Solenn Heussaff settles issue with the BIR

Malaki raw ang natutunan ni Solenn Heussaff sa tax evasion case na isinampa laban sa kanya ng BIR. Sabi ng Kapuso star, “Never akong nag-collect ng OR [official receipt] dati. For me, dati, walang bisa yung mga gano’n. Pero ngayon, I collect ORs. I keep it every month. Ngayon, I try to check and understand yung mga nagaganap… I try to monitor."


Ngayong gabi, August 8, ang launching ng Bench Body para sa bago nilang endorser na si Solenn Heussaff.

Gagawin ang launching sa Playground o basement ng Bench Tower na matatagpuan sa Bonifacio Global City, Taguig.

Ilang araw bago ang launching ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa GMA Network at nagpahayag ito ng kasiyahan sa dumagdag na opportunity sa kanyang showbiz career.

“Masaya ako kasi makakasama ko na lahat ng mga friends ko,” banggit ni Solenn sa mga kaibigang sina Isabelle Daza at Georgina Wilson, na parehong endorsers ng Bench.

Pinag-usapan ba nila nina Isabelle at Georgina na magsama-sama sila sa iisang endorsement?

Sabi ni Solenn, “Hindi naman lahat, etong pangalawa lang actually.

“Yung first, kasama ko sina Georgina and Anne [Curtis]. Eto ngayon, halos lahat ng friends ko, nandun lahat sa Bench.

“So, super happy, para yung work kasama rin ang fun.”

BLOOMING CAREER. Hindi maipagkakailang napakabango ng showbiz career ni Solenn ngayon.

Kasama si Solenn sa upcoming soap ng GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas. May existing cooking and lifestyle show siya sa GMA News TV kasama si Isabelle. At halos mapuno ng mukha niya ang buong EDSA sa mga naglalakihang billboards ng endorsements niya.

Tila inilalatag lahat sa kanyang paanan ang mga malalaking opportunities.

Paano niya nagagawa ito?

Pahayag ni Solenn, “Wala lang, hindi ko alam kung bakit, e.

“Hindi ko alam. Basta, hindi ako yung taong nagpa-plan.

“For me, whatever comes along, goes along.

“Tapos lagi, I treat people with respect. Be professional. That’s very important.”

Natutuwa raw si Solenn sa mga malalaki niyang larawan sa busy areas sa buong Metro Manila.

Sabi niya, “Hindi naman ako nag-try, pero good. Whatever comes my way, I take it with open arms.”

Sinasabi nga ng iba na blessed masyado si Solenn dahil bukod sa maganda ito, ipinanganak na mayaman, happy ang lovelife, kaliwa’t kanan pa ang projects niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Solenn, wala naman siyang ginamit na “magic” para makuha ang lahat ng ito.

Biro pa niya, “Sana nga may magic ako para mag-dance ako. Gusto ko talagang mag-dance.

“Yun ang pinakamalaking gusto kong gawin, pero super bad ako sa dance.”



BIR ISSUE. Yun nga lang, kahit blooming ang career nito, hindi nakaligtas si Solenn sa isyu ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Matatandaang noong Abril ay sinampahan ng BIR ng tax evasion case si Solenn.

(Read: BIR files tax evasion case against Solenn Heussaff)

Kumusta na ang tax issue nito sa BIR?

“Okay naman, we’re still working on it, it’s still in the process,” sagot ng Kapuso star.

Ayon sa ahensiya ng pagbubuwis, hindi maayos at hindi tama ang mga impormasyong naitala ng actress-TV host sa kanyang tax returns noong 2011, kung saan idineklara nitong ang kanyang gross income ay P6.73 million pesos lamang at taxable income na umabot naman sa P3.3 million pesos.

Mababawasan ba yung amount na dapat niyang bayaran sa tax?

“No, I want to pay the full amount,” sabi ni Solenn.

Paniwala ng marami sa showbiz, lahat ng mga sikat na artista ay dumadaan sa ganitong issue sa BIR.

Saad naman ni Solenn, “Kasi siyempre naman, gusto nilang gawing example. So, yun.

“Pero okey naman if I pass through it. At least now, alam ko naayos na ang papers ko.

“Dati hindi ko alam. Hindi ako masyadong numbers kasi.”

Dagdag niya, “Ako, naayos ko nang lahat. Pero since nasa court na yung case, dapat ang court na ang mag-cancel or not.

“Pero lahat, ayos na.”

Ano ang natutunan niya sa problema niyang ito?

“Not to trust people a hundred percent.

“Kasi ako naman, just be more… Kasi ako, medyo… pagdating sa papers, hindi ko maintindihan yung accounting.

“Never akong nag-collect ng OR [official receipt] dati. For me, dati, walang bisa yung mga gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, I collect ORs. I keep it every month.

“Ngayon, I try to check and understand yung mga nagaganap… I try to monitor.

“Kasi dati, hindi ako nagmu-monitor.”

Ano ang mensaheng gustong iparating ni Solenn sa mga kapwa niya artista na posibleng dumaan sa ganitong problema?

“Get a good accountant. Try to understand the papers.

“Pero sana, nagkaroon ako ng due process from the BIR.

“Walang due process. So, yun. Pero naayos na naman.

“So, parang no need naman to be in public and everything. Pero it’s done, it’s done.

“I’ve learned and kailangan kong maayos yung papers ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN