Ogie Alcasid on critics of his decision to move to TV5: "I am not answerable to them, except God."

Isa raw sa kinunsidera ni Ogie Alcasid sa kanyang desisyon na lumipat sa TV5 ay kung saan palagay niya mas kailangan. Sabi niya, “Hindi ko sinasabing hindi ako kailangan ng Seven, siyempre kailangan ako ng GMA. But GMA is a very powerful network already, very successful. So, sa Five, aminin na natin, talagang kailangang tulungan na natin.”


Isa nang Kapatid si Ogie Alcasid pagkatapos niyang pumirma ng "long-term" contract sa TV5 noong August 6, Martes, sa Aracama Restaurant sa Bonifacio Global City sa The Fort, Taguig City.
Ilang oras lamang pagkatapos nito ay muli siyang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media para naman sa presscon ng nalalapit niyang 25th anniversary concert, ang 25: I Write The Songs.
Ginanap ang presscon sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan.
Sa kabila ng nakapirma na siya sa TV5, ayaw sabihin ni Ogie ang eksaktong bilang ng taon ng pinirmahan niyang kontrata sa network.
Basta ang sinasabi niya ay “long term” ito.


THE MVP FACTOR. Malaking factor ba sa paglipat niya sa TV5 ang dating executive ng GMA-7 na si Wilma Galvante, na ngayon ay nasa Kapatid network na?
Sabi ni Ogie, “Hindi, ang malaking factor dun, si MVP [Manny V. Pangilinan].
"Si Ma’am Wilma, siyempre ninang ko siya at saka close na kami niyan. Given na yun.
"Pero siyempre, yung may-ari ng network...
"Sabi ko nga sa ‘yo noon, makakapagdesisyon sa akin, kung saan ako kailangan.
“Hindi ko sinasabing hindi ako kailangan ng Seven, siyempre kailangan ako ng GMA.
"But GMA is a very powerful network already, very successful.
"So, sa Five, aminin na natin, talagang kailangang tulungan na natin.”
Dahil sa ginawa niya, aware naman daw si Ogie na malaking pressure ang ibinigay niya sa kanyang sarili.
“Siyempre,” sambit niya.
“That’s what you live for. You don’t live na relax-relax, di ba?
"Nabubuhay tayo para i-challenge ang sarili natin.”
Kaso, nasa kanya ang lahat ng pressure ngayon.
Tugon niya tungkol dito, “Alam ninyo, hindi naman dapat i-deny yun.
"Sa ngayon, Five has to find its place.
"Hindi ko sinasabi na ako ang susi. Hindi ko masasabing ako ang makakapag-ikot nito.
"Pero malaki ang tiwala ng may-ari na kahit papaano, mabibigyan natin ng tulong o direksiyon man lamang, lalung-lalo na sa aspeto ng music.
"Kasi, naniniwala si MVP na music has the potential and powerful content. Wala ang Five nun.”
EXECUTIVE POSITION. Kabilang sa kontrata ni Ogie sa TV5 ang executive position bilang head ng Music Department ng network.
Ngayon lang ba nagkaroon ng Music Department ang TV5?
Sagot ng singer-songwriter, “Meron na rin silang Music Department.
"Pero siyempre, creatively, kailangan nila ng magki-create at mag-iisip. Parang, ’Paano ba natin bubuhayin ang music content ng TV5?’
"Siyempre, meron, nandoon. But I guess they want me to head it.”
Marami siyang ipapasok na OPM singers sa TV5?
“Programming ang iniisip niyo, ha,” pagtatama niya. “Ang sa akin, content.
"So, I create songs. Ako ang magsu-supply.
"Halimbawa, may teleserye, Misibis Bay 2, ako ang mag-iisip na, ’Kasi maganda riyan ganito.’
"Ngayon, kailangan natin sa PhilPop, pasikatin natin ang... so ano magandang kanta.”
Hindi naman daw exclusive ang mga kanta o komposisyon niya sa TV5 lang.


MUSICAL-VARIETY SHOW. Kinumpirma rin ni Ogie na magkakaroon muli ng musical-variety show ang TV5 na tatampukan niya.
“Yun ang una kong gagawin. Yun ang sinabi sa akin ni Ma’am Wilma.
"Kasama ko si Justin Bieber at Justin Timberlake,” biro pa niya.
Ang alam daw ni Ogie, Linggo ang timeslot ng bagong musical-variety show ng Kapatid network. Kaya naitanong ng PEP sa kanya kung wala bang magiging problema kung tatapatan niya ang pinanggalingang Sunday musical-variety show sa GMA-7.
Sabi naman niya, “Well, ang alam ko, gabi.”
SAYING GOODBYE. Sa isang banda, sinabi ni Ogie na naging mahirap para sa kanya ang pagpapaalam sa Kapuso network, na naging tahanan niya sa loob ng labinwalong taon.
“Siyempre, sobra!” bulalas niya.
Naging mabigat din ba sa kanya?
“Hindi, hindi naging mabigat. Bakit magiging mabigat?
"Kasi, ang mabigat, yung parang hindi buo ang desisyon mo. Hindi ganun.
"It’s more of thankful ako. Tumagal ako ng ganun sa kanila.
"But I have to do other things now.
“Nagpaalam ako, kasi ayoko ng pipirma ako sa Five na hindi ako nagpapaalam, or ayoko naman na hindi ko sabihin sa GMA na they have this intention.
"Ayoko rin naman sabihin sa Five na parang, ’Nagpapataas ka lang ng presyo.’ Hindi naman ako ganun...
“So, inuna ko muna ang magpaalam.
"Kinuha ko muna ang basbas ng mga boss ko at saka ako pumirma. So, maluwag.”
Pero tinapatan ba ng GMA-7 ang naging offer ng TV5 sa kanya?
“Huwag na nating pag-usapan yun. Hindi na mahalaga yun,” iwas ni Ogie.
“Kasi, yung negotiation, although I’m aware of it, it’s my manager [Leo Dominguez] who does that."
Hindi kaya siya masabihan na wala siyang loyalty?
Sagot ni Ogie, “Puwede rin, pero hindi naman nila ginawa.”
Ang ilang netizens ay obvious ang pagkadisgusto sa naging desisyon niya na umalis ng Kapuso network at maging isang Kapatid.
Sa mga social networking sites, tulad ng Twitter ay Instagram, madalas makakabasa ng mga negatibong komento sa naging desisyon niya.
Ano ang masasabi ni Ogie rito?
Sagot niya, “I am not answerable to them, except God.
"Now, I am answerable to my fans and my followers if I do not do my best.
"Kaya ko nga sila followers, kasi inaasahan nila na ie-entertain ko sila.
"Kapag hindi ko nagawa yun, I’m answerable to them.”
NOONTIME SHOW? Ang noontime show ng TV5 na Wowowillie ni Willie Revillame ay mawawala na sa ere sa October, kung matutuloy ang inanunsiyo noon ng TV host na magpapahinga muna siya.
Ngayong nasa TV5 na si Ogie at may offer na noontime show, tatanggapin ba niya?
“Wow, mabigat na responsibilidad yun,” sabi niya.
“At hindi ko alam... kakausapin ko si Mr. [Tony] Tuviera ng isang milyong beses niyan na, ’Boss, Ninong, ano ba ang gagawin ko?’"
Si Tony Tuviera ang producer ng noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga!.
Patuloy niya, "But, I’m happy that I don’t have that responsibility as of now.
"Si Willie naman talaga ang may hawak ng tanghali as far as TV5 is concerned.
"So, kung anuman ang alam ko sa mga naririnig ko, it’s a musical-variety show and then comedy show, and then may gagawin akong isang light soap with a young boy.”
Posible raw The Gift ang title ng soap na gagawin ni Ogie.
Sa estado ng kanyang career at personal na buhay ngayon, ano pa ba ang mahihiling niya? May gusto pa ba siyang ma-achieve?
“Siyempre, yung trabaho ko sa TV5 ngayon, it’s really a challenge for me,” sagot ni Ogie.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN