Janna Victoria on showbiz comeback: “Sa dami ng mga artista, hindi ka dapat mamili lalo kapag nagsisimula ka uli.”

Ibang klaseng paghahanda ang ginagawa ni Janna Victoria sa pagbabalik niya sa showbiz. Sabi niya: “Hindi lang naman kailangang ipakita mo ang katawan mo, kailangang ipakita mo kung ano yung talent mo.”


Ramdam ni Janna Victoria na nakabalik na siya uli sa showbiz circulation matapos rumampa sa nakaraang FHM 100 Sexiest Women of the World.

Matatandaang inilunsad noon si Janna sa pelikulang Lagarista (2000) na pinagbidahan nila ni Piolo Pascual, at nakasama rin siya sa reality-based show ng GMA-7 na 30 Days (2004).

Huli siyang napanood sa GMA-7 fantaserye na Atlantika (2006) bago siya nagsilang noong 2007.

BACK TO FHM. Ang huling paglabas ni Janna sa FHM ay noong March 2000 pa, kaya biro tuloy ng ilan, kung kailan siya nagkaanak ay saka naman lumakas ang loob niya na rumampa uli sa annual party ng men’s magazine.

Sa pagrampa niya sa FHM event noong nakaraang buwan ay naging usap-usapan ang pagsusuot niya ng mala-see-through gown na silhouette ang effect.

Nag-iwan ito ng espekulasyon na sinadya ito ng FHM na sa halip na sexy ang ipinasuot sa kanya, balot na balot pa rin ang kanyang katawan.

Dinepensahan ni Janna ang FHM sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Aniya, “Actually, at that time, I was ready naman to wear anything.

“Pero ipinasuot nila sa akin yung see-through.

"Sa akin, okay lang naman na see-through basta may cover a little bit.

“I mean, kahit see-through, pero class.

“Hindi naman kailangang ipakita lahat para there’s more to show pa, yun bang may mystery pa rin, di ba?”



GETTING READY. Pero handa raw magpa-sexy ulit si Janna.

“Of course, but I’m a mom. I’m waiting for mature roles, you know, but I’m ready.

“Hindi lang naman kailangang ipakita mo ang katawan mo, kailangang ipakita mo kung ano yung talent mo.”

Ready na si Janna na bumalik sa showbiz pero napapangunahan ng impression na hindi pa siya handa dahil sa pagkakaroon niya ng lovelife.

Giit niya, “I’ve been ready naman talaga, akala lang nila I’m in love, but I’m not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Right now, I’m focusing on this job.

"I miss this work, which is acting, gusto ko talagang sumabak na sa trabaho."



SINGLE STATUS. Nilinaw ni Janna na wala siyang boyfriend sa kasalukuyan.

Pero ikinasal ba siya?

Sagot niya, “No, I was engaged to get married but I called it off.

“Noong 2010 dapat ikakasal ako, but hindi ko na itinuloy.

“I was in a relationship since 2006, then 2010 hiwalay na kami.

"So, officially, 2010 single na ako.”

Ang tinutukoy ni Janna na dapat niyang pakakasalan ay isang non-showbiz businessman na kamag-anak ng actor-politician na si Robert Ortega at ng TV producer and director na si Kitchie Benedicto.

Ang lalaki ring ito ang ama ng anak ni Janna.

Ano ang nangyari at tumalikod siya sa kasalan?

Tugon ng aktres, “Wala lang, siguro yung mga differences.

“Pero what is important now is we’re friends, we’re partners with our daughter.

"We still talk for the sake of my child."

Wala namang mairereklamo si Janna sa ama ng kanyang anak dahil suportado naman daw nito ang bata.

Paliwanag pa niya, “We’re friends, may mga differences lang.

“Hindi na kayo… why will you end up hating each other kung puwede namang maging magkaibigan?”

Ngayong single na siya uli at nanatiling sexy, ready na ba siyang ma-in love uli?

“If the right time comes, yeah,” sagot ni Janna.

“Pero ang importante ngayon, and my priority now is my work and my daughter and my family.”



SECOND OPPORTUNITY. Ayon kay Janna, limang taong gulang na ang kanyang baby girl kaya kailangan na rin niyang paghandaan ang kinabukasan nito.

“Kaya nga itong ikalawang opportunity kong ito sa aking pagbabalik, hindi ko na pakakawalan.

“Boss Vic [Del Rosario] is giving me the chance.”

May project na ba siya sa Viva?

“Right now, puro mga workshops pa lang muna. And I think he’s preparing me for something, I can’t tell you yet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako, I’m willing to do any roles.

“Sa panahon kasi ngayon, sa dami ng mga artista, hindi ka dapat mamili lalo kapag nagsisimula ka uli.

“Ang pinaka puhunan ko lang is my eagerness, my sincerity, yung drive ko to work again.

“Feeling ko talaga, maibibigay ko yung best ko para hindi naman mapahiya yung mga taong tutulong sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN