Rodjun Cruz surprised by viewers’ response to his appearance on My Husband’s Lover

Unang labas pa lang ni Rodjun Cruz sa GMA-7 primetime soap na My Husband’s Lover ay lumikha na ng ingay sa mga manonood, kaya naman ipinagpapasalamat ito ng young actor. Saad niya, “Siyempre, ang tagal ko na rin pong hindi lumalabas sa soap, tapos paglabas ko, parang ang ganda po agad ng mga sinasabi sa Twitter, sa Instagram. So sobrang nakakataba ng puso. Kahit yung mga taong sumusuporta sa akin dati tsaka yung ibang hindi rin nakakakilala sa akin


Career move ang dahilan ng young actor na si Rodjun Cruz kaya siya lumipat ng ibang talent manager.

Mula kay Noel Ferrer ay nasa pangangalaga na siya ngayon ni Leo Dominguez.

“Opo, kay Sir Leo, magwa-one year pa lang po ako,” banggit ni Rodjun nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Raketeros nitong Martes, August 6 sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

Ano ang nangyari sa kanila ng dati niyang manager?

Sabi ni Rodjun, “Okay naman po kasi nagkaroon po ako ng album na sakto noon, kagrupo ko noon sina Edgar [Allan Guzman].

"Tapos nagka-show rin po ako ng Bangis [sa TV5].

“Pero after po noong time na yun, siyempre gusto ko rin po mag-grow para mas magkaroon pa ng magagandang trabaho tsaka opportunities.

“So kinausap ko nga po si Tito Leo Dominguez, so iyon po.

“Pero nakapagpaalam naman po ako nang maayos kay Sir Noel.”

Pumayag naman daw agad si Noel.

“Oo naman po, kinausap ko rin po siya, kasi medyo after kasi noong Bangis, medyo matagal din po akong nawalan ng trabaho.

“Halos mga six months, eight months, e.

"Siyempre ang tagal ko na rin po dito sa showbiz , gusto ko ring mag-grow, di ba?

“Parang, hindi na rin ako bumabata, matanda na rin ako.

"Siyempre mas gusto ko po mas madaming trabaho and opportunities.”

Sabi pa ng 25-year-old actor, siya mismo ang nakipag-usap kay Leo.

“Si Tito Leo po talaga, na gusto po ako ni Tito Leo.

"So, sinabi sa akin ni Tito Bernard Cloma na gusto akong i-manage ni Tito Leo.

“Nag-set po ng meeting, so nakapag-usap po kami ni Tito Leo at maganda nga po yung plan niya sa akin.

"So, siyempre, why not po i-grab ko yung opportunity?”



MACHO GAY. Ang unang opportunity na naibigay sa kanya ay ang papel niya bilang Martin toprating primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay gumaganap siya bilang bagong love interest ni Eric, played by Dennis Trillo.

Sabi ni Rodjun, “Iyon na nga po, so isang malaking blessing din yun, kasi nagulat din po ako sa response ng mga tao na kumbaga, di ba?

“Siyempre, ang tagal ko na rin pong hindi lumalabas sa soap, tapos paglabas ko, parang ang ganda po agad ng mga sinasabi sa Twitter, sa Instagram.

“So sobrang nakakataba ng puso.

"Kahit yung mga taong sumusuporta sa akin dati tsaka yung ibang hindi rin nakakakilala sa akin, kumbaga, napansin din po ako doon sa paglabas ko.”

Paano napapayag si Rodjun na gumanap bilang isang gay sa unang pagkakataon sa isang project?

“Parang ang role ko po kasi, kumbaga, yung tago.

"Yung kilos ko pa rin lalaki, pero ang hinahanap ko din, ano din, lalaki.”

Parang ang role niya ay tulad ng kay Tom Rodriguez, na gumaganap bilang si Vincent.

“Oo, parang ganoon,” pagsang-ayon ni Rodjun.

Si Dennis naman, bilang si Eric, ang mas out.

Patuloy ng kapatid ni Rayver Cruz, “First ko po, napapayag naman po ako agad.

"Kasi noong sinabi sa akin na, ‘Rodjun, kinukuha ka ng My Husband’s Lover.’

“So naisip ko na, siyempre, kumbaga ang daming nanonood noon, balita ko na sobrang lakas, so magandang opportunity yun.

“Na kahit guest lang o appearance lang, isang opportunity na yun, so tinanggap ko po agad.

“Hindi ko na inisip dahil, kumbaga, gusto ko ring ipakita yung pagka-versatile ko as an actor.”

Magkakaroon ba sila ng intimate scenes ni Dennis?

Sabi niya, “If ever meron, okay naman po.

"Kasi siyempre, alaga naman po kami ng staff and crew, ni Direk Dom [Dominic Zapata], yung direktor namin sa My Husband’s Lover.

“Sobrang magaan magtrabaho sa kanila, kasi professional yung lahat.”



INTIMATE SCENES. Tame ang intimate scenes sa telebisyon. Paano kapag daring scenes na sa pelikula at kapwa niya lalaki rin ang kaeksena niya, papayag rin ba si Rodjun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Ano po, kasi dati hindi talaga, e.

"Pero ngayon siguro, kunyari maganda talaga yung story, kahit ano lang siguro, kahit smack lang siguro, ganoon.

“Hindi ko pa rin talaga kaya yung ano [torrid].

“Basta maganda yung ano, ha... yung mismong story, magaling yung direktor.”

What about nude scene?

“Pag maghuhubad, ayan topless, shorts.”

Hindi pa rin daw siya nag-e-endorse ng underwear.

Kapag may eksena sa pelikula na underwear lang ang suot niya, papayag ba siya?

“Puwede siguro naka-boxer briefs, naka-trunks, ganyan.”

Kung butt exposure?

“Hindi ko pa naisip!” natawang sabi ni Rodjun.

“Siguro kung may project na parang Magic Mike, puwede kong gawin yun, yung parang ganoon.

“Kung ganoong style po siguro, mga Magic Mike, puwede kong gawin yun.”



PRESSURE. Madalas niyang kaeksena sa My Husband’s Lover si Dennis Trillo na kilala sa pagiging isang mahusay na aktor. Hindi ba siya nahihirapang sumabay dito? Wala bang pressure kay Rodjun?

“Ako po kasi, hindi ko iniisip na ito… alam ko na magaling lahat sila, pero kasi pag inilagay mo yun sa isip mo na ganoon, mape-pressure ka.

"So parang baka maiba pa yung style ng acting mo, mawala ka pa sa character mo, sa role mo.

“Hindi ko iniisip yun kasi nakilala ko rin si Dennis, mabait din siya.

“Nagkikita na kami, pero first time kong makaeksena, e.

"Sobrang mabait, tsaka ano din siya, professional, e, so siyempre nakikipagsabayan din ako sa kanila.

“Tsaka kumbaga, ang tagal ko na rin dito sa showbiz, ang dami ko na ring nakasama na magagaling na artista.

“So ano na yun, e, parang sa bawat artista, may natututunan ako.

"So kumbaga, nagagamit ko rin yun kapag kaeksena ko yung ibang mga artista.”



BROTHER RAYVER. Ano ang masasabi ni Rodjun sa opinyon ng iba na dahil sa My Husband’s Lover ay mas sikat na siya ngayon sa kapatid niyang si Rayver Cruz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumawa muna si Rodjun bago sinabing, “Hindi, hindi po, hindi po totoo yun!

"Ano lang siguro, thankful lang din.

“Pero hindi, kasi si Rayver talaga, ano e, kumbaga may darating din siya na show, madami siyang ginagawa at tsaka magaling din talaga.

“Sa nangyayari sa akin ngayon, sobrang thankful ako dahil madami pa ring tao na nagmamahal tsaka yung nakaka-appreciate sa akin, so sobrang blessed talaga.”



GIRLFRIEND DIANE. Going strong pa rin ang relasyon ni Rodjun at ng kanyang girlfriend na si Diane Medina.

Anim na taon na silang magkasintahan, ano ang sikreto ng tumatagal nilang samahan?

Sabi ni Rodjun, “Yung sikreto lang siguro, alam mo kung paano, kasi iba naman yung work tsaka sa lovelife.

“Tsaka ano lang kayo, support ninyo lang ang bawat isa, suportahan lang kami sa dreams ng bawat isa.”

Ayon kay Rodjun, mula Lunes hanggang Biyernes na napapanood si Diane bilang newscaster sa government channel na PTV 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN