Andrew E. claims to be the first Filipino shareholder of Facebook

Ilalaban daw ni Andrew E. sa pustahan ang kanyang claim bilang kauna-unahang Filipino shareholder ng social networking site na Facebook. Aniya, “Itong claim ko, humbly speaking, ilalagay ko sa pustahan. Pag may nag-claim na siya mas una sa March 10, bow ako! Ire-recant ko sinabi ko, and publicly, maybe I will apologize.”


Na-reveal ang isang accomplishment ng rapper na si Andrew E. nang banggitin niya sa presscon ng pelikulang Raketeros kahapon, August 6, na sa unang pagkakataon ay nag-trending siya sa Twitter.

Ito ay dahil siya raw ang unang Filipino shareholder ng Facebook, ang social networking service na na-develop ni Mark Zuckerberg kasama ng kanyang Harvard University friends na sina Eduardo Saverin, Andrew McCollum, Dustin Moskovitz, at Chris Hughes noong 2004.

“Oo, oo, number one!” bulalas ni Andrew.

“Nagulat nga ako. Kasi naging controversial at saka halos ang buong Pilipinas, biglang nagtanong, e. Na-shock, e, na-shock talaga sila.

“Yung mga kababayan natin ba nasa upper echelon, na-shock talaga sila dahil umugong yung balita na…

“Well, itinatago ko, in the sense na… but hindi ko naman sinabing itinatago, hindi pinagyayabang.

“The point is kasi, sa totooo lang, pag ganito yung meron ka, dapat kasi ipapa-presscon mo ito, e.

“E, nag-iisip ako dati, when this thing happened, kung, ‘Ano kaya kung pa-presscon ako para malaman ng tao?’

“Hindi dahil sa malaman ng tao whatever kundi yung abilidad ko, kundi ma-upgrade yung tingin ng tao dun sa ability, na hindi ka lang rapper, hindi ka lang artista, or kung anuman, or producer, di ba?

“Kundi parang makakatulong ka pa na ma-educate yung tao na, ‘Paano mo nagawa yun?’

“Di ba, kasi lumalabas at lumilitaw nung nangyari ito, gusto kong i-contest ako ng tao, e.

“Na parang, ‘Nabalita si Andrew na Facebook shareholder.’

“So, kinlaim ko na talaga na ako ang first Filipino [shareholder ng Facebook].

“Hindi ko sinasabing… kasi manipis yung gitna nun, e, para bang yung pinaka-borderline.

“Na manipis masyado na, ’Ano ba ang tinutukoy mo, Andrew? Ikaw ba yung first Filipino na Pinoy o first Pinoy na nasa Pilipinas?’

“Kasi mayroon sigurong mga American-Pinoy na nasa ibang bansa, which is Amerika, na merong share sa Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But then, again, kung iisipin mo, kung meron mang nauna sa akin na shareholder ng Facebook, e, di nagpa-presscon na siya, di ba?

“So kung ako nga na subok na, na shareholder at may dokumento e hindi pa ako nagpapa-presscon, artista pa ako, yun pa kayang mas nauna at di hamak na mas mayamang todo e hindi niya magawa yun?

“Meron bang isang bagay sa mundong ibabaw na hindi nagagawa ang mayaman? E, lahat ng bagay, nagagawa nila.

“Pero bakit tahimik ang mayaman, na walang kumu-contest dun sa ginawa ko, e, samantalang pangmayaman yun?

“E, hindi naman ako ubod-yaman.”

So, siya nga ang unang Filipino na Facebook shareholder?

“There you go!” bulalas niya.

Paano nagsimula ang lahat?

“Marami ding nagtatanong na talagang dito sila hiwagang-hiwaga na parang, ‘Andrew, manipis din yung pagkakasabi mo ng katotohanan. Na parang puwedeng paniwalaan, pero pag inisip na namin, napakahirap intindihin.’

“Tama! Puwedeng paniwalaan, na naniniwala ka sa sinabi ko dahil siyempre hindi naman ako magsasalita kung wala akong dokumento, di ba?”



THE REQUIREMENTS. Ayon kay Andrew, may tatlong requirements bago siya nabigyan ng share sa Facebook.

“Basically sa akin, e, dun lumalabas yung difficulty para magkaroon ka ng share sa Facebook.

“Number one na requirement is kailangan American citizen ka.

“E, hindi ako American citizen. So, paano ako maipapasok dun?

“Paano ako magiging believable sa iyo na, ‘O, Andrew, ang requirement e American citizen. E, alam naman namin na Filipino citizen ka, with a Philippine passport? Philippine-born and Philippine-raised.’

“E, kasi po mga kaibigan, ako po, maaaring Filipino citizen ako, maaaring hindi ako American citizen, but huwag din nating iwaglit na ako po ay noong araw hanggang ngayon, e, U.S. bank-account holder ako.

“So basically, pag meron kang U.S. bank account at may U.S. dollar bank account ka, basically, kapag tumutubo yung pera mo…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba, may tax ka? So pag may tax ka, kanino mo ibinabayad yung tax?

“Sa Philippine government? Hindi, sa American government.

“Yung bangko is Bank of America, the branch is sa San Jose [California].”

Tumawa lang naman si Andrew nang tanungin kung magkano ang laman ng naturang bank account niya.

Pagpapatuloy niya, “Yung interes nun, unang-unang babayad ka sa IRS [Internal Revenue Service].

“Walang tax yung bank account, pero pag tumutubo na yung pera mo, merong tinatawag na percentage na tinatanggal dun ng bangko.”

Isa ba siyang U.S. taxpayer?

“A little bit to that effect kasi hindi ka naman din U.S. citizen.

“But eto ang tanong: Sa legality ng Amerika, paano ka magkakaroon ng bank account kung wala kang SS [Social Security] number?

“Kasi, ang hihingin sa iyo na unang-una ay... bago ka makapag-open ng bank account e ’pahingi ng SS.’”

Paano siya nagkaroon ng SS number sa Amerika?

“Dahil nung panahon ng 1992, maluwag pa silang nagbibigay ng SS number.

“Hindi lang ‘yan, nagkaroon din ako ng DMV, yung sa Department of Motor Vehicle—parang yung LTO [Land Transporation Office].

“So, pag meron kang dalawang ganun, automatic, puwede kang mag-open ng bank account.

“Nung lately lang, nung medyo mga bandang ‘98, ‘99, nang medyo nararamdaman na ng Amerika yung pagnipis ng kanilang economy at mga problema nilang worldwide problems, medyo naghigpit na sila nun.

“So ngayon, tanungin mo kung meron bang tourist na nakakakuha ng SS—wala.”

Hindi naman daw nasabayan si Andrew E. ng pag-a-apply ng U.S. citizenship that time dahil papasikat na siya noon (1992) bilang rapper at artista.

“Para bang sandali, may hanapbuhay ako dito na ang ganda-ganda, tsaka hindi naman ako that really interested [na maging U.S. citizen].”

Bank account lang ang nagamit ni Andrew na unang requirement para makakuha ng FB share. Hindi na raw niya nai-present ang SS number niya at DMV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero anytime na hingin iyon, meron ako.”

Ano ang pangalawang requirement?

“Kailangan, iyong tao na nag-a-apply para sa shareholding ay nasa industriya ng social network.

“Kasi kung ikaw ay mag-a-apply ng shareholding at ang ina-apply-an mo ay Facebook—which is the number one social network in the world with one billion and thirty million members—kung ikaw ang may-ari ng social network, ikaw ba papayag ka na ang magse-shareholder sa iyo ay hindi sa industriyang tinatayuan mo?

“Siyempre, hindi.

“Bakit? Dahil gusto mo yung industriya mo ang umangat, which is yung social networking.”

Si Andrew ay dati na palang nasa larangan ng social network.

“Kasi nagtayo ako one and a half years ago ng social network na katulad ng Facebook!

“Ang Pilipinas, meron na tayong sariling social network, yung SOD, sonsofdongalo.com. Libu-libo na members niyan.

“So qualified ako kasi iyon ang hinahanap nila. Na sa bawat bansa, kailangan, at least, kasama ka dun sa kung sila’y kukuha ng mga tao sa ibang bansa.”

Ang pangatlong requirement?

“Kailangan you’re in the line of non-anti-U.S. government sentiment.

“Kasi, paano kung pinapasok ka nila tapos hindi nila alam terorista ka pala at galit ka sa Amerika?

“So, magagamit mo yung social network ng Facebook para palawakin yun. Mali.

“E, ako, ang profile ko, since 1991 hanggang ngayon, movie actor ako, comedian, rapper, so hindi ako anti-U.S. government.”



ANDREW’S SHARE. Magkano ang share na inilagay niya?

Sagot niya, “Basta ang share ko is one to one thousand limit. Period, iyon lang ang masasabi ko.”

Dollars, of course, ang share niya.

Nakakabawi o kumikita na ba siya sa share niya sa FB?

Ayon kay Andrew, “Na-approve ako, yung first initial step-in ko bilang shareholder, March this year.

“May nagtanong, ‘O, bakit March ka lang na-approve e last year pa yung IPO [Initial Public Offering] ng Facebook?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, last year, masyado pang nagsisiksikan ang mga tao para bumili. At nung bumili ang tao, biglang bumagsak ang share.

“So pagbagsak ng share, lumayo tao. Paglayo ng tao, hindi naging popular.

“Then, later on, quietly, bigla akong pumasok.

“Bakit March? Kasi yung aking profile check ay March din na-approve. Kasi tsinek lahat.”

Background investigation ang tinutukoy ni Andrew.

Pagpapatuloy niya, “So March ako pinadalhan ng approval, which is letter sa bahay.”

Bakit letter, hindi e-mail?

“E, kasi, hindi naman puwedeng e-mail ‘yan, na pagtitiwalaan na yung e-mail na ibigay ang lahat ng dokumento.

“Kasi kailangan may protection sila.

“Number one protection nila, bar code. Na kahit nakawin mo man ‘yang papel, hindi mo naman mananakaw yung nasa loob kasi may bar code ‘yan. At may SRQ code, yung code na picture.

“Kaya ipapadala sa iyo just to prove na ikaw e tinanggap nila.

“Na meron din silang sense of security na hindi basta-basta nanakawin yung approval mo. E, kung palitan yung pangalan mo?”

Kasama raw sa ipinadala sa kanya ang certificate bilang shareholder, at handa raw siyang ipakita ang kanyang certificate kung sakaling may mangunguwestiyon sa kanyang mga sinasabi.

“Iyon ay kung later on na magkakapilitan na mapapahiya ako.

“Pero kung hindi naman ako mapapahiya, anong ano para ipagmalaki ko pa? Hindi na, okay na yun.

“In fact, wala naman din na nagpakita na shareholder na kahit sinuman sa Pilipinas na nagpapakita din ng ganun, di ba?

“Pero ako, willing, kung magkakahiyaan na later on.

“Pero kung hindi naman magkakahiyaan, okay lang.”

Gaano na siya katagal kumikita bilang shareholder?

“March 10 ako na-approve, would you believe na nung March, April, May, June, June 1 or 2, dumating ang aking first dividend, ang aking first suweldo, ang aking tseke?”

Ayaw sabihin ni Andrew kung magkano ang halaga ng tseke.

“Nangako sila na every three months, you will have dividend from Facebook. That’s one.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Two, kasama sa sulat na nagulat ako, ako ay iniimbitahan bumoto sa chairmanship ng Facebook sa Amerika!”

Hindi nga lang daw nakapunta si Andrew sa botohan noong June 11 dahil nagkataong may show siya sa Hong Kong noong June 30.

“Hinayang na hinayang ako! Alam mo kung bakit? Kasi kaya ko nang patunayan sa buong Pilpinas at mapapatunayan ko sa sarili ko na wala akong makikitang isang Pilipino na iimbitahan na halos 800 people na exclusive for shareholders lang.

“Na kung makikita ko na may Pilipino, e, di hindi ko na ipagyayabang na una ako.

“Pero kung wala akong makikitang Pilipino, teka muna sandali, magdiwang tayo kasi tayo ang first Pinoy!”

Ayon pa kay Andrew, mananatili siyang shareholder hangga’t may Facebook.

“At ang malupit nito, na hindi alam ng lahat, kaya lahat ngayon nagsisisi, dahil nung bumagsak ang Facebook, yung share nila from forty-two to thirty-two or thirty-four… I dunno, maraming natalo, di ba?

“Nung natalo yun, lumayo tao, di ba? Pero may nagtsismis sa akin na, ‘Andrew, try mong magkaroon ng share sa Facebook.’

“Sabi ko, ’Bakit?’ Which is last year ito, ha?

“May ugung-ugong sa Silicon Valley na ang Facebook, bibilhin ang Instagram.’

“E, nung panahon na yun, posible kasi ang ganda ng Instagram, sobra!

“So paano sila magbebenta, hindi naman sila nalulugi?

“So sineryoso ko yung tsismis, nag-apply ako. Bumili ako, natanggap ako.

“Biglang totoo nga, binili ng Facebook ang Instagram, for one billion dollars!

“So nung binili yun, yung mga tao, ‘Wow, bili tayo!’

“Isinara na, wala nang nakabili.”

Bago isinara, nakapasok na raw si Andrew.

“So, hindi lang technically but logically and in reality, Instagram shareholder ako.”



ONLY PINOY SHAREHOLDER. Paano kung hindi pala siya ang unang Pinoy shareholder ng Facebook at may mag-claim na iba?

“I am up for the challenge, ibibigay ko sa iyo ngayon ang salita ko that my claim is up for the challenge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag may nag-claim, o, e, di ba-bow ako and I will retract all and recant all my [statements].”

Kung walang mag-claim?

“Yung claim na yun is hindi na ako ang gumawa, it’s the challenge that claimed it. Di ba?

“Itong claim ko, humbly speaking, ilalagay ko sa pustahan.

“Pag may nag-claim na siya mas una sa March 10, bow ako!

“Ire-recant ko sinabi ko, and publicly, maybe I will apologize.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN