Benjamin Alves admits to dating Janine Tugonon: “We go out, wala namang masama doon porke’t artista kami.”

Benjamin Alves on Dennis Trillo’s portrayal in My Husband’s Lover: “I’ve seen some episodes and it’s really acting. For Dennis to be like that, in between takes, ang hirap bumalik sa ano na yun. The whole time, immerse ka sa ganoong culture, for the whole day.”


Naging matunog ang pangalan ni Benjamin Alves upang masungkit ang Best Actor award sa Directors Showcase category ng Cinemalaya Independent Film Festival.

Pero nasorpresa ang marami nang magdesisyon ang jurors na huwag magbigay ng award for Best Actor, sa Directors Showcase category, sa nakaraang Cinemalaya awards night na ginanap noong Linggo, August 4, sa Cultural Center of the Philippines.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa isang pocket interview sa Fleur de Lys Bakeshop sa Tomas Morato, Quezon City noong Martes, August 6, tinanong namin kung na-disappoint ba siya sa pangyayari.

Sagot ng Kapuso actor, “I was surprised but they have their reasons.

“Because the Directors Showcase has only five movies, although there are actors like Paulo Avelino and... I think Paulo is way more deserving.

“I am surprised but hindi ko alam ang process.”

Dagdag niya, “Actually, we were shooting Sana Dati, March or April, and napanood ko siya... ano na ba ngayon, August?

“So, April to August, nakapag-workshop na ako, nakapag-taping na rin ako nang matagal-tagal.

“Somehow, you learn things na you wished, ‘Sana when I was filming Sana Dati, sana nailagay ko ito.’

“Naiba na ang mata mo from April to now.

"I guess, that’s how some actors see themselves when they watch their work from a previous year.

“So, when I watched Sana Dati, gosh, parang ang dami ko sanang puwedeng i-improve!”



IMPROVEMENT. Hindi ba siya naging masaya sa napanood niya?

“No, I was happy," sabi ni Benjamin.

"It’s just that maganda yung nakikita mo na when you see something you learned, something from what you’ve done.

“But I am very happy with the movie, the way Jerrold Tarog wrote and approached the story.

“Non-linear siya at magmumukha talaga kaming tatlo na may gusto kay Lovi.”

Maituturing niya ba na ito ang pinakamalaking pelikula niya to date?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Well, I’m glad that I was able to do it.

"It won eight awards—Best Director, Best Film...

“Nakakatuwa lang, I still have the hangover from it. Tuesday na, pinag-uusapan pa namin.”



BACK TO GMA-7. Masaya naman si Benjamin sa pagiging Kapuso niya. Nakaka-isang taon na raw siya rito simula nang magbalik siya sa showbiz.

“Since I graduated... I graduated month of May, then pagkatapos noon, nakabalik ako ng showbiz, nakagawa ako ng soap.

“I had two soaps, Coffee Prince and Unforgettable.

"I had Guni-Guni, Sana Dati. I’ve done Ride to Love but it hasn’t aired yet.

“Sobrang daming blessing na yun para sabihin pang kulang yun.

"I’ve been really, really blessed.”

Aminado si Benjamin na sa Kapuso network talaga siya nakikilala ng mga tao.

“Oh, yes, yes,” pagsang-ayon niya.

Dalawang buwan pa lang mula nang matapos ang Unforgettable at sanay siya nadalawang buwan lang ang pinaghihintay niya para sa panibagong soap.

Sabi ni Benjamin, “Noong Coffee Prince, two months din yun.

“Nagkataon lang na Christmas noon kaya hindi gaanong napansin, I was able to go home.

“Pero ngayon din, I was able to leave, I went to L.A., nag-judge kami ng Binibining Pilipinas-USA with Jonas [Gaffud].

“Ang sarap ng buhay ko, nagdya-judge ako ng pageant!” natatawang sabi pa niya.



GAY ROLE. Kung sakali at gumawa muli ng mala-My Husband’s Lover ang GMA-7, willing ba siyang gumanap ng ganoong karakter?

“Why not, why not? Role naman lahat ‘yan,” walang gatol niyang sagot.

“Ako naman, basta maganda ang story, although I don’t think I’m ready for it.

“Mahirap yung… I’ve seen some episodes and it’s really acting.

“For Dennis [Trillo] to be like that, in between takes, ang hirap bumalik sa ano na yun.

“The whole time, immerse ka sa ganoong culture, for the whole day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga roles ko na dati, abogado pa lang, nahihirapan na ako, yung language, how much pa yun, di ba?”



JANINE AND JANINE. Nali-link ngayon si Benjamin sa beauty queen na si Janine Tugonon, na kasama niya sa Mercator ni Jonas Gaffud.

Sabi ng aktor, tungkol dito “I say we go out, wala namang masama doon porke’t artista kami.

“Para namang big deal kung lumabas kaming dalawa.

“If we were fifteen [years old], then that could be a big deal. E, we’re of age naman na.

“Mahirap pangunahan yung ganoong bagay.”

Biro namin, hindi kaya nag-break si Janine at ang non-showbiz boyfriend nito dahil sa kanya?

“Grabe naman, of course not naman!” ang natatawang reaksiyon ni Benjamin.

Dagdag niya, “We’re friends.”

Gaano na sila katagal na “friends?”

“I’ve known her since pumasok ako kay Jonas. I think, she was starting training with Jonas then.

“So, I’ve known her then, pero this recently lang… it’s been fun.

“If there’s something, I won’t deny naman.

"Nakikita ninyo naman na lumalabas kami.”

Kung off-cam ay nali-link si Benjamin kay Janine Tugonon, mukhang off-cam ay isa pang Janine ang maaring ma-link sa kanya.

May balita kasi na sila ni Janine Gutierrez ang magkakapareha sa susunod niyang teleserye.

“Oh, yeah, sana nga matuloy.

“Janine is a nice person. I’ve known her from Party P [Pilipinas], I think, she’s really nice.

“Janine and Janine!” natawang sabi ni Benjamin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN