Enzo Pineda wants to play bad-boy role on his next project

Ipinagmamalaki ni Enzo Pineda na napapansin na ngayon ang kanyang kakayahan sa pag-arte. Saad niya, “Sa mga past series naman na nagawa ko, hindi naman ako nabibigyan ng mabibigat na mga eksena. Simple lang kasi ang mga roles na bigay sa akin. Pero dito sa Kakambal Ni Eliana, mas binigyan ako ng mabigat na role na sobrang pinapasalamat ko, Lahat ng mga natutunan ko sa workshop namin ay isinapuso ko at sinabi ko sa sarili ko na ito na ang chance para maipak


Sa nalalapit na pagtatapos ng toprating afternoon drama series ng GMA-7 na Kakambal Ni Eliana, malaki ang pasasalamat ng StarStruck Season V First Prince na si Enzo Pineda dahil nabigyan siya ng pagkakataon na mapatunayan na kaya niyang gawin ang mga mabibigat na eksena.

Masasabi ni Enzo na ito ang pinakamalaking break niya sa larangan ng paglabas sa isang drama series.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Before kami magsimula noon sa Kakambal Ni Eliana, akala ko na hindi ko makakaya.

“Base lang sa sinabi nila noong story conference namin, dadaan ang character ko sa iba’t ibang dramatic situations.

“Sa mga past series naman na nagawa ko, hindi naman ako nabibigyan ng mabibigat na mga eksena. Simple lang kasi ang mga roles na bigay sa akin.

“Pero dito sa Kakambal Ni Eliana, mas binigyan ako ng mabigat na role na sobrang pinapasalamat ko,

“Lahat ng mga natutunan ko sa workshop namin ay isinapuso ko at sinabi ko sa sarili ko na ito na ang chance para maipakita ko na I can do drama.

“Noong kunan yung isang big scene, I was able to give the right emotions.

“Nagulat din sila sa set kasi akala rin nila, hindi ko magagawa nang tama.

“Tingin kasi nila sa akin, kulang pa sa life experience at dancing lang ang expertise ko.

“Nagulat sila na nagawa ko nang tama ang hinihingi ni Direk Dick Lindayag sa eksena."

Nakausap ng PEP si Enzo sa 17th floor ng GMA Network Center noong August 5.



GIVES UP TWO INDIE FILMS. Dahil sa Kakambal Ni Eliana ay dalawang indie films ang hindi nagawa ni Enzo. Hindi raw kasi niya kayang ipagsabay ang taping at pag-shoot ng indie film.

Saad ni Enzo, “Gusto ko sanang gawin kasi magaganda yung roles na in-offer sa akin. Yung isa pa naman, si Gil Portes ang director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero dahil pumasok nga yung teleserye, hindi ako maka-commit sa schedules na hinihingi nila sa akin.

“Aside kasi sa teleserye, I also have rehearsals for Sunday All Stars at may school pa ako. Kaya ang hirap talaga.

“Kaya yung mga indie films ang kailangan na i-let go ko. Pero hopefully, meron pa ring dumating na mga ganyang offers.

“Gusto ko kasing maranasan ang lumabas sa mga ganyang pelikula.

“Tsaka offbeat ang mga roles sa indie films, e. I want to give that a try balang-araw.”



THE EXPOSURE. Nauuso sa indie films ngayon ang may sexy na tema, may butt exposure, at frontal nudity. Kaya na ba ni Enzo na gawin ang mga ito kung required sa isang magandang role para sa isang indie film?

Sagot niya, “I see nothing wrong naman kung may ganyang mga eksena. Kung kailangan talaga at sobrang ganda ang role, bakit ko naman tatanggihan?

“Pero siyempre, maraming kailangan i-consider sa ngayon.

“The way kasi na bini-buildup ako ng GMA is on the wholesome side. May mga fans kasi ako na mga bata at ayoko namang magulat sila na biglang nagkaroon ako ng frontal nudity sa isang pelikula, di ba?

“Siguro paunti-unti tayo mag-change ng image.

“Ngayon kasi, dito muna tayo mag-concentrate sa mga projects na hindi ko kailangan na mag-expose ng anumang private body parts ko.

“When the right time comes, kailangan na rin nating mag-iba ng image. Hindi natin kailangan ma-stuck sa isang klaseng role.

“Kapag gumawa na ako ng ganung klaseng mga roles, it means na ready na ako para sa malaking pagbabago.”

Dahil sa gusto ni Enzo na gumanap sa offbeat roles, gusto sana niya sa next role niya sa isang teleserye ay gawin siyang bad boy.

Sabi niya, “Lagi na lang kasi akong good boy sa TV, di ba? Gusto ko maiba naman para makita nila ang versatility ko as an actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko nga ang role ni Kristoffer [Martin] dito sa Kakambal Ni Eliana, e. Yung astig at bad boy ang dating.

“Tsaka I want a different look sana. From the start kasi, ganito na ang hitsura ko, e. Yung clean-cut.

“Gusto ko naman yung medyo rugged naman, para lang maiba tayo sa paningin ng mga televiewers.”



KIM RODRIGUEZ. Noong magsimula ang Kakambal Ni Eliana, nabalitang type ni Enzo na ligawan ang bida ng teleserye na si Kim Rodriguez.

Pero hindi itinuloy ni Enzo ang kanyang panliligaw dahil mas gusto raw niyang maging magkaibigan muna sila ni Kim.

“Now, we’re very close at kapag magkaeksena kami, nagtutulungan kami parati.

“I am getting to know her more every day at natutuwa ako kasi nalaman ko na ang kuwento ng buhay niya, yung struggles ng pamilya niya.

“Nakaka-inspire ang kuwento niya sa maraming kabataan ngayon. Nasabi ko nga na yung buhay niya, puwedeng pag-teleserye at siya rin ang magbibida.

“Nakakabilib lang yung mga pinagdaanan niya. Tapos ngayon, nagbibida na siya kaya malaking pagbabago yun para sa kanya.

“All the pain and hardship that she went through was all worth it. Kaya natutuwa ako sa success ni Kim.”

Kaya nga nag-usap sila ni Kim na sabay silang mag-celebrate ng kanilang birthdays ngayong August.

Si Kim ay magna-nineteen sa August 14, samantalang si Enzo naman ay 23 years old na sa August 12.

Ayon kay Enzo, “We are planning to celebrate our birthday sa Boys Town. Gusto naming makasama ang mga bata roon at mapasaya sila on our birthday.

“Kesa naman na magpa-party kami, malaking gastos pa iyon.

“Mas magiging fulfilling ang birthday namin if we would share our blessings sa mga bata ng Boys Town.

“Okey naman yun kay Kim dahil nag-iisip nga siya kung saan siya mag-celebrate ng birthday niya para makapag-share siya ng mga blessings na natanggap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkataon na magkasunod pala kami ng birthday and we both love to be with kids.

“Kaya mga bata ng Boys Town ang makakasama namin sa birthday celebration naming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN