Ogie Alcasid on signing long-term contract with TV5: "It’s my time to give back."

“I think, another thing that attracted me to the post is yung music. Alam n’yo naman na mahal na mahal ko ang OPM, mahal na mahal ko ang music, so that was really something that I think na parang okay. Lalo ko pang matutulungan ang industriya dahil sa post ko,” says Ogie Alcasid about the executive position given to him by his new home network, TV5.


“It’s my time to give back.”

Ito ang isa sa mga dahilan na ibinigay ni Ogie Alcasid kung bakit niya napagdesisyunang lumipat sa TV5, pagkatapos ng labinwalong taong pagtatrabaho sa GMA-7.

Sa ginanap na press conference matapos ang pagpirma niya ng kontrata sa TV5 kaninang tanghali, August 6, masayang ikinuwento ni Ogie na isa sa naging dahilan ay ang naging pakiusap ng kanyang ninong sa kasal na si TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.

Ayon sa singer-songwriter, “Si MVP ay ninong ko simula’t sapul, mula sa una kong kasal hanggang sa pangalawa ko."

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang kasal niya sa unang asawa na si Michelle Van Eimeren noong 1998, at ang kasal nila ng asawa niya ngayon na si Regine Velasquez noong 2010.

Patuloy niya, “So, my closeness to him began a long time ago, hindi na po siya iba sa akin.

“Noong minsang nag-usap kami, sabi niya sa akin, ‘Sana naman makasama ka namin dito sa TV5.’

“Sino ba naman ako para humindi?

“Siyempre, marami akong iko-consider doon sa tagal ng pinagsamahan namin ng GMA-7, sa tagal ng ginugol ko sa GMA-7.

“Doon na ako tumanda, doon na ako yumaman... este doon na ako lumaki," pagbibiro pa niya.

"So, talagang ‘yon ang consideration diyan.

“Pero sa akin kasi, okay na ako, e, good na ako sa sarili ko, sa career ko, sa buhay ko.

“Ano ba naman yung humingi lang yung isang tao?

"It’s my time to give back,” ulit niya.



MUSIC-RELATED POSITION. Bukod sa pagbigay ng pabor sa kanyang ninong na si MVP, naisip din ni Ogie na isang magandang oportunidad ang posisyong ibibigay sa kanya sa bago niyang home network.

Bilang bagong Kapatid ng TV5, pamamahalaan din ni Ogie ang music business unit ng network.

“I think another thing that attracted me to the post is yung music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam n’yo naman na mahal na mahal ko ang OPM, mahal na mahal ko ang music.

“So, that was really something that I think na parang okay. Lalo ko pang matutulungan ang industriya dahil sa post ko.”

Sa bagong posisyon niya sa TV5, ayon kay Ogie, mas magiging tutok siya sa musical content ng network.

Aniya, “At this point, yung basic content, which includes yung process like recording, anong klaseng kanta ang gagamitin sa mga teleserye at sa mga pelikula.

“I can create it, I can assign it. Basta creative post na in-assume ko.”



PLANS FOR OGIE. Hindi idinetalye ni Ogie ang nilalaman ng kontratang pinirmahan niya sa TV5. Pero sinabi niya sa media, “It’s a long-term contract.”

Samantala, inilahad naman ni TV5 President Noel Lorenzana kung ano pa ang magiging proyekto ni Ogie sa network.

Aniya, “Seriously, there’s a lot of programs in different genre that we’re planning for him.

“There’s a nice musical show, a game show.

“So, from a content standpoint, it is going to be a lot. He’ll be very busy.

“From executive standpoint, he’ll create the musical scores, he’ll create the musical strategy of station, which is part of his executive role.

“Part of that is strategizing of music which is actually the backbone of the uniqueness of the TV station.”

Sa kabilang banda, nagbigay naman ng pahiwatig ang chief content officer ng TV5 na si Wilma Galvante tungkol sa musical show na gagawin ni Ogie.

Aniya, “The musical show is in the pipeline.

“In fact, it’s going to happen very soon. It will have its own time when we announce it.”

Dagdag pa ng network executive, “It’s not going to be the variety show that we know right now.

“It’s more going to be an evening of songs of singers and timely conversation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very Ogie and very much alive with other stars who will be with him in that show.”



“NAGPAALAM AKO.” Samantala, ikinatuwa naman ni Ogie ang pagtanggap ng GMA-7 sa kanyang naging desisyon na lumipat ng TV5.

Isang indikasyon daw nito ay ang statement na inilabas ng GMA Network.

(Read: GMA-7 on Ogie Alcasid’s transfer to TV5: "We thank him for being a part of the Network’s success all these years.")

Saad ni Ogie, “The reason why they gave that thing is pormal akong nagpaalam.

“Ayaw ko namang pumirma sa TV5 nang hindi ako nagpapaalam.

"Parang sa akin lang, hindi naman yata tama ‘yon.”

Kuwento pa niya, “Kinakabahan ako noong day na [nagpaalam ako].

“Pero noong winelcome niya [GMA-7 Chairman Felipe L. Gozon] ako sa opisina niya, his exact words were, ‘Alam mo, walang problema sa akin. Susuportahan kita kung ‘yan ang nais mo. Walang problema sa akin, hindi ka na iba sa amin. Salamat at nagpaalam ka.’

“So, nakakataba ng puso yung gesture na ‘yon from Mr. Gozon and from the rest of the GMA community."

Dagdag pa niya, “Hindi lang din naman sila iba sa akin.

“Mahirap kasi yung aalis ka nang may backlog. Ika nga, e, you burn bridges. Hindi tama ‘yon.

“It’s just that I have to move on, I had to do something else, and I got their blessing.

“Sa akin, malaking senyales ‘yon, parang okay ‘yon na they’re supporting me.

"It was a good thing.”

Ngayong nasa bago na siyang istasyon, tila isa lamang ang nararamdaman ngayon ng singer-actor.

Aniya, “I’m very excited. I’m very, very excited. I’ve been excited for a long time.

“Of course, kailangan hintayin natin yung tamang oras, tamang araw.

“So, ito na po yung araw na ‘yon.

"I’m excited, I’ve been waiting for this moment.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN