Rufa Mae Quinto on being "genius" in love after her experiences: "Huwag kayong masyadong mag-expect sa akin."

Nilinaw ni Rufa Mae Quinto na hindi pa kasal ang dalawang pultiko na na-link sa kanya nang ligawan siya ng mga ito. Dagdag niya, "Pero lahat naman sila naging kaibigan ko. At saka, wala naman akong sinirang pamilya. Kung may nagkakagusto sa akin, hindi ko na kasalanan, di ba?"


Aminado ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto na takot siyang magkaanak kahit nagkakaedad na siya.

Paliwanag ng 35-year-old actress, "Hindi ba nga, ang dami kong operasyon sa tiyan?

"Parang kung ano ang plano ko, hindi ko magawa.

"Kasi, ewan ko ba, ang dami-dami kong obligasyon na inaako sa pamilya.

"Imagine, yung mga pamangkin ko, malalaki na. E, di ba, halos lahat sila pinag-aral ko?

"Pero natutuwa naman ako at may napuntahan ang mga pinaghirapan ko.

"Minsan, naiisip ko ding magkaroon ng sarili kong anak, pero ewan, hindi yun ang priority ko."

Makapamilya talaga si Rufa Mae. Kahit mayroon na siyang sariling condominium unit sa Makati, mas ginusto pa niyang makasama ang kanyang ina at mga kapatid sa family house nila.

"Oo nga, yun nga, mas gusto ko pang kasama ko ang mother ko at mga kapatid ko kahit may sarili rin akong condo.

"Masaya ako kung sila ang kasama ko. Out of town kami, kung saan-saan pumupunta basta may naisipan kaming puntahan.

"So, ganun lang talaga ang ganap sa buhay ko. Boring ba?" natatawang sabi niya.

NO TIME FOR MEN. Napabalitang ikakasal na si Rufa Mae noong nakaraang taon sa kanyang boyfriend na foreigner. Ano ang nangyari at naudlot ito?

Sabi niya, "Kung anu-ano ang nangyari sa buhay ko, di ba?

"Namatayan ako ng lola tapos ayaw ko namang ikasal ako sa ibang bansa kasi dito ang trabaho ko, di ba?

"Kasi gusto niya dun na ako tumira, siyempre ayaw ko.

"Basta ako, tapos na ako sa mga lalaki issue. Hindi na talaga.

"Lahat naman sila nag-offer [ng kasal]. Kaya lang, yun nga, past is past na. Ayaw ko nang balikan.

"Dati akala ko, runaway bride ako, e. Pero, yun nga, wala namang natuloy.

"So, laging diskaril ang ganap."

Wala na ba siyang pagnanasa sa lalaki?

"Meron naman!" natatawang sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang, focus muna ako sa ginagawa ko.

"Kasi kapag nai-in love ka, yung hilung-hilo ka sa lovelife, parang yun ang na-realize ko na walang basagan ng ganap.

"Kung nandiyan ’yan [lovelife], dapat ay hiwalay [sa career] kasi nahihirapan nga ako, kasi komedyante nga ako, di ba?

"Parang ang hirap mag-comedy na sa totoong feelings mo ay may problema ka, may nanggugulo na ’bawal ’to, bawal yun.’

"Kaya yun, hindi ko muna inisip.

"Pero ngayon, puwede na."

Wala talaga siyang boyfriend ngayon?

Sabi ni Rufa Mae, "May mga uma-aura naman. Yun ang ganap.

"Pero hindi ko pa siya iniisip, siguro private lang muna."

MYSTERY LOVER. May nagbiro naman kay Rufa Mae na baka sa tomboy na siya pumatol?

"Hindi pa naman!" natatawang sagot niya.

"Hindi ko pa na-try. Parang wala namang nagkakagusto sa akin ng ganoon.

"Ewan ko, wala namang nanligaw kaya hindi ko pa ’yan alam. Charing!

"Hindi, di ba, you’ll never know... Charing uli!"

Nagkaroon ba siya ng bagets na boyfriend, tulad ni Boy2 Quizon?

"Hindi ko naman naging boyfriend si Boy2," pagtanggi ng komedyana.

"We’re friends lang, best friends.

"Natsismis nga na si Boy2 daw yung papakasalan ko, e, wala naman kaming usapang ganyan.

"Ni wala naman siyang ibinigay sa akin na singsing or something, di ba?

"Sinabi ko naman noon na never ko siyang naging as in boyfriend.

"Wala... wala na kasing ganyan."

Naungkat naman muli ang dalawang politicians, na diumano’y parehong may-asawa, na na-link kay Rufa Mae noon.

Pero paglilinaw ni Rufa Mae, "Hindi pa sila married nang ma-link sa akin.

"Huwag na nating banggitin ang pangalan nila kasi tahimik na nga ang buhay nila.

"Pero hindi pa sila married noon nang manligaw sa akin.

"Pero lahat naman sila naging kaibigan ko.

"At saka, wala naman akong sinirang pamilya.

"Kung may nagkakagusto sa akin, hindi ko na kasalanan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko na talagang pag-usapan ang past kasi nag-move on na ako nang matagal. Hindi na sila kasama sa buhay ko.

"At saka with due respect to our countrymen... o, di ba?" pagbibiro pa ng bida sa upcoming comedy film na Ang Huling Henya.

HENYA IN LOVE? Pagdating ba sa larangan ng pag-ibig ay naging "henya" na rin si Rufa Mae?

"Never naman akong naging henya," mariing sabi niya.

"Through time and experience, kumbaga, life brought me here.

"Kumbaga, yung experience ko sa lahat na nangyari sa akin, yun na ang nagdala sa akin na mag-mature. Yun lang yun.

"Kasi, ’Henya’ is a role. Huwag kayong masyadong mag-expect sa akin.

"Kaya nga minsan, I don’t wanna talk about it. O, di ba? Englih yun, ha!" pagbibiro uli niya.

Pati nga raw ang pagiging hindi niya maganda ay kanya ring ginawang biro.

"Hindi naman talaga ako maganda!" natatawang sabi niya.

"Kaya nga comedy na lang ang ginagawa kong pelikula kasi, feeling ko, dun talaga ako babagay.

"At saka yung pagiging seryosong aktres, feeling ko rin hindi rin babagay sa akin kasi kahit magda-drama ako, feeling ko natatawa na sila sa akin.

"Tapos maraming nagsasabing sexy raw ako, boobsie raw ako, kaya yun ang ginawa kong peg sa sarili ko.

"Sa awa ng Diyos ay nakalusot naman.

"So, basta kung ano ang gusto sa akin ng manonood, todo lagi sa akin ’yan. Go lang ako nang go."

Kaya nga sa pelikulang Ang Huling Henya, kahit isa itong action-comedy movie na may konting drama, ay hindi pa rin maiwasang magpa-sexy ni Rufa Mae.

Sabi ng seksing komedyana, "May isa ako ritong eksena na parang sexy pa rin, kasi parang naka-bra lang ako. Ganun lang.

"Hindi naman ako pagod sa pagpapa-sexy.

"Next year, twenty years na rin ako sa show business, maraming ganap.

"May concert, coffee table book... O, di ba... to paint the town red.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta yung ginagawa ko ay hindi lamang para lang may movies ako o kailangan kong mabuhay.

"I want to live to the fullest.

"Sa maraming taon ko sa showbiz, dito sa movie na ito ay ibinigay ko na ang lahat—walang makeup, simpleng-simple lang ako.

"Kasi dati, di ba, kailangan ko ay naka-[eye] contacts, kahit maluha-luha ako, [eye] lashes na palung-palo lagi.

"Dito, walang lipsticks... Kung may lipsticks, kulay brown.

"Walang foundation kasi action at pag nagpawis-pawis, wala na."

Ano ang masasabi niya na marami na rin ang nagsusulputang mga bagong komedyana?

"Heto lang ang masasabi ko, ha, siyempre natutuwa ako na dumarami na ang nagpapasaya sa ating lahat.

"Sa comedy kasi... ako kasi, ang laging nasa isip ko ay nagpapatawa ako at never ko namang inisip na mas sikat ako o mas marami akong project.

"Ang aim ko talaga ay ang magpatawa.

"So, hindi ako puwedeng mag-feel na nai-insecure, hindi ako puwedeng malungkot.

"Kasi, paano ka magpapatawa kung ikaw mismo ay hindi masaya, di ba?

"So kailangan ay very jolly ako, on and off...

"Baka kasi sa ibang artista ay meron nang rivalry kung serious acting na ang ganap, pero sa tingin ko, sa daming nakatrabaho ko na mga komedyante, parang wala sa isip nila na, ’Dito big star ako, mas sikat ako sa kanya.’

"Parang ang aim ng lahat ay magpasaya at maging masaya. Amen," pagtatapos ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN