Kris Bernal finally returns to primetime drama after nine months

Muling mapapanood si Kris Bernal sa primetime sa pamamagitan ng Prinsesa Ng Masa, na magkatulong na ipoprodyus ng GMA-7 at Avon Philippines. Noong August 7 ay nagkaroon ng formal agreement sa pagitan nina Bob Briddon (kaliwa), president for Avon Philippines and Asia Pacific, at Atty. Felipe Gozon, president and CEO of GMA Network, para sa pagbibidahang soap ni Kris.


Matagal nang hindi napapanood ang Kapuso young actress na si Kris Bernal sa anumang teleserye ng GMA-7.

Kung matatandaana, ang huling ginawang teleserye ni Kris ay ang Coffee Prince na nagtapos noong November 2012.

Pero ngayon ay sisimulan na ang matagal nang pinaplanong pagbibidahan niyang teleserye, ang Prinsesa Ng Masa.

Noong nakaraang August 7, Miyerkules, ay nagkaroon ng formal agreement ang GMA-7 at ang Avon Philippines para sa isang partnership sa pagpo-produce ng Prinsesa Ng Masa, na magkakaroon ng premiere telecast sa September 23.

Present sa contract-signing sina Atty. Felipe Gozon, president and CEO of GMA Network; Bob Briddon, president for Avon Philippines and Asia Pacific; at si Kris.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris, sinabi nitong masayang-masaya siya dahil magkakaroon na siya ng teleserye pagkatapos ng higit na siyam na buwan.

Matagal na raw sinabi sa kanya ang tungkol sa Prinsesa Ng Masa, pero inayos pa raw ang negotiations with Avon Philippines kunsaan magiging celebrity endorser din si Kris ng mga produkto nila.

Sabi ni Kris, “Akala ko nga aabutin ng isang taon bago ako makapag-teleserye ulit.

“Kasi nga naman, November pa last year ang huli kong show. Kaya napraning din ako, di ba?

“Pero nagkaroon naman ako ng maraming time with my family. Nakapagbakasyon kami sa Europe for almost a month. Marami kaming pinasyalan na mga cities doon.

“Pagbalik ko naman, hindi naman ako nawalan ng guestings.

“Like sa Maynila, the whole month of July, ako ang naging bida sa mga episodes nila. Tapos dumating nga ang Sunday All Stars.

“Kailan lang ay nanggaling ako ng Canada kunsaan nagkaroon kami ng show doon ni Aljur [Abrenica] para sa Pista Sa Nayon 2013 in Montreal.

“First time kong makapunta roon at nagpasaya kami ng mga kababayan natin sa Montreal.”

INSPIRATIONAL. Ikinatutuwa ni Kris na siya ang napili para maging bida sa Prinsesa Ng Masa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga pinagbidahang teleserye ni Kris sa Kapuso network—tulad ng Dapat Ka Bang Mahalin?, All My Life, Koreana, Time of My Life, at Hiram Na Puso—ay nagpakita siya ng kanyang versatility bilang aktres at matataas ang naging ratings ng mga ito.

Bagay rin kay Kris ang istorya ng Prinsesa Ng Masa at inaprubahan naman agad ng GMA-7 at ng Avon Philippines.

Sabi ni Kris, “Hindi nalalayo ang kuwento ng show sa mga nangyari sa akin noong sumali ako sa StarStruck noong 2006.

“Maraming pagdadaanan ang character ko dito sa Prinsesa Ng Masa kaya may mga iyakan ito.

“Pero may mga kilig moments din kasi kami ulit ni Aljur ang magtatambal.

“May magandang aral sa story ng Prinsesa Ng Masa. Yung huwag kang susuko na maabot ang mga pangarap mo kahit na maraming hadlang.

“Gusto naming maging inspiration ang kuwentong ito para sa maraming kabataan ngayon,” diin niya.

Balitang makakasama rin sa cast ng Prinsesa Ng Masa si Heart Evangelista na gaganap na kontrabida niya.

Pero ayon kay Kris, “Hindi ko pa alam ang buong cast, e.

“Ang alam ko lang ay si Aljur. May mga nabanggit na silang ibang mga artista, pero hindi pa ako sure talaga.

“Malalaman ko ang iba pang detalye kapag nakapag-story conference na kami.”

INDIE FILM. Hindi natuloy si Kris sa pagbida sa indie film ni Gil Portes na Isang Tag-araw sa Buhay ni Twinkle Payawan na para sa Sineng Pambansa All Master Series Festival ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) dahil nga sa Prinsesa Ng Masa.

Handa pa naman daw si Kris na magpaka-daring dahil nag-audition talaga siya para sa naturang indie film kunsaan gaganap siya bilang isang drug addict.

“Gusto ko naman talaga siyang gawin. Iba kasi ang role at gusto kong subukan naman ang mga ganung klaseng pelikula.

“Ilang taon na ba ako? Twenty-four years old na ako. Siguro naman ready na ako para sa mga ganung roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero dahil nga may involved na malaking produkto sa Prinsesa Ng Masa, kailangan maging wholesome pa rin tayo.

“Gagawin din kasi akong endorser ng product kaya yung image ko na wholesome ay hindi dapat mawala.

“Sa totoo lang, nanghinayang ako dun sa indie movie. Chance ko na kasi iyon na maipakita na nag-mature na ako bilang isang artista.

“Nag-sorry nga ako kay Direk Gil dahil hindi ako natuloy.

"Kung ako lang, gusto ko. Pero ang GMA Artist Center na ang nagdesisyon since sila ang tumatayong manager ko.

“Sana, balang-araw, may dumating ulit na ganung role para sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN