Mayor Herbert Bautista denies using city funds to produce Raketeros

Isa raw sa adhikain ni Mayor Herbert Bautista sa pagpoprodyus ng pelikula ay upang ibalik ang kinang ng mga kaibigan niyang artista noon. Saad niya, "Ibalik natin sila and hanapan natin kung ano talaga yung niche nila. You know, the demise of the mainstream movie, that should not be the reason why these actors should be in their demise as well, di ba?”


Ngayong araw, Miyerkules, August 7, ang opening day ng comedy film na Raketeros.

Bida rito ang magkakaibigan na sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Andrew E., Dennis Padilla, Long Mejia, at Ogie Alcasid. Mula ito sa direksiyon ni Randy Santiago.

Ang pelikula ay produced ng Heaven’s Best Entertainment, ang movie outfit ng pamilya ni Mayor Herbert.

Pagkatapos ng Raketeros, hangad ng actor-politician na magtuluy-tuloy na ang pagpu-produce nila ng pelikula na hindi lang siya ang artista.

Nais din niyang magbalik-sigla sa kanyang acting career, pero haka-haka ng ilan, dahil busy siya bilang alkalde ay hindi siya magkakaroon ng sapat na oras para rito.

Pero kinontra naman ito ni Herbert nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa Luxent Hotel sa may Timog Avenue, Quezon City, kahapon, Martes, August 6.

“Hindi naman sa walang time, marami akong time actually,” nangiting sabi niya.

Baka naman ang dating sa movie companies ay mapili siya sa role dahil mayor nga siya?

“Bakit ko nagawa itong sa Raketeros?” natawang tanong niya.

“Kahit ipaghalimbawa na hindi ako ang nag-produce nito, it can be done.

“Somebody could have done something, the same as this project.

“And I think, it’s time for somebody like me to do it—not for myself, but hindi ko naman ginagawa ito para sa sarili ko lang."

FILM PRODUCER. Gusto rin ni Herbert na maibalik ang sigla ng career ng mga magagaling na artista na sa ngayon ay hindi na nabibigyan ng projects, gaya nga ng mga kasamahan niya sa pelikula na namayagpag ang mga career noong ’90s.

Saad niya, “Ako, I’m looking forward that Andrew E. really… not a big as what he used to be before, but at least becomes active in doing movies.

“Para at least, marami tayong pinapanood, may variety tayo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na meron kang option. Yung, ‘Uy, na-miss ko ito, panoorin ko nga siya!’

“And kunyari, hindi kumita itong Raketeros, okay lang, but it won’t stop me from producing.

“Because the objective of the company is not to produce film for myself, but to produce films, di ba?”

How many movies a year ba ang planong i-produce ng film company nila?

Sabi ni Herbert, “Hindi ko po masusukat.

“Kaya nga sabi ko, sana kumita ang pelikula dahil ito yung simula ng paggulong ng mga darating pang pelikula.

“Dahil ang vision talaga ng Heaven’s Best is to do films.

“We have Burgos,” tukoy niya sa indie film na iprinodyus nila starring Lorna Tolentino and directed by Joel Lamangan.

“There are about twelve on line na scripts.

"And ano… kapag ginawa mo yung casting, parang, ‘Ha? Nagawa mo ‘yan? Nabuo mo ‘yan?’ Ganoon ang dating.

"Siyempre dapat ganoon, kasi iyon ang ibinibenta mo.”

Sino pa ang ibang malalaking artista na nasa isip niyang ipag-produce din ng pelikula?

Sabi ni Herbert, “Well, una nga itong si Aga [Muhlach] na silang dalawa sana ni Lea [Salonga].

“Pero may gagawin yata sila sa Star Cinema, so I’m thinking about it kung go yun.

“Yung mga barkada ko lang muna siguro, basta available na sila.

“Tinitingnan ko rin yung age namin kasi matatanda na kami, e.

“But what I mean is ano… I think it’s time to create… ibalik natin sila and hanapan natin kung ano talaga yung niche nila.

“You know, the demise of the mainstream movie, that should not be the reason why these actors should be in their demise as well, di ba?”

Posible ba na ang susunod na project ng Heaven’s Best ay ang reunion nila ng iba pang stars ng Bagets movie?

“Alamin ko muna kay Aga kung okay na siya,” sabi ni Herbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung matutuloy, sinong current young stars ang pupuwede nilang i-consider na mapasama sa cast nito?

Nag-isip sandali si Herbert at sinabing, “Hindi ko pa alam, e.

“Iba na yung iniisip kong klase ng pelikula kapag kami, e. Medyo adult na, buhay na nating lahat, di ba? Na, ‘Ano ba yung buhay mo, buhay ko?’

"Yun, pagsama-samahin natin.”



SECOND TERM. Sa pagsabak niya sa pagpo-produce ng pelikula na milyun-milyon ang kailangang kapital, hindi maiiwasang may mag-isip na baka sa pondo ng bayan niya ito kinukuha.

Pero tanggi agad ni Herbert, “Hindi totoo yun, ipinangutang ko ito!

“At saka they can check the records, sa bangko ito galing.”

Second term na ni Herbert bilang mayor ng Quezon City. Mas madali na ba para sa kanya na gampanan ang kanyang tungkulin at ipatupad ang kanyang mga programa, plataporma, at proyekto?

Tugon niya, “Hindi. Mas malaki ang challenge ngayon, e.”

Saang aspeto niya nakikita ang mas malaking challenge na kanyang kakaharapin?

“Ngayon, traffic, simpleng-simple lang, pero ang hirap i-solve niyan.

“Tapos, marami pa, yung mga napapanood natin sa TV—yung relocation ng mga informal settlers?

“Okay na yun, ready na ang gobyerno diyan, yung tao na lang ang hindi.”

Paano niya kukumbinsihin ang informal settlers sa Quezon City na magpa-relocate?

“Siguro ano… kasi, you only look at it from the perspective of those who are talking.

“But if you count actually those who are in it, kunwari out of ten, you are only hearing two people, but all the eight are there already. Ganoon yun.”

Ipinagmamalaki naman ni Herbert na mula sa pagiging dumpsite ng Payatas ay maganda na ito ngayon.

“Fully developed na, mas magaganda pa nga ang mga kalye doon kesa sa mga kalye sa subdivision,” sabi niya.

Simula na rin ba ng napapabalitang hangad niyang gawing "next Makati City" ang Quezon City?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, hindi. I cannot say that it’s going to be the next Makati.

“But merong itatayo na bigger than the land where the entire Makati-Ayala Avenue is.

“Bigger than that, siguro mga ten times bigger,” banggit ni Herbert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN