Raymart Santiago files for habeas corpus to get custody of children with Claudine Barretto

Nai-raffle na kaninang umaga, August 7, ang habeas corpus na isinampa ni Raymart Santiago sa Marikina Regional Trial Court upang makuha ang kustodiya ng dalawang anak nila ng asawang si Claudine Barretto.


Nai-raffle na ang habeas corpus na isinampa ni Raymart Santiago sa Marikina Regional Trial Court (RTC) para sa kustodiya ng mga anak nila ng asawang si Claudine Barretto.

Ang habeas corpus na isinampa ni Raymart ay na-raffle bandang alas-diyes ng umaga kanina, August 7.

Napunta ang kaso sa sala ni Executive Judge Lorna Chua Cheng ng Marikina RTC Branch 168.

Sa family law, ang habeas corpus ay isinasampa ng isang magulang kapag tinanggalan siya ng kustodiya ng kanyang anak ng isang "trial court o ex parte hearing."

Ang habeas corpus na isinampa ni Raymart ay tinatayang sagot ng aktor sa Temporary Protection Order (TPO) petition na inihain ni Claudine laban sa kanya noong July 29 sa sala ni Judge Geraldine Macaraeg ng Marikina RTC Branch 192.

May dalawang anak si Raymart kay Claudine: ang kanilang legally adopted daughter na si Sabina at ang kanilang biological son na si Santino.

Ang isang magandang katangian ng habeas corpus ay madali itong inaaksyunan ng korte, lalo na kung may mga batang sangkot sa kaso. Maaaring maglabas ng desisyon ang korte sa loob lamang ng dalawang linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN