Sam Milby contradicts speculation that Huwag Ka Lang Mawawala will end because of poor ratings

"Sinong nagsasabi na mababa ang ratings? Every time that I check on the ratings, sobrang taas ng ratings namin, so obviously it’s not true," sabi ni Sam Milby sa usap-usapang kaya mawawala na sa ere ng Huwag Ka Lang Mawawala ay dahil sa mababang ratings daw nito.


Huling dalawang linggo na ng ABS-CBN primetime series na Huwag Ka Lang Mawawala. Bida rito sina Judy Ann Santos, KC Concepcion, at Sam Milby.

Nagsimula itong umere noong June 17 at magtatapos na sa August 23.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Sam, itinanggi nito na hindi ratings ang dahilan kung bakit tatapusin na ang kanilang programa.

Sabi ng actor-singer, “Yung ratings? Sinong nagsasabi na mababa ang ratings?

“Every time that I check on the ratings, sobrang taas ng ratings namin, so obviously it’s not true.”

Ang tinutukoy ni Sam ay ang nationwide ratings na nakukuha mula sa TNS-Kantar Media, kung saan lamang ang Huwag Ka Lang Mawawala sa katapat nitong programa sa GMA-7, ang My Husband’s Lover.

Dagdag niya, “The original plan is thirteen weeks lang yung teleserye namin, one season.

“Ako, actually, I was hoping na mag-e-extend.

“Nag-e-enjoy naman ako and sobrang happy sa feedbacks and everything.

“And mataas ang ratings namin, so lahat kami, sobrang saya.

“Parang after a year of taping, nakakalungkot na matatapos na kami, last two weeks.

“Basta sobrang thankful ako sa project na ito, working with Juday and everyone.

“Sobrang thankful ako kay Juday talaga, to sacrifice para sa aming lahat, how she believes on us and in this project also.

“Kay Sir Deo [Endrinal] and everyone, dahil sa project na ito, I was able to push myself more.”

Malungkot man sa pagtatapos ng Huwag Ka Lang Mawawala, masaya raw si Sam na isang magandang serye ang iiwan nila sa publiko.

“Ako, proud talaga ako sa role na ito.

“Masaya naman kung tumagal ng kaunti, yeah.

"But, at the same time, magiging masaya ‘coz I have a feeling, sa ganda ng story, I think we’ll end on a high note.

“Matatapos na, it’s really a great story na ako, when I got to watch, pati ako nae-excite din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy ako na everyone is enjoying the show.”

MOVIE WITH ANNE AND CRISTINE. Ang Huwag Ka Lang Mawawala ang huling teleserye na gagawin ni Sam ngayong taon dahil magku-concentrate muna siya sa pelikula na pagsasamahan nila nina Anne Curtis at Cristine Reyes.

“I’ve done two seryes this year, Kahit Konting Pagtingin and Huwag ka Lang Mawawala.

“But movie, yeah, mag-i-start na kami this week. It’s a movie with Cristine.

“Nag-Your Song kami, but never pa kaming nagka-pelikula talaga or teleserye, so exciting."

Dagdag ni Sam, “I’m excited din, of course, to work with Anne again.

“It’s been four years. Babe, I Love You, yun ang last project namin.

“I think we owe it to our fans din, we want to share this to our fans who’s supporting both of us.”

Hindi kaya magkaroon ng ilangan sa kanila ni Anne dahil sa naging relasyon nila noon?

Sabi ni Sam, “Ngayon, mas okay na kami. Siyempre, may time na nagkailangan.

“Actually, nangyari na, nung Babe, I Love You, kabi-break pa lang kami, nahirapan talaga kami sa set.

“Wala nang ganun, sobrang okay na talaga kami.

“It’s fun doing the movie.”

Hindi kaya manumbalik muli ang pagtitinginan nila sa isa’t isa?

Ayon kay Sam, “Hindi puwedeng mangyari yung closeness.

“We can really get along, we have fun on the set, but we can’t be close.

"I have respect to their relationship din siyempre.”

Ang tinutukoy ni Sam ay ang relasyon ni Anne ngayon sa boyfriend nitong si Erwan Heussaff.

Paano kung mayroon silang kissing scene or love scene sa pelikula? Hindi rin ba sila maiilang?

“I don’t think so, hindi. We are both professionals,” sagot ni Sam.

Inaasahan na rin daw ni Sam na sa pagtatambal nilang muli ng ex-girlfriend ay maaaring mabuksan o maintriga muli ang kanilang nakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mangyayari at mangyayari yun, expected ko na."

Pero aniya, “It’s not gonna affect us and our movie will be a fun.”



LOVELESS AT THE MOMENT. Sa ngayon ay wala raw girlfriend si Sam, ngunit naniniwala siya na darating din ito sa tamang panahon.

“All good things come to those who wait,” sambit niya.

Samantala, sa isang interview ng singer na si Angeline Quinto ay nabanggit nito na si Sam daw ang isa sa pinagselosan ni Coco Martin nung panahong sobrang close pa silang dalawa.

Ayon naman kay Sam, walang dapat ipagselos ang kahit na sino sa kanya dahil magkaibigan lang talaga sila ni Angeline.

“I got interviewed about this before and I just find it funny.

“Hindi ko alam ang nangyari sa kanila, ayokong madamay.

“Angeline and I, everyone knows this, she always said this naman, friendship lang talaga ang sa amin.

“I would know about that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN