Mike Tan says attraction between him and ex-girlfriend LJ Reyes is long gone

Walang sama ang loob ni Mike Tan kahit hindi siya nakapasa sa audition para sa role ni Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover. Aniya, “Hindi, masaya ako para sa show. Kaya ako wala doon, kasi para kay Tom yun, kasi kung manghihinayang ako para sa akin, ang pangit, parang nagiging bitter ako.”


Bilang isa sa mga lider ng sindikato ang ginagampanan ni Mike Tan sa afternoon soap ng GMA-7 na Mga Basang Sisiw. Malaking pagkakaiba sa mga ginagampanan niyang papel noon.

Pero ayon sa StarStruck 2 winner, masaya siya sa kanyang role.

“Okay naman ako, masaya naman ako.

“At saka ang mahalaga naman sa akin, may trabaho ako.

"Masaya kasi bago ang mga kasama ko, mga bata.

“Masaya na nakakatrabaho sila, nakakatuwa rin minsan na mga bata, minsan gusto mong bigyan ng pointers.

“Pero nakakahiya rin, baka sabihin nagmamarunong ako.

“Pero gusto ko rin kasi parang nakikita ko rin yung sarili ko dati.

“Pero kung ikukumpara ko sila sa akin noon, hindi ko sila mapapantayan, hindi ko sila matatapatan dahil magagaling sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike sa taping ng Mga Basang Sisiw sa isang subdivision sa Antipolo City noong August 2.



SUPPORTING ROLE. Naging leading man na si Mike sa mga nakaraan niyang teleserye sa GMA-7. Ayos lang ba sa kanya na hindi siya leading man sa Mga Basang Sisiw?

Sagot ng Kapuso actor, “Never naman pong nag-matter sa akin ang leading-man status.

“Ang importante naman sa akin, may trabaho ako. Kasi, di ba, empleyado lang ako ng GMA?

“Under ako ng GMA. Kung ito ang ibibigay sa aking trabaho, tatanggapin natin.

“Kung hindi ko nakuha yung My Husband’s Lover na pinag-audition-an ko at pinag-audition-an din ni Tom [Rodriguez], tatanggapin ko, kasi nag-audition tayo.

“Si Tom ang nakuha, ibig sabihin, para sa kanya ang role. Hindi para kay Mike Tan.”

Kapag nakikita niya ang tagumpay ngayon ng My Husband’s Lover, hindi ba siya nanghihinayang na hindi sa kanya napunta ang role?

“Hindi, masaya ako para sa show,” sagot ni Mike.

“Kaya ako wala doon, kasi para kay Tom yun.

"Kasi, kung manghihinayang ako para sa akin, ang pangit, parang nagiging bitter ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit hindi ko na lang siya tanggapin na hindi siya para sa akin, na hindi umugma sa akin ang character?

“Masaya ako para kay Tom, kay Carla [Abellana], kay Dennis [Trillo] dahil sa nagiging hype ng show.”



LOYALTY. May ilang artista na pagkatapos ng kontrata sa isang network ay nagdedesisyong lumipat sa iba.

Naiisip din ba ni Mike na mangibang-bakod kapag natapos na ang kontrata niya sa GMA-7?

Sabi niya, “Hindi ko po alam, hindi ko po kayang sagutin.

“Pero hangga’t nakapirma po ako ng kontrata, loyal po ako sa GMA.

"Never naman po akong nakaramdam ng pagpapabaya.”

Ito ay sa kabila ng pitong buwan daw siyang walang regular show, maliban sa mga regional shows at ang ginawa niyang Landas sa GMA News TV, bago naibigay sa kanya ang Mga Basang Sisiw.

Saad ni Mike, “Aaminin ko, iba rin po yung may regular ka, kasi sasabihin ko po, nakakapurol din po kapag matagal kang nabakante.

“Tapos, kung kailan ka may trabaho, saka ka rin biglang magkakaroon ng workshop, nagkasabay naman nang bigla—nakakatuwa lang po.”

Isa rin sa inaabangan ni Mike ay ang makagawa siya ng episode sa drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman.

Sabi niya, “Nag-request na ako.

"Sabi ko nga, kapag may magandang material, kapag may challenging na role, kung may disabled, mongoloid, autistic...

"Yung hindi lang basta drama, hindi lang basta umiiyak po.”

Yung buhay niya, puwede kayang pang-Magpakailanman?

“Siguro, puwede po, pero wala rin akong balak.

“Kasi, para po sa akin, kung anuman ang buhay ko ngayon, ito na po ang pinaka-private para sa akin.”

Hindi ba ito magiging inspirasyon para sa iba kung sakaling ibabahagi ang kuwento ng kanyang buhay?

Sabi ni Mike, “Siguro kung mag-i-stick talaga, kung ano lang ang nangyari.

“Siguro ganoon, siyempre may cinematic ano kasi…

"As of now, wala pa akong balak, masaya pa naman ako na nakatago siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GAY ROLES. Pagkatapos niyang mag-audition sa My Husband’s Lover at may dumating na offer na seryosong gay role, tulad ng kina Jake Cuenca at Jome Bascon sa indie film na Lihis, tatanggapin ba niya?

Tugon ni Mike, “Alam ninyo, sa workshop namin ngayon, parang nao-open ako sa mga roles na akala ko, hindi ko kayang gawin.

“May ginagawa kasi kaming workshop na ang tawag namin, Actors Lab.

“Nakakagulat lang din dahil may mga bagay pa pala akong kaya kong gawin, na kaya kong lagpasan kung anuman ang kakayahan ko ngayon.

“Palagi ko namang sinasabi na kung may ganoong klase ng role na io-offer sa akin, kung kaya ko, kung ganoon kaganda ang script, parang My Husband’s Lover, tatanggapin ko, gagawin ko.

“Tapos yung sa Lihis, wala akong masabi, ang ganda ng writing, ang galing ng director [Joel Lamangan].

“Ano ang rason para tanggihan ko ang ganoong klaseng palabas?

“Ngayon ko lang din nari-realize na bilang artista, may mga gusto ka pa palang gawin na hindi mo pa nagagawa.

“Parang gusto mo lang siyang i-explore na parang hindi ka kumpleto kung hindi mo ito nagawa.”



EX-GIRLFRIEND. Kinumusta rin ng PEP kay Mike ang pagsasama nilang muli ng kanyang ex-girlfriend na si LJ Reyes sa isang episode ng weekly show na One Day Isang Araw.

Biro namin kay Mike, wala bang nanumbalik na damdamin?

“Nanumbalik na asaran!” natatawang sagot niya.

Wala nang ilangan sa pagitan nila?

“Wala, kaming dalawa lang naman ang mag-uusap doon.

"Puro mga bata [kasama namin], kaya kaming dalawa talaga ang magkakausap at kamustahan.”

Kinumusta ba niya ang buhay ni LJ ngayon?

Sabi ni Mike, “Medyo ayoko pong pag-usapan ang buhay kapag alam kong sensitive.”

"Sensitive" ba ang buhay ni LJ ngayon?

“Hindi, hindi... masaya siya.

"Ayoko lang din masira yung moment na okay kami, nag-uusap kami, na baka kapag pinasukan ng personal, malungkot, ma-off—yun lang naman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinumusta ko naman siya. Nakangiti lang naman siya sa akin, tapos sabi niya, ‘Bakit lagi ninyo akong kinukamusta?’

“Sabi ko, ‘Kinumusta lang naman kita.’

"Pero masaya naman siya, parang walang problema, walang pinagdadaanan.

“Pero kilala ko naman na yun, ganoon na dati pa. Hindi nagdadala ng problema sa trabaho.”

Nakikita niya ngayon si LJ na maganda at sexy. Wala na bang atraksiyon?

Sagot ni Mike, “Wala na, magkaibigan lang po talaga kami.

“Kung magiging palagay siya na mag-share ng mga problema sa akin, okay lang, walang problema.”

Dagdag niya, “Siyempre, maganda siya ngayon.

“Bilang lalaki, nagagandahan ka, pero siyempre, yung sa amin naman ni LJ, past na namin yun.

“Pero hindi ko tatanggihan kung magkakaroon kami ng show muli, magaan katrabaho si LJ.

“Gusto ko siyang makasama ulit na ganito na ang edad namin, parang nakaka-excite.

“Aminin natin, si LJ, nagkaroon na ng award ‘yan, gusto kong malaman kung paano na siya umarte kapag kasama ko, ano na ang lalim na ipapakita niya. Yung ganoon po.”



DREAM PARTNER. Sa ngayon, sila ni Maxene Magalona ang magkapareha sa Mga Basang Sisiw.

Para kay Mike, isa si Maxene sa leading ladies na kumportabe siya at masaya siyang katrabaho.

Pero maliban kay Maxene, noon pa sinasabi ni Mike na si Marian Rivera ang isa sa pangarap niyang makapareha.

Sabi niya, “Kahit naman siya [Marian], alam niya.”

Sinasabi niya nang personal kay Marian?

“Hindi, hindi ko sinasabi sa kanya, pero nakakagulat lang din, si Marian pa ang…

“Isang beses kasi, sabi niya sa akin, ‘Uy, nabasa ko yun, ha? Malay mo.’

“Sabi niya sa akin, ‘Malay mo, malay natin… sana.’”

Bakit si Marian ang gusto niyang makapareha?

“Hindi, alam ko kasi ang kakayahan ni Marian.

“Hindi pa man din siya Marian Rivera noon, napapanood ko na siya, Marian Rivera na siya, kilala ko na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasubaybayan ko rin kung saan siya nagsimula, sa Marimar, nakita ko lahat yun, nandoon ako, nasubaybayan ko.

“Sabi ko, ’Ang sarap kapareha ng taong ito, ang sarap lang umarte kasama ng taong ito.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN