Marikina court grants TPO petition filed by Claudine Barretto against Raymart Santiago

Pinagbigyan ng Marikina Regional Trial Court ang petition for Temporary Protection Order (TPO) ni Claudine Barretto laban sa asawang si Raymart Santiago, habang ang aktor naman ay naghain ng habeas corpus para sa kustodiya ng kanilang mga anak.


Na-grant na ng korte ang hinihiling na Temporary Protection Order (TPO) ni Claudine Barretto laban sa asawang si Raymart Santiago

Sa ulat ng ABS-CBN News ngayong araw, August 7, ang paghaharap nina Claudine at Raymart sa Marikina Regional Trial Court kanina ay kaugnay ng TPO na hiniling ng aktres.

Ngunit ngayon daw ay balak na ng kampo ni Claudine na iakyat ito sa Permanent Protection Order (PPO) para diumano sa kanyang proteksiyon at sa dalawa nilang anak ni Raymart.

Matatandaang dumulog sa Marikina RTC si Claudine noong July 29 upang humingi ng TPO laban kay Raymart para maprotektahan diumano ang kaligtasan nilang mag-iina.

Dagdag pa sa ulat, nakasaad sa TPO ang pagbabawal kay Raymart "from inflicting physical, psychological, and mental abuse to Claudine and the kids."

Ayon pa sa kautusan ng korte, ipinagbabawal kay Raymart na lumapit "within 300 meters of Barretto, their children, their residence, and the children’s schools."

Pangatlo, hindi rin puwedeng makipag-communicate si Raymart kay Claudine, sa kanilang mga anak, at sa mga kasambahay.

Pang-apat, bawal ding magsalita si Raymart sa media tungkol sa kaso.



HABEAS CORPUS. Ayon naman sa isang mapagkakatiwalaang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), August 5 pa o dalawang araw na ang nakalilipas nang ma-grant ang TPO petition ni Claudine sa korte.

Dagdag pa ng source, bukas, August 8, gaganapin naman ang hearing para sa isinampang "writ of habeas corpus" ni Raymart para sa kustodiya ng mga anak nila ni Claudine.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News sa abugado ni Raymart na si Atty. Peter Sanchez, isinampa ng aktor ang naturang kaso dahil gusto niyang makita ang kanyang mga anak.

Sabi naman ni Raymart, “Lalabas naman lahat ’yan sa korte.

Nagpasalamat din ang aktor sa mga sumusuporta sa kanya kahit na may mga hindi magagandang alegasyon sa kanya si Claudine.

Aniya, “Gusto ko magpasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa akin, at mga taong naniniwala sa akin. Naniniwala ako na lalabas din ang totoo dito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw nagpa-interview si Claudine sa media.



THE COURT HEARING. Sa ulat naman ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5, "energetic" at "all smiles" daw si Raymart nang dumating sa korte kanina kasama ang mga kapatid na sina Rowell at Jun Santiago.

Pero nang maitanong dito ang tungkol sa asawang si Claudine, hindi na raw umimik si Raymart.

Pumuwesto raw si Raymart sa may pinakalikurang bahagi ng courtroom at nilingon naman daw ito ni Claudine.

Halos dalawang oras ang itinakbo hearing at luhaan daw at tahimik na lumabas ng korte si Claudine.

Pagkatapos ng hearing ay nagpaunlak na si Raymart ng maikling panayam para ipaabot ang kanyang mga mensahe sa mga anak.

Aniya, "I love you Sabina, I love you Santino.”

Ang nagpapalakas daw sa aktor ngayon ay ang kanyang pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN