 na Tween Hearts, ngunit noong nakaraang taon ay lumipat siya sa ABS-CBN.

Ilan sa mga unang proyekto niya sa Kapamilya network ay ang Angelito: Ang Bagong Yugto at Annaliza.

Si Kiko ay anak ng aktor na si Gary Estrada sa dating aktres na si Cheska Diaz, kapatid ng aktor na si Joko Diaz.

Bakas ang tuwa ni Kiko nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa malaking break na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.

Saad niya, “Sa wakas nagbunga na rin yung two years na paghihintay ko na magkaroon ng malaking proyekto. I mean, after ko mag-transfer from GMA-7 to ABS-CBN.

“Kasi, nagbida na rin naman ako sa GMA-7, sa Tween Hearts, pero sandali lang yun.

“Then, nag-transfer ako sa ABS-CBN kung saan nagkaroon ako ng sunud-sunod na support roles.

“Pero ngayon nga, pinagkatiwalaan na ako ng ABS-CBN na magbida sa new soap nila with Julia Barretto, kaya nga sobrang saya ko.

“And I feel blessed and nagpapasalamat ako kay Lord sa proyektong ito and, of course, sa lahat ng proyektong nagkaroon ako.

“Two years din ako naghirap for this, puro supporting roles.

“Kaya naman happy na ako kasi bida na rin ako sa ABS-CBN Primetime at si Julia Barretto pa ang ka-partner ko.

“Feeling ko, double jackpot ako!” tawa niya.



VERY LUCKY. Bakit feeling niya ay naka-double jackpot siya?

Paliwanag ni Kiko, “Kasi nga, bida na ako sa primetime, tapos kasama ko pa si Julia na sobrang ganda at alam ko naman na marami ang nagkaka-crush sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masuwerte na rin ako kasi first din na magbibida sa soap si Julia, tapos ako pa yung ipinareha nila.”

Nagkatrabaho na ba sila ni Julia?

Sabi niya, “Hindi pa, ito yung first time na makakatrabaho ko siya kaya naman excited ako.

“Bale yung first meeting namin yung look test, yun lang, pero hindi pa talaga kami nagsasama sa trabaho, ngayon pa lang talaga.

“Kaya I’m very excited na mas makilala pa siya at mangyayari lang ‘yan pag nag-start na kami mag-taping.

“Kasi, right now, hindi pa kami nagsisimulang mag-taping."



UNAWARE. Inakala ba ni Kiko na makaka-partner niya si Julia?

Sagot niya, “Gusto ko siya maka-partner, pero wala talaga akong idea na siya yung makakapareha ko.

“Ako naman kasi, kahit sino ang ipareha sa akin, basta may trabaho ako, okay lang. Yun naman kasi ang mahalaga.

“Pero nang sabihin nga sa akin na ako yung nakapasa sa audition para maka-partner ni Julia, hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko.

"Kasi alam naman natin na ‘it’ girl si Julia at sikat na siya.

“Kaya nga I really feel blessed kasi ako yung napili, dahil makakatrabaho ko siya.”

Sa tingin ba ni Kiko, ito na ang hinihintay niyang project para sumikat nang husto?

Sagot niya, “Sana po, kasi mahirap namang sabihin na ito na nga.

“Let`s wait and see, basta gagawin ko talaga ang best ko at alam ko naman na ganoon din si Julia and sa iba pang kasama namin sa project.

“Basta siguro teamwork lang, pag may teamwork kasi, gaganda lahat, walang imposible.

“Let’s just hope for the best, sana magustuhan at suportahan ng tao yung loveteam namin ni Julia.”

Bago ba nag-start ang taping nila, nag-bonding ba muna sila?

“Actually, katulad ng sinabi ko kanina, hindi pa naman kami nagte-taping, may mga inaayos pa yata.

“They said na noong July 25 ang start, tapos naging July 30, pero ngayon sabi nila, sa August 15 daw ang first taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Balak naming mag-bonding kaming apat na bata—si Julia, Diego [Loyzaga] and Liza [Soberano], kahit mag-dinner lang.

“Kumbaga, to know each other bago mag-start ang taping.”

Gaano ka-excited si Kiko for this project?

“Super excited and I feel nervous, kasi first ko magbibida at first din ni Julia.

“Pero ako naman kasi, every time na magkakaroon ako ng new project, excited ako.

"Pero this time, iba ang feeling kasi bida, mas malaki yung expectations.

“Basta ako naman, I always give my 100 percent sa trabaho.

"Kaya naman in this project, baka lagpas pa 100 percent ang ibibigay ko."



INDIE MOVIE. Nabalita na mula sa pagbibida ni Kiko sa TV via Mira Bella, siya rin ang lead actor sa indie film na Chasing Boulevards.

“Yes," pagkumpirma ng 18-year-old actor.

Kaya nga sobrang saya ko talaga, kasi meron akong lead role sa TV with Julia at meron din akong movie na ako ang bida.

“But, of course, kasama ko doon si Teejay Marquez na alam ko din na magaling na artista at si Kim Rodriguez na magaling din.

“Bale parang reunion nga naming mga tweens ito kasi lahat kaming tatlo, galing Tween Hearts.

“Kaya nga bonded na kami at hindi na mahihirapan yung director namin, kasi okay na kaming tatlo.”

Ano ba ang story ng Chasing Boulevards?

“Magagandahan sila sa story ng movie na ito.

"Bale bago ko tinanggap ito, ten days kong binasa paulit-ulit yung script, kung kaya ko ba o hindi.

“Pero sabi ko sa sarili ko, wala naman akong hindi kakayanin kung gugustuhin ko.

“Yung movie na ito, it’s a combination of drama, love story, at may konting action."

Ano ang role niya dito?

“Si Kiko dito yung… alam mo yung taong ayaw magbigay ng paki, feeling niya, if he cares masasaktan siya?

“Kasi, iniwanan siya ng kanyang nanay, tapos basagulero yung tatay, kaya takot siya magmahal. Kasi, baka iwan din at saktan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a coming of age movie na alam kong marami ang makaka-relate na mga kabataan sa role na ginagampanan ko.”



PRESSURE. Ngayong nagbibida na siya, wala bang pressure sa kanya dahil halos ng angkan niya na nasa showbiz ay magagaling na artista?

Bukod sa mga magulang niyang sina Gary at Cheska at ng tito niyang si Joko, ilan pa sa mga kamag-anak ni Kiko ay sina Manila Mayor Joseph Estrada, Senator Jinggoy Estrada, at Governor ER Ejercito.

Sabi ni Kiko, “Medyo, pero ever since kasi I started acting, prepared ako.

“Pagsalang ko pa lang sa Tween Hearts, I took one year acting workshop sa Star Magic.

“And first show ko pa lang yung Tween Hearts, I was nominated for Best New Male TV Personality sa Star Awards for Television...

“Sana, by this movie, ma-nominate din ako, kasi ibang Kiko ang mapapanood nila dito—baliw na Kiko!

“Ayoko na pong ikuwento yung iba pang details about the film, mas magandang panoorin na lang nila.

“Our director is so good even bago lang siya—si Direk Alessandra."



CAREER VS. LOVELIFE. Anong advice ang ibinigay ng family niya ngayong nabibigyan na siya ng break sa showbiz?

“Don’t fall in love!” sabay tawa ni Kiko.

“Actually, my mom said I can do whatever I want, basta I stay focused on my goal, and my goal right now is my showbiz career.

“And my other goal is to win best actor award—not one, but a lot.

“My dad says naman I have to stay focused on my career, kasi ang love, nandiyan lang naman ‘yan.

“But pag pinabayaan daw ang career, mahirap nang bumalik.

“Kaya I decided not to fall in love muna, mas gusto kong mag-concentrate sa career ko.”

ADMISSION. Hindi ba niya crush si Julia Barretto?

Sagot ni Kiko, “Napaka-ipokrito ko naman po pag di ko sinabi na ‘yes.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat naman siguro na lalaki na makakita kay Julia magkaka-crush sa kanya dahil bukod sa maganda siya, mabait."

Si Julia ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, at pamangkin nina Gretchen at Claudine Barretto.

Patuloy niya, “Alam kong magaling din siyang artista katulad ng kanyang mommy at mga titas.

“Pero hindi naman ibig sabihin na crush mo yung tao, manliligaw ka na.

“Pero noong nakita ko siya, nandoon yung kilig, ang ganda niya!

“Hindi ko naiwasang mapa-smile nang makita ko siya, she’s very pretty, at maraming nakahalata na iba daw ang sparkle ng mata ko!

“Alam ko naman na career muna ang priority ni Julia at ganoon din ako, lalo na’t nagsisimula pa lang kaming mag-bida sa soap.

“Kumbaga, trabaho po muna, tsaka na yung ligawan.

“Ako kasi, sabi ko nga, medyo matagal din ang naging paghihintay ko bago ako nagbida, kaya naman dito muna ako focused.

“Ayaw ko muna bigyan ng oras yung ibang bagay, career talaga muna ang focus ko.”

So, ibig sabihin, zero ang lovelife niya?

“Yup, tsaka na lang ‘yan. Malay natin, si Julia ‘yan pag mas nagkakilala kami nang matagal-tagal.

“Pero ngayon, wala munang lovelife, focus muna sa career.

“Bukod sa ang dami ko ring ginagawa ngayon, wala talagang time for that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN